[TFT] Chapter Ten

303 13 5
                                    

Chapter Ten

Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng awa sa kanya. Parang biglang may bumulong sa’kin na kausapin at damayan ko siya.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na lumapit ako sa isang babae hindi para makipaglandian kundi para aluin siya.

Nagsisimula pa lang siyang kumanta nang dumating ako kanina. Ramdam ko ang kanyang kalungkutan sa bawat pagbigkas niya ng mga katagang kanyang inaawit.

Parang hindi rin ako makapaniwala na muntik na ‘kong maiyak sa kanyang inawit kahit na sabihin pang, hindi pamilyar sa’kin ang kantang ‘yon.

Naisip ko tuloy nab aka kailangan niya ng kausap kaya eto ako, sa maniwala man kayo o hindi … gusto ko talaga siyang tulungan.

“Ano ba’ng problema?” Tanong ko sa kanya habang umiiyak siya sa balikat ko.

Niyakap ko kasi siya nang magsimula na naman siyang umiyak kasi parang nadudurog ang puso ko. Akalain n’yo, nang dahil lang sa pagkanta niya may kakaibang damdamin na nagising sa pagkatao ko?

“Pasensya ka na ha … wala na kasi akong ibang maka-usap.” Sabi niya habang umiiyak, hindi niya sinagot ang tanong ko.

“Okay lang.” Sabi ko. Hihintayin ko na lang siya na mismo ang magku-kwento.

“’Di naman ako dati nalulungkot ng ganito eh … kasi laging nasa tabi ko lang ‘yong mga kaibigan ko.” Sabi niya maya-maya.

Hindi ako nagsalita. Hinayaan ko na lang siyang magkwento.

“Alam mo, hindi ako nakakaramdam ng ganito kasi tuwing nag-aaway sa bahay … kinakausap ko si Marie o ‘di kaya si Ryan kaya lang …” Sabi niya na sisinghot-singhot.

“Kaya lang … pareho silang may problema ngayon.” Dugtong niya.

“Masarap bang maging mayaman?” Tanong niya sa’kin na kumawala na sa pagkakayakap ko.

“Masarap. Magigising ka na may tagasilbi ka. Makakapagpahinga ka nang maayos kapag pagod ka. Mabibili mo ang lahat ng gusto mo at higit sa lahat, syempre hindi ka magkakaproblema sa mga gastusin.” Sagot ko.

“Masarap nga ano? Sana mayaman na lang kami.” Sabi niya na nakalabi.

Ang cute niya no’ng ginawa niya ‘yon. ‘Wag niyong sabihin sa kanya ha? Mamaya n’yan magyabang siya.

“Kaya lang, hindi naman ako kasing swerte mo pagdating sa pamilya at mga kaibigan.” Sabi ko naman sa kanya.

“Ha? Bakit?” Nagtatakang tanong niya.

“Kasi hindi ko naramdaman kahit kailan na sinuportahan ako ng mga magulang ko at mula pa no’ng bata ako … si Brent lang ang tunay kong kaibigan.” Sagot ko.

“’Di ba kapatid mo si Brent?” Tanong niya.

“Oo.” Sagot ko.

“Alam mo? Crush siya ng bestfriend ko.” Sabi niya na bahagyang ngumiti.

“Talaga? Kaya lang may girlfriend na siya eh.” Sabi ko naman sa kanya at inilabas ko ang panyo sa’king bulsa.

Ibinigay ko ito sa kanya, basa pa rin kasi ng luha ang mga pisngi niya.

Tinanggap naman niya ito at ipinahid sa kanyang mga pisngi.

“Pwede bang singahan ‘to? Wala akong tissue eh.” Sabi nito.

Na-amuse ako sa ka prangkahan niya. Parang hindi lang kasi siya babae. Hindi man lang nahihiya. Haha!

Tumango na lang ako at hindi nga siya nagbibiro, talagang siningahan niya ‘yong panyo ko.

The Famous Trespasser (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon