Hindi man umaasa si Lexie na magtetext o tatawagan siya ni Nigel ay sinadya pa rin niyang matulog ng late at baka sakaling magtext ito subalit wala siyang natanggap kahit isang sempling goodnight man lang. Mukhang walang alam ang binata na maghandle ng isang relasyon. Kahit pa wala silang pakialam sa kung ano ang ginagawa ng isa't-isa ay dapat sana marunong pa rin itong sumabay sa takbo ng isang sempling relasyon. Nasanay yata ang lalaki na hindi binibigyan ng espesyal na atensiyon ang isang babae. Sabagay, ano pa nga ba ang inaasahan niya sa isang lalaking hindi marunong magseryoso.
Bumangon na siya sa kama niya at kinuha ang tuwalya. Lumabas siya ng kuwarto at pumunta sa banyo para maligo. Pagkatapos maligo ay nagpalit na siya at kinuha ang gamit. Pumunta muna siya sa kusina para mag-agahan. Hindi na siya umaasa nasa bahay pa si D dahil maaga itong pumapasok sa trabaho. After niyang kumain ng breakfast ay lumabas siya ng bahay, nilock at naglakad palabas sa tarangkahan ng bahay nila. Habang naglalakad ay naispatan niya ang sasakyan ni Nigel kung saan siya bumababa. Lumapit siya sa sasakyan at kinatok ang bintana. Bumukas iyon at iniluwa ang nakangiting si Lucky.
Nangunot ang noo niya at nagtatakang nagtanong "bakit ikaw ang nandito?"
Ngumiti lang ito bilang sagot. Bumaba ito ng sasakyan at pinagbuksan siya, nang makasakay siya ay sinara nito ang pinto at ito naman ang pumwesto sa may driver's seat.
"Paano mo nalaman na dito ako nakatira?" Takang tanong niya kapagkuwan
Pinaandar nito ang sasakyan at nagmaneho na papunta sa University. Gamit ang isang kamay, May kinuha ito sa dashboard na isang piraso ng papel at binigay sa kanya.
"Nigel sketched it." sagot nito sa pagtataka niya
"I see" she hummed pagkatapos matignan ang papel, in fairness detailed ang ginuhit nitong daan papunta sa kanila. Pati paraan ng pagguhit ay parang iginuhit ng isang architect. "but, I'm shock. Wala siyang sinabi na susunduin niya ako o may susundo sa akin ngayon."
Lucky shot her a glance before returning his attention in driving "nakalimutan siguro niya."
"Hmm, okay. Hindi mo pa yata sinasagot ang naunang tanong ko?"
Lucky "may iniutos si Tito Ash sa kanya."
"Wala ba siyang klase ngayong umaga?" Takang tanong niya
"Mamayang 9 pa ang klase niya. And besides sa kabilang block lang naman siya pupunta. But I think hindi yun makaka attend ng klase namin." Mahina ang huling katagang sabi nito
Lexie wondered "Hindi ba sa Cheng Private School yun. Para sa high school at senior high."
Tumango si Lucky "yup!"
Tumahimik si Lexie ng hindi na nag elaborate pa si Lucky kung ano ang inasikaso nito doon. Hanggang sa makarating sila sa University ay hindi na sila nag-usap. Tahimik lang na pinagbuksan uli siya ng pinto.
"Oh right, I forgot. Meet him at our usual place before lunch." Sabi nito ng paalis na sana siya
"Hindi ba siya marunong magtext? Bakit hindi na lang niya sabihin sa akin?" He retorted, grabe talaga ang lalaking yun.
Napakamot ito sa batok at alanganing ngumiti "ginagamit lang nun sa paglalaro ang cellphone niya. Kaya kung may gusto kang sabihin sa kanya. Tawagan mo nalang siya"
Her eyes twitch "akala ko hindi siya marunong magtext."
He chuckles "tamad magtext yun, kahit padalhan mo ng isang daan na text wala siyang bubuksan o babasahin. Kung gusto mong sagutin ka niya, just call him."
"Oh! Thanks. Sige Mauna na ako" paalam niya at naglakad papunta sa department nila. Ginagamit sa paglalaro ang cellphone niya? Bakit kaya hindi nalang niya ihagis sa kumukulong tubig o magma ang cellphone niya. Wala naman palang silbi eh…
BINABASA MO ANG
friendship series-2nd generation Under The Sheets (ON HOLD)
Ficción GeneralWarning:: contains explicit materials, sexual, vulgarity that is not suitable for minors. Read at your own risk.. A/N: sorry po sa mga typos wrong grammar at flaws ng story ko, tumatanggap ako ng criticize o correction or ipaalala na may nakalimutan...