[TFT] Chapter Seventeen

254 12 9
                                    

Chapter Seventeen

“Magandang gabi po.” Bati ni JB sa lahat ng tao sa bahay.
“Magandang gabi din sa’yo.” Magkasabay na bati nina Mama at Papa.

“Ate, kakauwi lang ni Kuya Trent.” Pagkompirma ni Shane sa naisip ko kanina.

“Kuya Trent? FC lang?” Pagbibiro ko sa kanya upang matabunan ang aking panghihinayang.

“Umm .. hindi na rin po ako magtatagal. Alis na po ako.” Pagpapaalam ni JB.

Nagngitian lang kaming dalawa at pagkatapos ay lumabas na siya ng bahay.

Agad naman akong kumilos papuntang silid. Patihayang ibinagsak ko ang aking sarili sa kama.

Bakit ba ‘ko nakakaramdam ng ganito? Bakit ko na-mi-miss si Trent?

Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Shane.

“Ate alam mo, binigyan ako ni Kuya Trent ng sapatos kasi napansin niya daw na parang sira na ‘yong sapatos ko. Tapos, binilhan niya ng mga damit sina Mama, Papa at si Sherine. Tuwang-tuwa din si Sai sa mga laruang ibinigay niya.” Pagku-kwento nito.

Parang may kung anong humaplos sa puso ko dahil sa mga sinabi ni Shane.

“Eto ate oh … may ipinabibigay din siya para sa’yo.” Sabi ulit nito sabay abot ng isang box ng imported na tsokolate.

Wala sa loob na napangiti ako.

“Uy, si Ate kinikilig!” Tukso sa’kin ni Shane.

“Hindo ‘no! May JB na kaya ako.”

“Uy, si Ate nag-de-deny.” Patuloy na panunukso nito.

“Uy, si Shane ang sarap pektusan.” Sabi ko sa kanya.

Agad naman siyang lumayo sa’kin.

“Masyado kang pikon Ate. Palibhasa affected.” Sabi nito. She stuck out her tongue at pagkatapos ay nagmamadaling lumabas ng kwarto.

“Lagot ka sa’kin ‘pag bumalik ka dito Shane Samonte!” Pahabol na sabi ko sa kanya.

Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga. Ano ba talaga ‘tong nararamdaman ko? Si JB ba talaga ang gusto ko o si … Trent? Hindi eh, malabo. Imposibleng magkagusto ako kay Trent.

Tiningnan ko ulit ang hawak-hawak kong tsokolate.

Hmm … Ano naman kayang pakulo ‘to?

Kinuha ko ang cellphone ko and I sent him a message.

Salamat sa mga tsokolate at sa mga ipinamigay mo kina Mama. (End of message)

Napakislot ako nang biglang nag-vibrate ang cellphone ko. Nagreply siya.

You’re welcome. (End of message)

Nagtext ulit ako sa kanya.

Pasensya kanina. ‘Di kita naabutan. (End of message)

Nagreply naman agad siya.

Don’t mind it, hindi naman ikaw ang ipinunta ko sa inyo. (End of message)

Naasar ako sa reply niya.

“Hmp! Assuming ka kasi masyado.” Bulong ko sa sarili ko.

Biglang nag-vibrate ang cellphone ko. Tumatawag si JB!

“Hello?” Bati ko sa kanya.

“Tumawag lang ako para i-check kong tulog ka na.”

“Ehehe.” Ang tanging namutawi sa bibig ko.

The Famous Trespasser (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon