Nagpark si Nigel sa may gilid ng gate ng CPS at bumaba silang dalawa. Sumaludo si Nigel at nakangiting tumango ang guard na hinayaan silang makapasok. Naupo siya sa may bleachers, inilibot niya ang mata sa paligid. Ngayon lang siya nakapasok dito kaya namamangha siya sa magandang straktura ng buildings.
"Let's wait them here." Wika ni Nigel na uupo na sana subalit may childish at matinis na boses ang nagsigaw ng pangalan niya. Nilingon niya iyon at ngumiti. Siya si Zia, ang anak ni tita Olivia at nakakabatang kapatid ni Daniel. Maliit ito sa edad na 13 kaya akalain mong edad nwebe pa lamang ito. Sakitin kase ito noong baby hanggang limang taon kaya ito ang kinalabasan.
"Big boyfriend!!!"
Patakbog lumapit sa kanya ang dalagita, lumundag ito at inihagis ang katawan sa kanya na sinalo niya, nangunyapit ito sa leeg niya bago matunog na hinalikan siya sa magkabilang pisngi.
"Ang tanda-tanda mo na pero nagpapabuhat ka pa rin" biro niya ng bumaba ito sa pagkakabuhat niya
Napalabi ito "miss po kita eh."
Nakangiting inayos niya ang medyo nagulong buhok nito. "Miss rin kita"
Lumawak ang ngiti nito at nagbeautiful eyes sa kanya, subalit agad nabura ang ngiti nito nang magsalita si Lexie.
"Babe,"
Nilinga niya ito "halika at ipapakilala kita"
Lumapit si Lexie sa kanila at pinasadahan ng tingin si Zia.
"This is Lexie, a friend of mine. Lexie this is my little Zia." Pakilala niya sa dalawa
"Hello Zia" bati ni Lexie
Tumingala si Zia dito at pinag-aralan ang mukha, ilang segundong ginawa nito iyon bago gumanti ng bati "hello po, Miss Lexie. Bakit mo tinawag na babe ang big boyfriend ko?"
Tumawa si Nigel at pinisil ang pisngi nito, tumabingi ang ngiti ni Lexie at sumulyap sa binata na parang sinasabing pati bata ay pinatulan niya.
He rub his nose awkwardly "maupo muna tayo at hintayin natin ang kuya at pinsan mo" yakag niya sa dalawa.
Inalalayan niya ang dalagita na naupo at tumabi dito, pinapagitnaan siya ng dalawa na ramdam niya ang hostility ni Zia kay Lexie.
"Big boyfriend, bakit mo siya dinala dito? Aagawin ka na ba niya sa akin?" Mahina at nakasimangot na bulong nito
"Of course not. I'm still your big boyfriend" malambing na tugon niya.
Tumikhim si Lexie at palihim siyang kinurot sa braso. "Matagal pa ba ang kapatid mo? Pupunta pa tayo sa condo ni Philip right?" Kaswal na tanong nito
"Big boyfriend, punta tayo sa bahay ngayon. May ipapakita ako sa'yo" naglalambing na sabi ni Zia at inismiran ang una.
Hindi niya alam kung tatawa ba siya o iiyak nang makitang matalim ang tingin ni Zia kay Lexie at ang huli naman ay blangkong nakamata sa una.
"Ah… nandito na pala sila." Bigkas niya ng maagaw ng tingin niya ang tatlong binatilyo na naglalakad palapit sa kanila. Buti nalang at dumating ang tatlo bago pa siya maipit sa dalawang babae.
"Kuya anong ginagawa mo dito? Wala naman akong maalalang ginawang kalokohan ngayong araw?" Kunot noong tanong ni Nikolai
"May ibibigay ako kay Zero" tugon niya at kinuha ang pera sa bulsa.
Nakangising tinanggap iyon ni Zero "salamat kuya" napasulyap ito kay Lexie. "Lexie, hello!!" Kumaway ito
"You know me?" Gulat na bulalas nito
BINABASA MO ANG
friendship series-2nd generation Under The Sheets (ON HOLD)
General FictionWarning:: contains explicit materials, sexual, vulgarity that is not suitable for minors. Read at your own risk.. A/N: sorry po sa mga typos wrong grammar at flaws ng story ko, tumatanggap ako ng criticize o correction or ipaalala na may nakalimutan...