UTS 33

208 8 1
                                    

Kahit nakaupo na silang dalawa sa dalawang silya sa harap ng mesa ng Dean ay nagbabatuhan pa rin sila ng tingin. Nagpupyos pa rin siya sa galit at kung wala talaga sila doon ay gusto uli niyang abutin ang babae at ingudngod sa pader na ngayon ay nangingitim na ang sulok ng bibig at namamaga ang pisngi.

"Alright, tell me what's going on ladies. Dalaga na kayo pero nagsasabunutan at nagsasampalan kayo sa harap ng tourism building. Hindi na kayo nahiya. Ikaw miss Thompson kumakailan lang ay napaaway ka tapos ngayon ito nanaman at nasangkot ka sa gulo. Isa kang dean's lister, balak mo bang mawalan ng scholarship" sita ng Dean. Nagyuko siya ng ulo at hindi makasagot dahil tama ito. Uminit lang talaga ang ulo niya dahil sa sinabi ng babaeng to. Nasaktan pa siya dahil tama ito, hindi talaga sila bagay ni Nigel. Kahit pa mahal niya ito ay hindi niya kayang tapatan ang kung ano mang meron ito. At labis siyang na i-insecure doon.

"Ma'am, siya po ang nagsimula" mabilis na turo ng babae sa kanya. She saw how this woman hide her wicked smile.

"Ingrid Michelson, ikaw ang pumunta sa tourism department. At sigurado na akong ikaw ang nagpasimula ng lahat ng gulo. Kung nasa ibang—" naputol ang sinasabi nito nang tumunog ang telepono sa mesa. Sumulyap muna ito sa kanila bago inangat iyon. "Hello mister Cheng…" sa kanya tumutok ang mata nito at ngumiti. "Yes mister Cheng." Ibinaba nito ang awditibo at bumuntong hininga. "Miss Michelson, isang linggo kang suspended sa University. At ikaw naman Miss Thompson, doon ka sa library at tulungan mo ang librarian ng isang linggo."

"What? Bakit magkaiba ang pataw na parusa sa amin" galit na wika ni Ingrid

"Because, ikaw ang nagpasimuno nang away ninyo. At ang may-ari mismo ng University ang nagdisisyon. At kung nagtataka ka kung bakit? May mga CCTV sa loob ng campus. Now you can go back to your class." Pandidismis nito, ang akala niya ay ipapatawag nanaman nito ang magulang nila pero hindi nangyari at bahagya siyang nakahinga ng maluwag. Hindi lang nawala ng buo dahil naninikip pa rin ang dibdib niya sa magkahalong galit at panliliit sa sarili.

"Just you wait, Dean ka lang dito. Kaya kitang ipaalis sa puwesto mo, I have connections at hindi ako mahihirapan doon" banta nito

"Go ahead." Hindi man lang natakot ang Dean na bigkas nito

"Let's see kung hindi ka pa luluhod sa pamilya ko para ibalik ka sa pwesto mo?" Mapang-uyam na tumawa ito at nagmartsa palabas. Tahimik na lumabas rin siya. Hindi niya maunawaaan kung bakit umeksena ulit si Mister Cheng sa gulong kinasangkutan niya.

"Nigel!!!"

Napaangat siya ng mukha nang marinig ang exaggerated na iyak ni Ingrid. Yumapos ito sa una na agad namang inalis ang braso. Nakita niyang kasama ng binata ang kaibigan nito at si Janine.

Lumapit ito sa kanya at puno ng pag-aalalang hinaplos ang pisngi niya. "Are you okay? May masakit ba sa'yo? Tinawagan ni Janine si Lucky noong dinala kayo dito kaya nagmamadali kaming pumunta dito."

Yumakap siya dito at sumobsob sa dibdib nito "I-I'm okay. I'm just tired and…." 'Hurt' dugtong ng isipan niya. "Ito ang unang beses na nanakit ako ng kapwa ko at namamanhid ang mga palad ko" Sumbong niya

Gumanti ito ng yakap at naramdaman niya ang paghalik nito sa ulo niya "it's okay. Denepensahan mo lang ang sarili mo" pang-aalo nito.

Hindi nila pinansin ang pagtili ni Ingrid na paalis doon. "Hindi ako papayag na mananalo ka Lexie. Tandaan mo to. Maangkin din kita Nigel."

"Don't mind her" masuyong bulong muli ni Nigel

Hindi niya alam kung dahil sa romantikong nararamdaman niya dito dahilan para maiyak siya sa masuyong boses ni Nigel. Na safe na safe siya sa mga yakap nito. Para siyang nakahanap ng masasandigan at puwede siyang dumepende dito. Na lahat ng mga naranasan niyang pasakit sa buhay ay bumuhos lahat sa oras na yun ang hinagpis at awa sa sarili na hindi na niya naramdaman noon simula nang bakuran niya ang sarili para hindi na masaktan. Kumawala ang hikbi sa bibig niya at humigpit pang lalo ang yakap niya dito. Nadama niya ang paghugot nito ng malalim na paghinga habang hinahaplos siya sa likod.

friendship series-2nd generation Under The Sheets (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon