Chapter Sixteen
Paglabas namin nina Marie sa classroom, may isang batang babae na nagbigay sa’kin ng puting rosas.
“Para ba talaga sa’kin ‘to?” Tanong ko sa kanya.
Ngumiti lang ito ng ubod tamis at pagkatapos ay tumakbo na palayo.
“Grabi ka Sha! Ang swerte mo! Biruin mo? Isang John Bryan Rojo ang naliligaw sa’yo?” Kinikilig na sabi ni Marie.
Wala na ngayon ni kaunting pagduda sa isip nila. Naniniwala na sila na kilala ko si Trent at ngayon ay nanliligaw na si JB.
Palagi niya akong sinu-sorpresa. Araw-araw, may iba’t ibang pakulo, at alam kong isa na naman ito sa mga pakulo niya.
Habang naglalakad ng hallway, pinalibutan ako ng mga batang naghahabulan. Maya-maya pa ay ibinigay na nila sa’kin isa-isa ang mga bulaklak na nasa kanilang likuran.
Magmula ng manligaw sa’kin si JB, naisip ko na talagang hindi pa pala ako sigurado sa’king nararamdaman para sa kanya. Sabi pa nga ni Ryan, love takes time at sa tingin ko, tama nga siya.
Nang marating namin ang gate, isang nakangiting JB ang bumungad sa’min. Hindi na siya masyadong dinudumog ng mga kababaihan ngayon sa school kasi nasanay na silang laging nakikita ito at syempre alam na nilang ako ang gusto nito.
Napakurap ako nang biglang nakita ko si Trent na sakay ng isang magarang kotse. Nagtama ang aming mga mata pero bigla siyang nagbawi ng tingin kasabay ng pag-usad ng kanyang sasakyan palayo.
Dalawang linggo na ang nakalipas simula no’ng pumunta sila sa bahay. Matapos ang araw na ‘yon, hindi na ito nagparamdam. Kahit text o tawag wala. Ang weird nga eh, pero mas weird ang nararamdaman ko. Lagi ko siyang naiisip these past few days. Na-mi-miss ko ‘yong mga iringan at pag-aaway naming dalawa.
“For you.” Sabi ni JB sabay abot sa’kin ng isang ponpon ng puting rosas.
Hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya sa’kin.
“Is anything wrong?” Tanong niya nang mahalatang nawawala ako sa sarili.
“Wala naman.” Nakangiti kong sagot.
Nginitian rin niya ako tsaka inalalayang makapasok sa kanyang sasakyan. Hindi ko makakasama sina Marie ngayon kasi may date kaming dalawa ni JB.
Sa isang magarang restaurant niya ako dinala. Nakakahiya! I’m still wearing my school uniform habang siya naman ay napaka-gwapo sa suot niyang blue na long sleeves, slacks at leather shoes.
“Ang daya mo naman eh!” Kunwari’y nakabusangot kong sabi.
“Bakit?” Kunot-noong tanong niya.
“Kasi hindi mo man lang ako pinagbihis.” Nakabusangot pa rin na sagot ko.
“Okay lang ‘yan, maganda ka naman kahit anong suot mo eh.”
“Bolero.” Nakangiting sabi ko.
“Hindi kaya ako mambobola.” Nangingiting sabi niya.
Maya-maya ay dumating na ang waiter at kinuha ang mga orders namin. Hinayaan ko na siyang mag-order pati ng kakainin ko, hindi ko naman kasi alam ‘yong mga menu na nakasulat do’n.
I really like JB’s personality. He’s gentle, loving and caring. Nagtataka nga ako kasi dapat by now, sinagot ko na siya. Like hello! Matagal ko na kayang pangarap ang lalaking ‘to.
Nang dumating ang in-order namin, nagsimula na kaming kumain. Tahimik lang kami habang siya naman ay panaka-nakang tumitingin at ngumingiti sa’kin.
BINABASA MO ANG
The Famous Trespasser (Completed)
Non-FictionSaan mauuwi ang giitan ng dalawang taong nabuhay sa magkaibang mundo na biglang pinagtagpo ng makulit na tadhana? Sino ang unang bibigay?