Chapter Fifteen
Nagulat ako nang bumalik si Sharlene na kasama si JB. Akala ko kasi sa susunod na araw pa siya pupunta dito.
Pinaupo agad siya ni Sharlene at binigyan ng maiinom at makakain. Inasikaso niya ito nang maayos, pag-aasikasong hindi niya ginawa sa’kin kanina.
No’ng gabing naglasing ako, ‘yon ang araw na na realize ko na meron akong kakaibang damdamin para kay Sharlene. Damdamin na hindi ko matukoy kung ano. I never look at her as a sex subject, that’s for certain.
Naisip ko nga, baka naawa lang ako sa kanya kasi nakita ko siyang umiiyak pero hindi naman ‘yon ‘yong unang beses na nakakita ako ng babaeng umiiyak.
Ang gulo! Pero isa lang ang sigurado ako … nalulungkot ako sa tuwing magkasama sila ni JB. Nasasaktan ako sa tuwing sinasabi niya kung ga’no niya ito ka gusto.
Naisip ko nga, ligawan ko kaya siya? Kaya lang, ang pangit nang pagkakakilala niya sa’kin. Oo, maraming babaeng nagkakandarapa at nagmamahal sa’kin pero alam kong iba si Sharlene. Ibang-iba siya kung i-ku-kompara sa mga babaeng lumalapit sa’kin.
“Pare!” Bati sa’kin ni JB sabay tapik sa’kin sa balikat.
“Di ko alam na ngayon ka pala pupunta dito.” Dugtong pa nito.
“Ako nga din eh.” Sabi ko naman sa kanya.
Nawala ang atensyon ko sa kanila ni Sharlene nang dumating ang papa nito.
“Magandang gabi po.” Magkasabay na bati naming dalawa.
Nagpalipat-lipat naman ang tingin sa’min ng Papa nito.
“Magandang gabi din sa inyo.” Sagot nito at umupo sa tabi ni Sharlene.
“Umm … Pa, si Trent nga pala at si JB.” Pagpapakilala niya sa’min.
Nakipag-kamay ito sa'ming dalawa.
“Hindi ko na papatagalin pa ang ilangang ito.” Basag ng Papa niya sa katahimikan.
“Isa lang ang sasabihin ko sa inyo. Ayoko nang maulit ‘yong nangyari no’ng nakaraang araw.” Dugtong nito.
Tango lang ang naisagot namin ni JB.
“Matanong ko lang, meron ba sa inyong nanliligaw sa anak ko?” Diretsahang tanong nito.
“Pa naman eh!” Napakamot sa ulo na ingos ni Sharlene.
“Hindi ikaw ang kinakausap ko, Sharlene.” Baling nito sa anak at pagkatapos ay tumingin sa’min.
“Wala po.” Halos sabay na sagot namin ni JB.
Doon na nagkaroon ng tensyon. Nakita kong nag-iba ang ekspresyon ng mukha ni JB habang ako naman ay parang gusto nang umamin sa binabalak ko.
“Wala po pero may balak po akong manligaw.” Nagulat kaming lahat sa sinabi ni JB.
Nakita ko namang lihim na napangiti si Sharlene.
Wala na nga siguro akong pag-asa.
Biglang nabaling sa’kin ang tingin ng Papa niya.
“Ikaw, wala kang balak manligaw?” Tanong nito.
Umiling lang ako bilang sagot.
“Mabuti naman.” Mahinang sabi ni Sharlene na umabot naman sa pandinig ko.
Mas mabuti na nga sigurong, hindi ko na ituloy ‘to.
Pagkatapos nang nakakailang na usapan ay nagyaya ang Papa nito na dito na lang kami maghapunan. Pinaunlakan naman ito ni JB samantalang ako naman ay nagpaalam nang umuwi. Nalungkot naman ang nakababatang kapatid ni Sharlene sa naging desisyon ko. Hindi ko na kasi matagalan ‘yong pag-aalaga ni Sharlene kay JB, nakakainggit.
BINABASA MO ANG
The Famous Trespasser (Completed)
Non-FictionSaan mauuwi ang giitan ng dalawang taong nabuhay sa magkaibang mundo na biglang pinagtagpo ng makulit na tadhana? Sino ang unang bibigay?