Nakaupo si Nigel habang si Lexie ay nakahiga sa sahig at nakaunan si Lexie sa binti niya. Nilalaro niya ang isang bulaklak at ninanamnam ang mga haplos nito sa pisngi niya. Hindi mapuknat ang ngiti niya at napapapikit 'pag pinapadaanan ng daliri nito ang kilay niya. Walang kahit na ingay na naririnig sa loob ng music room kundi ang mahinang paghinga lamang nila.
Para silang nasa ibang mundo dahil sa mga talulot ng rosas na nakakalat at katahimikan na hindi nila gustong putulin. Inayos niya ang pagkakaunan sa binti ni Nigel at tumingala rito. Nagtama ang mata nilang dalawa at sabay na napangiti. She propped herself up and kiss him on his chin. Hinawakan ni Nigel ang likid niya at tinulungan siyang maupo bago tuluyang naglapat ang labi nila.
Pinaikot niya ang braso sa batok nito at kinagat ang labi niya. Umungol si Nigel at inilayo ang mukha. Namumula ang labi nito na kinagat niya. "Nigel!" usal niya at kinagat ang labi.
Agad nagliyab ang mata nito sa pagnanasa. Ang kamay nitong nasa baywang niya ay pumasok sa suot niyang damit at walang kahirap-hirap na inalis ang hook ng bra niya. Mabilis siyang kumilos at hinila ang ulo nito para magtagpo ang labi nila. Hawak ang baywang niya ay tinulungan siya nitong mahiga sa sahig at pumatong sa kanya.
Eksperto ang kamay niya na bumaba at inalis ang pagkakabutones ng pantalon nito. Ngunit nang akmang ibababa niya ang zipper nito ay di sinasadyang sumulyap muna siya sa pinto at saktong nakita niya ang pagkislap na ilaw doon, nanlamig ang buong katawan niya at awtomatikong naitulak niya si Nigel at namumutlang tinuro ang pinto. "Baby, I—I think may kumuha ng litrato natin!" nginig at kinakabahang bigkas niya.
Dumilim ang anyo nito at agad na tumayo. Inayos nito ang pantalon at malalaki ang hakbang na lumabas ito ng music room. Nangangatog na inayos rin niya ang sarili at sumunod dito.
"Nakita mo ba?" Namumutlang tanong niya.
Humarap si Nigel sa kanya at umiling. "No! But don't worry. May mga cameras dito." Itinuro nito ang CCTV.
Hindi pa rin nawala ang takot at kaba niya kahit na alam niyang malalaman nila kung sino ang kumuha ng larawan nila. Kung sino man ang gumawa nito ay wala siyang magandang purpose kundi ang siraan siya at ipahiya sa buong University katulad nang nangyari noong nauntog ang ulo niya sa hallway noon. Parang gusto niyang umiyak dahil sa kaba.
"W-What if—" Sunod-sunod ang pagtunog ng cellphone niya kaya kinuha niya at binuksan. Mensahe ni Janine ang lahat ng buksan niya. Para siyang binubusan ng kumukulong tubig pagkakita sa link na pinasa nito sa kanya. Kaka-upload lng 'yun 5 minutes ago. It was her—no, silang dalawa ni Ashton. Kuha sa larawan ang kamay niyang nasa may butones ng pantalon ni Nigel. Hindi niya inaasahan na ganito kabilis kumilos ang taong kumuha ng larawan nila.
Inagaw ni Nigel ang cellphone niya. "Dammit! Who the hell did this!!!" malakas at malutong na mura nito. Hinugot nito ang sariling cellphone at nakita niyang may tinawagan ito.
"Zero, I need your help. Can you hack this account, Brunette Ly." saad nito pagkatapos ay pinatay ang cellphone. Hinawakan nito ang kamay niya. "Let's go. Sa security system room tayo."
Kahit nanginginig ang tuhod ay tumakbo sila para pumunta sa security room. Kahit nasa kabilang building 'yun ay hindi nila alintana at tinakbo nila ang hagdan. Pakiramdam niya ay lumipad sila patungo doon dahil sa bilis ng takbo nila, hindi nila pinansin na pinagtitinginan sila ng nadadaanan nilang estyudante. Humihingal siya nang makarating sila. Agad na binuksan ni Nigel ang pinto at pumasok.
Gulat na lumingon ang lalaking nakaupo roon. "Anong ginagawa—"
Hindi ito pinansin ni Ashton at mabilis na kumilos. Hinanap agad nito ang nakunang footage sa pinanggalingan nila. Lumapit siya rito at hinintay na makita nito ang video. Kumuyom ang kamao niya habang pinapanood ang mabilis na pagkilos ng kamay nito. "N-Nigel!"
BINABASA MO ANG
friendship series-2nd generation Under The Sheets (ON HOLD)
General FictionWarning:: contains explicit materials, sexual, vulgarity that is not suitable for minors. Read at your own risk.. A/N: sorry po sa mga typos wrong grammar at flaws ng story ko, tumatanggap ako ng criticize o correction or ipaalala na may nakalimutan...