Chapter Three
“Hurray! Thank God it’s Friday!” Malakas na sigaw ni Marie pagpasok niya ng classroom.
Nagkatinginan naman kami ni Ryan.
“Hoy! Ano’ng nangyari sa’yo Ba’t parang inspire na inspire ka?” Tanong ko.
“Wala, na feature lang sa news si Bryan Kent Villar … ang gwapo niya! Ayoko na kay Trent!” Kinikilig na sabi nito.
“Ang landi mo.” Sabi ko sa kanya.
“Uy! Meron akong magazine dito na na feature din si JB!” Sabi nito.
“Talaga?” Biglang nag heart-shape ang mga mata ko.
“Uh-huh!” Sabi niya.
Nagkukumahog kong binuksan ang bag niya.
“Ako lang daw ang malandi. Tss.” Napapalatak na sabi niya habang kinikilig kong binubuklat ang magazine na kung saan na feature si JB.
“Oh, sige na. Tayong dalawa na.” Sabi ko naman sa kanya.
“Ewan ko sa inyo, hindi niyo alam kung sino talaga ang totoong ‘gwapo’.” Napapalatak na sabi ni Ryan.
“And what do you mean by that, aber?” Nakataas kilay na tanong ni Marie
“Kasama n’yo na kasi ang ‘gwapo’ araw-araw pero kung saan-saan pa rin kayo naghahanap.”
Napatirik tuloy ang mga eyeballs namin sa sinabi niya.
“Ay, siyanga pala. Invite ko kayo bukas sa church ha? Para makilala n’yo na ‘yong girlfriend ko.” Sabi ni Ryan.
“Sige, sige!” Excited na sagot namin ni Marie.
Mag-uusap pa sana kami nang bigla nang dumating ‘yong teacher namin.
Oras na para malaman namin kung sino ang nakakuha ng mataas na score at kung sino ang mananalo. Business Concepts ang subject na ito, kung saan nakipagpustahan si Marie kay Ryan … at ang nakataya? Choco baby!
Pareho kasing chocoholic ang dalawang ‘yan samantalang ako ay gano’n din naman kaya lang, hindi ako sumali sa kanila. Hihingi na lang ako sa kung sino man ang mananalo! Walang risk on my part. Nyehehe! Ang talino ko ‘di ba?
At dahil more on terms and definitions ang test namin, natalo si Ryan! Haha! Mas matalas kasi ang memory ni Marie. Kung magpapakwento ka sa kanya ng tungkol sa mga librong gawa ko, kaya niyang i-kwento sa’yo ‘yon kahit detailed pa! Diyan kami magaling eh! Pwera na lang sa analyzing.
Walang nagawa si Ryan kundi ang bumili ng choco baby at alam n’yo kung ano pa ang mas masakit do’n? Hindi talaga siya binigyan ni Marie kahit isang butil lang. Nakatunganga lang siya habang kami naman ay nilalasap ang masarap na tsokolateng galing sa kanya. Ang galing ‘di ba? Hahaha!
Pagkatapos ng klase, umuwi agad kami. Kailangan ko kasing gawin ang ‘how to make a woman fall in love’ na ni-request sa’kin ng isa sa mga readers ko sa wattpad. Nakakatawa nga eh, it’s like ‘how to make Sharlene Samonte falls in love’ ang kinalabasan kasi sarili kong standard ang isinulat ko. Well, opinyon ko lang naman ‘to ‘di ba?
She loves it when you will act more than you speak. Kinesthetic kasi ang mga babae. Mas gusto nila ‘yong may ginagawa ka para sa kanila. Isa ito sa mga lines na isinulat ko. Para kasi sa’kin, actions speak louder than words. Lumang quote pero naniniwala ako sa ganyan. ‘Pag may pagmamahal, may gawa.
She loves it when you sing for her even if you’re out of tune. Oo, the voice doesn’t matter at all. Ang importante ‘yong sincerity mo sa pagkanta,‘yong pagdama mo sa bawat katagang binibitawan mo.
BINABASA MO ANG
The Famous Trespasser (Completed)
Non-FictionSaan mauuwi ang giitan ng dalawang taong nabuhay sa magkaibang mundo na biglang pinagtagpo ng makulit na tadhana? Sino ang unang bibigay?