Chapter Two
“Bro! Panalo na naman kayo. Congrats!” Masayang bati sa’kin ng kapatid kong si Bryan Kent Villar. Hindi kami kambal pero maraming nagsasabing magkamukha daw kami. Nah! Sa tingin ko mas gwapo naman ako.
“Hindi na naman bago ‘to eh? Alam mo namang nasa lahi tayo ng mga winners.” Sabi ko sa kanya sabay high-five.
“Sinabi mo pa!” Pagsang-ayon niya.
“Oh? Sa’n tayo magce-celebrate?” Tanong niya habang ako nasa shower room na para maligo. Pawis na pawis eh.
“Depende kung sa’n mo gusto.” Sagot ko.
“Hindi mo ba tatawagan sina Mommy?”
“Alam mo namang hanggang ngayon hindi pa rin nila tanggap ‘to ‘di ba?”
“Malay mo, matuwa na sila ngayon. Ma realize nila na lagi ka namang nananalo.”
“’Di ka pa nasanay kay Dad. Alam mo naman ‘yon na kung ano ang gusto niya, ‘yon ang masusunod. Bilib nga ako sa’yo eh, close na close kayo.”
“Mas bilib naman ako sa’yo, kahit hindi kayo close … nagagawa mo kung ano ang gusto mo.”
“Eh ‘di gawin mo rin ang gusto mo.”
“’Pag ginawa ko ‘yon, wala nang matitira sa kanya.”
“Mabuti ngang ma realize niya na sumusobra na siya.”
“Ewan ko bro, minsan kasi naiisip ko na ginagawa lang ni Dad kung ano ang sa tingin niyang tama.”
“Tama bang pilitin niya tayong gawin ang mga bagay na hindi natin gusto?”
“Tss. ‘Wag na nga nating pagtalunan ‘yan bro. Basta ako, bilib na bilib ako sa’yo.”
“Thanks bro!” Lumabas na ‘ko ng banyo at nakipag-high-five ulit sa kanya.
“So, sa’n tayo?” Tanong niya.
“Sama na lang tayo sa mga teammates ko bro … marami silang chicks do’n.” Kinindatan ko pa siya.
“Hahaha! Ikaw talaga!” Napakamot pa ito sa ulo.
Nauna na ‘kong maglakad samantalang siya naman ay nakasunod lang sa’kin.
“Pare! May nagpapabigay sa’yo oh?” Sabi ng teammate ko na kasabay naming lumabas. Inabot niya sa’kin ang isang box ng cookies.
Tiningnan ko ito and by the looks of it, parang hindi ko gusto eh kaya idiniretso ko na sa basurahan.
“Pare! Ba’t mo tinapon?” Tanong niya.
“Ayoko eh, bakit? Gusto mo ba? Sana sinabi mo sa’kin kanina pa.”
Binatukan naman ako ni Brent.
“Bro naman … ba’t mo ‘ko binatukan? Nakakahiya, baka mamaya may makakita sa’tin dito.”
Kay Brent lang ako ganito. ‘Pag nasa labas kasi ako, hindi ako masyadong nagsasalita. Ayoko kasing may mapag-usapan ang media tungkol sa’kin. Alam n’yo naman ang mga media people, mahilig mang-intriga.
“Ang sama mo kasi eh, ba’t mo itinapon? Mukhang pinaghirapan ‘yon ng tao eh?”
“Pakialam ko?”
Napakamot na lang sa ulo si Brent.
Nang makasakay na kami sa van, kabilaan ang mga babaeng nakalingkis sa’kin. Parang mga sawa lang eh.
Sa tuwing nananalo kami, ganito palagi. Maghahang-out kami sa bar. Magpapakalunod sa alak tapos ako magigising sa ibang kwarto na may kasamang babae. Ni hindi ko nga maalala ang mga nangyayari. Sa dami ng mga babaeng nagkakandarapa sa’kin, hindi ko alam kong pa’no sila tatakasan kaya hinahayaan ko na lang sila.
BINABASA MO ANG
The Famous Trespasser (Completed)
Non-FictionSaan mauuwi ang giitan ng dalawang taong nabuhay sa magkaibang mundo na biglang pinagtagpo ng makulit na tadhana? Sino ang unang bibigay?