[TFT] Chapter Eighteen

275 10 3
                                    

Chapter Eighteen

“Bro may gagawin ka ba ngayon?” Tanong ko kay Brent.

“Wala naman, bakit?”

“Yayayain sana kita eh.”

“Mag-ba-bar na naman? Hay naku Trent! Tirik pa ang araw oh? Kaya ka binabasted eh.”

“Hindi ako mag-ba-bar, sira-ulo!”

“Eh? Sa’n ka pupunta?”

“Sa bahay-ampunan.”

“Ha? Ano naman ang gagawin mo do’n? Mamaya niyan kung anu-ano pa ang ituro mo sa mga bata.”

“Alam mo ikaw, wala ka talagang tiwala sa’kin, ‘no?”

“Oh, sige nga … ano ang gagawin mo do’n, aber?”

“Makikipaglaro lang sa mga bata at tsaka magdadala ng mga pagkain at iba pa nilang pangangailangan. Dapat nga matagal ko nang ginawa ‘to eh. Dati pa naghahanap ng foundation na matutulungan ang team namin."

“Ah, gano’n ba? Ayos ‘yan. Sige!”

“Magbihis ka na bro at may dadaanan pa tayo.”

“Dadaanan? Sino?”

“Si Marie.”

“Sino’ng Marie?”

“Basta.”

Nakakunot-noong lumabas na ito ng unit niya.

Dahil araw ng Linggo, pwede kong isama si Brent. Gusto ko kasing makilala niya si Marie.

Isang araw lang kaming nagkasama, nakuha na niya agad ang loob ko. Ang ingay niya kasi, pero masarap kasama. Pati si Ryan ay kaibigan ko na rin ngayon.

Lumabas na ‘ko ng condo at pumasok sa unit ni Brent.

“Tara na.” Yaya ko sa kanya.

“Ba’t parang excited ka? Siya ba ‘yong babaeng tinutukoy mo nang mag-usap tayo kamakailan lang?” Tanong nito.

“’Wag ka na ngang magtanong. Dinaig mo pa si Boy Abunda eh.”

Napakibit-balikat na lang ito pagkatapos ay nagtanong.

“Your car or mine?”

“Mine.” Sagot ko naman.

Nang makarating kami sa bahay nina Marie, agad kaming pinapasok ng lola niya. Nagulat naman ako nang makita si Sharlene sa kanilang sala.

“Nasa’n na si Marie?” Tanong ko sa kanya nang magtungo ang lola nito sa kusina upang kumuha ng maiinom.

“Nasa kwarto niya.” Tipid na sagot nito.

“By the way, this is Brent, my brother. Brent, meet Sharlene … Marie’s bestfriend.”

Nakipagkamay naman ito kay Brent.

Maya-maya lang ay lumabas na rin si Marie sa kwarto niya. Agad akong lumapit sa kanya at ipinakilala si Brent.

“Nice meeting you.” Magkasabay na sabi ng dalawa habang si Marie ay nakangiti nang ubod tamis.

Naalala ko tuloy ‘yong sinabi ni Sharlene sa’kin. Crush daw ni Marie si Brent. Hindi naman nakakapagtaka ‘yon, magkamukha kami eh.

“Shall we go?” Tanong ko nang hindi pa rin kumikilos sina Brent at Marie.

“Sure” Sabi naman ni Brent.

“Oh, pa’no Sha? Mauna na kami.” Ani Marie kay Sharlene.

Pagkatapos ay nagpaalam na rin kami sa lola niya.

The Famous Trespasser (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon