[TFT] Chapter Twenty-One

230 11 3
                                    

Chapter Twenty-One

“Tingnan mo Sha! Nasa tv sina Trent at JB!” Malakas na tawag sa’kin ni Marie.

Araw ng Linggo kaya magkasama na naman kami, kung hindi ako ang pumupunta sa kanila, siya ang pumupunta sa’min.

Tumigil ako sa paghuhugas ng pinggan at dali-daling pumunta sa sala. Namasyal sina Mama at Papa kasama ang tatlo kong mga kapatid kaya kaming dalawa lang ni Marie ang nandito ngayon sa bahay.

“Kakasimula lang siguro nito, Sha.” Sabi ni Marie na ang tinutukoy ay ang show nina Krissy at Boy. Isa itong talkshow kung saan ay kasalukuyang guests sina JB at Trent.

 “Here we are again Boy. You look gorgeous talaga ngayon.” Pag-ku-comment ni Krissy.

“Salamat Krissy.” Sagot naman ni Boy sabay harap sa camera. Humarap na rin si Krissy sa camera at nagsalita.

“So we are back. Kanina, bago mag-commercial ipinakilala namin sa inyo ang dalawang nag-gwa-gwapuhang team captains ng dalawang sikat na basketball teams. Narito si Tristan Kent Villar na team captain ng grupong Chevalier at si John Bryan Rojo na team captain ng grupong Paladins.”

“That’s right Krissy! So ngayon, kakausapin natin sila para mas makilala pa sila ng kani-kanilang mga fans.” Dugtong naman ni Boy.

“Nakakatulong ba sa inyo ang inyong kasikatan? Why or why not?” Tanong ni Krissy.

Kinuha ni Trent ang microphone at siya ang naunang sumagot.

“Syempre po nakakatulong. You’ll get the attention of the people around you. Kusa nilang ibinibigay sa’yo ang mga bagay na gusto mo kahit hindi mo hinihingi at isa pa, nakakapag-bigay aliw kami sa mga tao sa paligid pero syempre meron din pong disadvantage.” Sagot nito at ibinigay na ang microphone kay JB.

“Sumasang-ayon po ako sa sinabi ni Trent at sa palagay ko iisa lang din ang tinutukoy naming disadvantage. Kung hindi ako nagkakamali ay ‘yong kawalan ng privacy ang tinutukoy niya.” Sagot naman ni JB na agad ding sinang-ayunan ni Trent.

Aba? Parang nagkakaisa yata ang utak ng dalawang ‘to ngayon ah?

“Tama nga naman kayo, may kaakibat na responsibilidad kasi ang pagiging sikat.” Komento ni Boy.

“Ang susunod naman na tanong ay para kay Trent … kamusta naman kayo ng Daddy mo?” Dugtong pa nito.

Nakangiting inabot ni Trent ang microphone.

“Okay na po kami. Matagal ko din pong hinintay ang araw na matanggap niya kung ano talaga ang gusto ko at kamakailan lang ay kinausap na nga niya ako at sinabi niyang, suportado na daw niya ako.”

“Mabuti naman kong gano’n, dapat lang naman na tanggapin niya ‘di ba kasi you’re very magaling naman sa field na pinili mo.” Komento naman ni Krissy.

“Ano naman ang masasabi mo tungkol sa pagkaka-link mo sa isang baguhang sexy actress na si Meigan Cortez?” Tanong nito.

Magre-react pa sana si Marie ngunit sinenyasan ko siya na tumahimik muna.

“Wala pong namamagitan sa’ming dalawa ni Meigan. Hindi na nga po kami nagkikita recently. Inaamin kong ilang beses rin kaming nagkita at nagkasama sa bar pero wala pong espesyal na namamagitan sa’ming dalawa.” Diretsahang sagot ni Trent.

“Maaari bang magtanong kung meron ka nang babaeng napupusuan kasi marami ang umaasa at nagkakagusto sa’yong mga kababaihan.” Tanong ni Boy.

Panandaliang natahimik si Trent ngunit agad din namang nakabawi.

“Ang totoo po, meron na.” Sabi nito.

Biglang sumikdo ang puso ko. Talaga bang meron na itong napupusuan? Ito ba ang dahilan kung bakit malaki ang nakikita ko sa kanyang pagbabago nitong mga nakaraang araw? But who could it be? Could it be … Marie?

The Famous Trespasser (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon