Chapter Nine
“Oh, ano? Magtititigan na lang tayo buong araw?” Paninita ni Mama kay Papa.
Halos lahat ng mag-asawa ito ang pinag-aawayan eh. Hay! I know they love each other pero bakit ganito? Dahil lang sa pera magkakagulo sila?
“Naghahanap naman ako ng paraan ah?! Hindi pa nga ako makakabalik ng Saudi kasi hindi pa ‘ko nakahanap ng pang placement.” Pagpapaliwanag ni Papa.
“Talagang hindi ka makakahanap kung gaganyan-ganyan ka na lang buong araw!” Medyo tumaas na ang boses ni Mama.
“Hindi ba pwedeng magpahinga kahit ngayon lang, ha?” Napataas na rin ang boses ni Papa.
“Aba, baka gusto mo na lang na pare-pareho tayong magpahinga nang walang gisingan Ronnie!” Sagot naman ni Mama.
“Sumusobra ka na ha? ‘Pag ako nakabalik ng Saudi, hindi na kita babalikan dito.” Pananakot ni Papa.
“Eh, di ‘wag! Akala mo naman natatakot ako.” Singhal ni Mama kay Papa.
Minsan lang silang mag-away at sa bawat pagkakataon na ‘yon, pera ang dahilan. Kung mayaman kaya kami hindi mangayayari ‘to?
Nilapitan ko si Sai, ang bunsong kapatid ko na umiiyak habang nakikinig kina Mama at Papa.
“Ate, nag-aaway sila ‘di ba?” Tanong niya.
Kunwari’y ngumiti ako at pinasigla ko ang boses ko.
“Hindi ah! Naglalaro lang sina Mama at Papa. Kunwari artista sila … ‘yong gaya sa TV?” Pagsisinungaling ko sa kanya.
“Eh, bakit parang totoo?” Naiiyak pa rin na sabi niya.
“Para nga convincing … halika nga, makinig na lang tayo ng music sa cellphone ko at para makatulog ka na rin.” Dinala ko siya sa silid nina Mama at Papa.
Maya-maya lang, nakatulog na siya samantalang sina Mama at Papa, nag-aaway pa rin. Eto ang pinaka-ayaw ko eh.
Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan si Marie o di kaya si Ryan kaya lang naalala ko … meron din silang kanya-kanyang problema. Hindi pa nga rin sila nagpapansinan eh, si Marie kasi ayaw mag-start ng conversation.
Tinignan ko ang wall clock. It’s 2 PM. Alas kwatro ang usapan namin ni Trent na magkikita sa tambayan. Mabuti pa siguro mauna na lang ako do’n. Nakakarindi kasi sa tenga ang pag-aaway nila Mama at Papa.
Lumabas na ‘ko ng kwarto at nagsuklay lang ng buhok pagkatapos ay nagpaalam na ‘ko sa kanila.
“Ma, Pa … alis muna ako.” Pagpapaalam ko.
“Aba Sharlene, sa’n ka naman pupunta?” Tanong ni Mama.
“Sa tabing dagat lang po Ma.” Sagot ko naman.
“Baka mamaya umagahin ka na naman ng uwi ha? Sinasabi ko sa’yo … ‘pag may boyfriend ka ‘wag mong itatago. Baka mamaya niyan nakikipagkita ka nang palihim.” Sabi ni Mama.
“Wala po Ma.” Matipid na sagot ko.
“Ikaw na lang ang pag-asa namin, ‘wag kang magpapakatanga sa pag-ibig nang ‘di ka matulad sa’kin ngayon.” Sabi niya na halatang pinariringgan pa rin si Papa.
Napailing na lang ako at tsaka lumabas na ng bahay.
Mabuti naman at lowtide nang mga sandaling ‘yon kaya hindi ako nahirapan sa pagtawid papuntang isla.
Nang makarating ako sa kubo ko, bigla ‘kong naramdaman na tila nag-iisa ako.
Hindi ko maaring kausapin isa man sa mga kaibigan ko kasi meron din silang problema tapos sina Mama at Papa nag-aaway. Hay! Bakit nagkasabay-sabay pa?
BINABASA MO ANG
The Famous Trespasser (Completed)
Non-FictionSaan mauuwi ang giitan ng dalawang taong nabuhay sa magkaibang mundo na biglang pinagtagpo ng makulit na tadhana? Sino ang unang bibigay?