UTS 9

395 9 2
                                    

Lexie twitches her lip, she's really bored to death. Wala siyang alam na pweding pagkaabalahan kaya para siyang mababaliw. Ang kaibigan naman niyang si Janine ay nasa kama niya at kanina pa humihilik. Dumating ito kanina para magbonding daw sila pero ito at hindi naman.

Mas maganda sana kung nandito rin si D para mag movie marathon silang mag-ina, kaso kinailangan nitong pumunta sa bahay ng boss nito para sa trabaho. Hindi niya maintindihan kung bakit ngayong Sunday ay may trabaho pa ito, tinanong niya ito kanina at ang naging sagot nito ay gusto nitong tumanaw ng utang na loob. Ang foundation daw kase ng pamilya ng boss nito ang nagpaaral dito kaya hindi nito kinakalimutan yun. At ngayon lang to nabanggit ng kanyang ina.

Ang boss daw nito ang naging pamilya nito simula nun, her mother is an orphan kaya wala itong kinagisnang pamilya. Thankful daw ito sa foundation at sila ang naging pamilya nito especially her boss's family. Pinaramdam nilang hindi siya isang outsider, pero likas na mahiyain si D kaya pag iniimbitahan ito ng boss nito kung may birthday party o pagtitipon sa kanila ay hindi siya dinadala at nakakahiya daw. Hindi tuloy niya alam kung anong hitsura ng boss nito.

Nagtanong siya minsan noong late na late ito umuwi, nagpunta daw ito sa lamay dahil namatay and ama ng boss nito. Dun lang nagkwento ang ina tungkol sa boss nito at tinawag nitong Sir Ash, mabait at hindi matapobre. May dalawang anak na lalaki at mabait na asawa. Yun lang ang sinabi nito.

Nagpakawala siya ng malalim na  hininga, Napatingin siya sa kaibigan bago tumayo at nalakad palapit dito. Huminto siya at tumunghay sa mukha nito bago hinila ang buhok nito. Napamulat ito ng mata at nagpalingalinga, she looks so horrified. Bumalikwas pa ito ng bangon at hinablot ang unan na parang ginamit na sandata.

Janine exclaimed in horror "huwag mo akong kalbuhan, maawa ka, dito nakasalalay ang kaligayahan ko!!!!"

Lexie blink twice "……………"

Nang dumako ang mata nito sa kanya ay humalukipkip siya. "Ang sabi mo pumunta ka dito para magbonding tayo. Bakit humihilik ka diyan?"

She comb her disheveled hair "inaantok ako eh"

She snorted "umuwi ka at doon ka matulog. Hindi yung nakahiga ka lang diyan tapos ito ako, matitigok na yata dahil sa boredom"

Janine, now is her turn to mock her friend "ah? Alam mo pala ang salitang bored? Akala ko hindi"

Pinaningkitan niya ito ng mata "don't let me kick your ass out of my home"

"Oo na," ngumuso ito "Kung nagkakaroon ka ba naman ng boyfriend di may pagkaabalahan ka. Nakikipagdate at kumakain sa labas, nanonood ng sine naglalakad lakad sa mga iskinita diyan……"

"Wala sa plano ko yan" bumalik siya sa pagkakaupo sa silya sa may study table niya sa sariling kuwarto.

"I know! Ang sinasabi ko lang naman, why not look for someone who is willing to have a fake date with you" suhestiyon ni Janine

Nalukot ang mukha niya. "NO!!"

"Uhm, or maybe, hire a fake boyfriend"

"Hindi ba parehas din yan, atsaka wala akong pera" bored na wika niya

"Ah, alam ko na! Ayaw mo ng seryoso na relasyon. Bakit hindi ka maghanap ng lalaki na willing na magkaroon ng non-commitment relationship sayo" animo may umilaw na bombilya sa ulo na bulalas nito

Tinignan niya ito at di naiwasang isipin ang sinabi nito. Naalala niya nagkaroon siya nun noong edad 17 siya pero napagod din agad siya sa lalaki dahil nagsisimula na itong maging clingy at gusto ng totoong relasyon. Nagdedemand na rin ito ng kung anu-anong bagay na ayaw niya, katulad ng ipapakilala siya sa magulang at close friends nito etceras. Ayaw niya sa ganoong klaseng lalaki dahil alam niya na sa umpisa lang sila ganyan pero pag magtagal ay lolokohin at paiiyakin ka lang nila.

friendship series-2nd generation Under The Sheets (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon