Chapter Seven
“Trent, gising!”
Napabangon ako sa malakas na pagyugyog ni Brent.
“Ano ba Brent?! Hindi mo ba nakikitang nagpapahinga ako?!”
Gumulong ako sa kabilang bahagi ng kama ko tsaka itinakip sa ulo ko ang unan.
“Trent, may naghahanap sa’yong babae.”
Hindi ko pinansin si Brent.
Kinuha niya na naman ang unan na itinakip ko sa ulo ko.
“Trent! Ano ba?!” Naiinisa na sabi niya.
Hinarap ko si Brent. Alam kong hindi niya ako titigilan hanggang hindi ko siya hinaharap. Medyo masama pa rin kasi ang pakikiramdam ko at wala akong ganang makipaglandian ngayon.
“Sabihin mo na lang sa kanya wala ako dito.”
“It’s too late Tristan Kent Villar. Nasabi ko nang nandito ka.”
“Pero ----”
“Wala ng pero-pero, kausapin mo na lang siya kung ayaw mo na sa kanya at nang hindi siya nagmumukhang tanga.”
Wala akong nagawa kundi sundin ang sinabi ni Brent. I know this man. Hindi niya ako tatantanan hangga’t hindi ko siya sinusunod. Minsan nga naiisip ko na parang nahahawaan na siya ni Daddy.
Lumabas ako ng kwarto ko para harapin ang babaeng sinasabi niya.
“Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko?” Pambungad na tanong ni Sheena … ay hindi si Apple yata ‘to … no, I think she’s Abby. Tss! Nakalimutan ko na.
“I know you’re smart enough to answer that question.” Sagot ko sa kanya.
“What do you mean Trent?” Naguguluhang sabi niya.
“We’re over.” Sagot ko naman.
“Ano’ng sabi mo?” Naluluhang sabi niya.
“Are you stupid or what?!” Naiiritang tanong ko. Masama na ngang pakiramdam ko, ayaw pa niya ‘kong tigilan?
“I thought … I thought, it’s love.” Napaluhang sabi niya.
“Love? Big word. Alam mong hindi ko kaya ‘yan.”
Hindi na siya nagsalita pa, umiiyak na tumakbo siya palabas ng condo ko.
Napakibit-balikat naman ako tsaka bumalik sa room ko. Dapat kasi hindi ko na binigyan ng duplicate key si Brent eh. Nasisira diskarte ko ng dahil sa kanya. Tss.
“Ano na naman ‘yon Trent?” Tanong sa’kin ni Brent bago pa ‘ko makahiga ulit.
“It’s nothing.”
“Pwede ba, tigilan mo na ‘yang ginagawa mo? Hindi ka man lang ba nakokonsensya tuwing nakikita mo silang umiiyak?”
“Ang drama mo Bro. Patulugin mo nga muna ako.”
Napailing na lang si Brent pero bago siya tuluyang lumabas nag-iwan siya ng mga nakakatawang kataga …
“Ipagdasal mo lang na ‘wag mangyari sa’yo ‘yang mga kalokohang ginagawa mo.”
Napailing na lang ako tsaka bumalik na lang ulit sa higaan.
***
Nagising ako sa malakas na tunog ng cellphone ko. Bad trip! Sino naman kaya ‘to?
“Hoy istorbo!” Singhal ko sa tao sa kabilang linya.
“Hoy ka rin!” Sigaw ng babae sa kabilang linya.
BINABASA MO ANG
The Famous Trespasser (Completed)
Non-FictionSaan mauuwi ang giitan ng dalawang taong nabuhay sa magkaibang mundo na biglang pinagtagpo ng makulit na tadhana? Sino ang unang bibigay?