Chapter Twenty-Two
“Sa’n ka pupunta Marie?” Tanong ko sa kanya nang mapansing tila nagmamadali ito.
“Pupunta akong mall. Magkikita kami ni Trent.” Sabi nito.
“Magtatapat na siguro ‘yon sa’yo.” Sabi ko naman.
“Tingin ko, magtatapat na nga siguro ‘yon, pero hindi sa’kin.” Sagot naman nito at biglang tumakbo palayo.
“Bye Sha!” Sabi nito sabay kaway.
Eh? Kanino magtatapat si Trent kung gano’n? Si Marie talaga oh! Kailan pa siya natutong magsinungaling sa’kin?
Tuluyan na siyang nawala sa paningin ko. Wala naman akong nakatakdang gawin ng araw na ‘yon kasi inaatake na naman ako ng ‘writer’s block syndrome’ na siyang kinatatakutang maranasan ng isang manunulat.
Pumasok ako sa kwarto at tiningnan ang bookshelves sa tabi ng aming aparador. Nakakatuwang isipin na marami na pala akong nagawa. Idagdag pa na lalong lumaki ang sales ng mga librong gawa ko ayon na rin sa sale’s report nitong mga nagdaang araw. Konti na lang at matutulungan ko na si Papa na makabalik sa trabaho niya abroad.
Kinuha ko ang Bible ko. Kahit anong busy ko buong araw, hinding-hindi ko nakakalimutan si Lord. He is the source of everything. Utang ko sa kanya ang talent kong ‘to and I will try to use it for His glory.
Nagising ako sa mahinang pagyugyog ni Shane. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.
“May bisita ka Ate.” Sabi niya.
“Sige, susunod ako.” Bumangon ako mula pagkakahiga at kinuha ang suklay sa ibabaw ng aming bedside table.
“Hello Sharlene.” Nakangiting bati sa’kin ni JB.
“Hi. Napadalaw ka?” Nakangiting tugon ko sa kanya.
“I just want to give you these.” Sabi niya sabay abot sa’kin ng flowers at isang box ng imported na tsokolate.
Kahit kailan talaga, napaka-sweet ng lalaking ‘to. Hindi lang naman kasi ako ang inabutan niya ng regalo. Bumili rin siya ng kung anu-ano para sa pamilya ko. Nitong mga nakaraang araw, lagi din nagbibigay si Trent ng kung anu-ano dito sa bahay kaya lang wala siyang may ibinibigay para sa’kin. Asar pa rin siguro sa’kin ang isang ‘yon o ‘di kaya, umiiwas lang na magselos si Marie. Malapit na malapit na ang loob ng pamilya ko sa kanya gaya rin ng pagkakalapit ng mga ito kay JB.
Habang nanonood kami ng TV, nakarinig ako ng tugtog ng gitara. Isa lang ang kilala kong magaling maggitara, si Ryan.
My head's in a jam can’t take you off my mind
From the time we met I've been beset by thoughts of youHe’s singing the song ‘Afraid for love to fade’ pero hindi naman boses ni Ryan ‘yon eh?
Lumabas kaming lahat at nakita namin si Ryan na nag-gi-gitara kasama si Trent na kumakanta?
And the more that I ignore this feeling
The more I find my self believin'
That I just have to see you againHindi kagandahan ang boses niya pero hindi ito naging hadlang upang makaramdam ako ng mumunting kilig. Nanghaharana ba siya? Pero, kanino?
Biglang sumulpot si JB sa likuran ko at sinabayan niya itong umawit ngunit si Trent naman ang tumigil sa pag-awit kaya napatigil na rin si Ryan sa pagtugtog.
“Ano’ng drama ‘to?” Tanong ko sa kanilang dalawa.
“Wala, nagpa-practice lang.” Matipid na sagot ni Trent samantalang si Ryan naman ay nanahimik lang.
BINABASA MO ANG
The Famous Trespasser (Completed)
Non-FictionSaan mauuwi ang giitan ng dalawang taong nabuhay sa magkaibang mundo na biglang pinagtagpo ng makulit na tadhana? Sino ang unang bibigay?