Chapter Eleven
Hindi ko alam kung ano na ang lagay nina Mama at Papa pero ang alam ko, okay na ‘ko. Kahit papa’no nakatulong din sa’kin si Trent. Paulit-ulit ko mang i-deny sa sarili ko, alam kong sa maikling sandaling kausap ko siya … naramdaman kong hindi ako nag-iisa. Parang hindi nga ako makapaniwala sa ginawa niya eh.
“Sha, kain na!” Sabi ni Mama na nakaupo sa tabi ni Papa.
Hmm … malamang okay na sila, ang sweet-sweet na nila eh! Parang wala lang nangyari. ‘Wag naman sana kaming madagdagan ngayon. Hindi pa ‘ko nakaka-graduate eh!
Umupo na ‘ko sa tabi nila. Ito ang pinakagusto ko … sama-sama kaming kumakain.
“Ate, ba’t parang may spark ‘yang mga mata mo?” Tanong ni Shane, ang isa ko pang kapatid na babae.
“Kris Aquino, ikaw ba ‘yan?” Kunwari’y tanong ko sa kanya.
“Si Boy Abunda siya, ano ka ba Ate?!” Natatawa namang sabat ng isa ko pang kapatid na si Sherine.
Natawa na rin sina Mama at Papa sa takbo ng aming usapan.
Paanong nagka-spark ang mga mata ko eh, ayon na rin sa mga nabasa at nasulat kong romance novel, nagkakaganyan lang ‘yong isang babae kapag in love.
In love na ba talaga ako kay JB? Siya na ba talaga ang lalaking una at huli kong mamahalin? Nyay! Cheesy much!
Kumuha na lang ako ng maraming-maraming kanin sa halip na sagutin ko ang tanong ni Shane.
“Uy, si Ate umiiwas.” Sabi nito nang mahalatang hindi ko pinagtuunan ng pansin ang tanong niya.
“Hayaan niyo na nga lang ‘yang Ate niyo, pakainin niyo muna … halatang gutom oh.” Natatawang sabi naman ni Mama.
“Hoy ikaw Sharlene, kapag may nagugustuhan ka na o may nanliligaw sa’yo … ‘wag mong itatago ha? Sabihin mo sa’min.” Sabi naman ni Papa.
“Si JB lang naman ang gusto ko eh.” Sabi ko sa kanila habang ngumunguya.
“Sino’ng JB?” Tanong agad ni Papa.
“Eh ‘di ‘yong captain ball ng grupong laging talo nina Trent!” Sagot ni Shane.
“Sobra ka naman Ate Shane, at least nakapasok sa finals ang Paladins.” Pagtatanggol naman ni Sherine sa grupo nina JB.
“Oo nga, marami lang sigurong lucky charms ‘yong Chevalier kaya natatalo nila ang team ng mahal ko.” Sabi ko naman.
“Mahal agad? Agad-agad?” Gulat na tanong ni Shane.
“Oo, bakit? May angal ka?” Naghahamong sabi ko sa kanya.
“Wala naman … medyo nagtataka lang, bakit si JB at hindi si Trent?” Tanong nito.
“Kasi naman, mayabang si Trent ‘no!” Sagot ko naman.
“Mysterious-type lang ‘yong tao. ‘Wag mo namang husgahan … ‘di mo pa naman na meet eh.” Sabi niya.
“Na-meet ko na.” Sabi ko.
“Akala ko ba si JB ang gusto mo, bakit si Trent ang laman ng panaginip mo Ate?” Natatawang sabi ni Shane.
Hindi na ba talaga ako kapani-paniwala? Nagsasabi naman ako ng totoo ah? Hay! Bahala nga sila.
“Ayaw mong maniwala? Eh, ‘di ‘wag!” Sabi ko na lang sa kanya.
“Drugs pa more Ate!” Natatawang sabi naman ni Sherine.
Nagtawanan ang lahat. Nakakahiya naman sa kanila. Hello! Ako kaya ang nagsasabi ng totoo dito?
Tinapos ko na ang pagkain ko. Pinagtutulungan ako ng mga loko.
BINABASA MO ANG
The Famous Trespasser (Completed)
Non-FictionSaan mauuwi ang giitan ng dalawang taong nabuhay sa magkaibang mundo na biglang pinagtagpo ng makulit na tadhana? Sino ang unang bibigay?