Chapter Fourteen
Tawanan nina Ryan at Marie ang una kong narinig pagpasok ko ng room namin. Salamat naman at nagbati na ang mga bestfriends ko. Umupo agad ako sa tabi ni Marie at nangalumbaba.
“Miss Samonte, kay aga-aga pasan mo na ang mundo?” Tanong ni Marie.
“May problema kasi eh.” Wala sa loob na sagot ko. Iniisip ko pa rin ang nangyari kanina. Bago ako pumunta ng school, kinausap ako ni Papa at sinabi niyang maniniwala lang daw siya kapag pumunta sina Trent at JB sa bahay.
“Ano’ng problema?” Tanong agad ni Ryan na halatang nakikiusyoso sa pag-uusap namin ni Marie.
“Hindi naman kayo maniniwala kapag sinabi ko sa inyo eh.”
“Try us.” Magkasabay na sabi nila.
Dahil maaga pa naman at wala pa ang subject teacher namin, inakay ko silang dalawa palabas. Pumwesto kaming tatlo sa tabi ng drinking fountain.
“Nahuli ako ni Papa na lumabas nang madaling araw.” Panimula ko.
Nanlaki ang mga mata nila, well … pati ‘yong mga mata ni Marie na singkit eh lumaki talaga nang bongga.
“Bakit?!” Magkasabay na tanong nila.
“Kayong dalawa ha? Nagiging hobby niyo na ang pagsasalita nang sabay.” Pasakalye ko.
“Eh, bakit nga kasi?” Tanong ni Marie.
“Ganito kasi ‘yon, tinawagan ako ni JB na puntahan si Trent sa Blue’s dahil lasing na lasing ito.” Sabi ko.
“Sino’ng Trent at JB?” Tanong ni Ryan.
“ Captain ball ng Chevalier at Paladins.” Sabi ko.
“’Yan tayo Sharine eh. May problema ka na nga nagloloko ka pa rin.” Sabi naman ni Marie.
“Pero Marie, nagsasabi ako nang totoo. Maniwala ka naman sa’kin kahit ngayon lang.”
Napailing lang si Ryan habang si Marie ay natahimik.
“Okay fine, I’ll give you the benefit of the doubt pero kailangan mong patunayan. Sabi ni Marie matapos ang sandaling pananahimik.
“Kailangan ko na ngang patunayan sa pamilya ko, pati ba naman sa inyo?” Nanghihinang sabi ko.
“Ang hirap naman kasing paniwalaan ng sinasabi mo eh.” Sagot naman ni Marie.
“Oo nga Sha, ‘yong mga sikat na taong ‘yon magiging kaibigan mo? Paano?” Segunda naman ni Ryan.
“Alam n’yo kung ano ang kulang sa inyo? Tiwala. Sana man lang pagkatiwalaan n’yo ‘ko.” Sabi ko tsaka tinalikuran ko na sila upang bumalik sa classroom.
Hindi natatapos ang araw na hindi kami nagkakabati kaya bago kami umuwi ay nagkausap muna kami. Konting lambingan lang ang katapat ng bawat pagtatampo.
Palabas na kami ng school nang biglang nagsigawan ang mga kababaihan. Nagkasiksikan at nahirapan kaming makalabas ng gate. Nagulat pa ako nang biglang lumabas si Trent mula sa mga kababaihang nagkakagulo sa kanya.
Lumapit siya sa’kin at hinila niya ‘ko papunta sa kotse niya. Napalingon naman ako kina Marie at Ryan na bakas ang matinding pagkagulat sa kanilang mga mukha.
“Mauna na muna ako.” Sigaw ko sa kanila habang hila-hila pa rin ako ni Trent.
Tahimik niyang pinaandar ang kotse at pinaharurot palayo sa aming eskwelahan.
“Trent, bakit mo ‘ko pinuntahan?” Basag ko sa katahimikan.
“Tama ba ‘tong daan na tinatahak natin papunta sa inyo?” Pag-iwas niya sa tanong ko.
BINABASA MO ANG
The Famous Trespasser (Completed)
Non-FictionSaan mauuwi ang giitan ng dalawang taong nabuhay sa magkaibang mundo na biglang pinagtagpo ng makulit na tadhana? Sino ang unang bibigay?