UTS 40

133 10 0
                                    

Kinabukasan ay dinala siya ni Nigel sa bahay nila. Nang sinabi niyang gusto niyang makita ang obra ng mama nito ay hinila agad siya ng ginang at dinala sa art room nito. Ngayon ay pinapakita nito sa kanya ang mga gawa nito na agad niyag pinupuri at hinahangaan. Ngayon lamang siya nakakita ng obra ng isang sikat na pintor.

Lahat ay wala siyang maipipintas, kung puwede lang niyang hingin ang portrait na pininta nito noong edad trese si Nigel na nasa may gilid ng pool at nakahalukipkip ay sinabi na niya sa ginang. Pero nahihiya siya, alam niya kung gaano kamahal ang isang obra nito.

Napatutok ang tingin niya sa isang portrait sa may isang bahagi ng art room, isa iyong dalaga na nagbabasa at tinatamaan ng sinag ng araw. The woman is so beautiful and captivating. Lahat ng pictures na nakadisplay sa bahay ng binata ay wala ito, pero bakit may portrait ito sa art room ng bahay.

"Beautiful isn't it? Pininta ni Nigel yan noong edad lima siya. Pinasok namin siya sa Moon and Star Shool of Arts. Bata pa lamang siya ay mahilig siyang magpinta, gustong bilhin ng guro niya ang portrait na yan pero tumanggi si Nigel. They offered 100k but he refused."

"He refused! That's…" Bulalas niya.

Ngumiti si Marshmallow "wala daw siyang balak maging sikat na pintor. He's just like his father, hindi nila ginawang career ang pagpinta."

"Kung kinareer siguro niya, mayaman na siya." Pabirong bigkas niya "Tita, yung wedding portrait po ninyo. Ikaw rin po ang may gawa?"

Nakangiting umiling ito "he's a friend of mine, one of my suitor. Naging kasintahan ko siya pero nang malamang si Ashton pa rin ang mahal ko ay pinalaya niya ako at yan ang naging regalo niya. Isa pa rin siyang sikat na pintor ngayon, Byron langford ang pangalan niya." Tugon nito

"Kilala ko po siya, laman siya ng pahayagan dahil sa mga obra niya na agad nabibili." Saad niya at tinignan ang painting ni Ashton na tinutukoy ni Nigel sa kanya. Para itong si Nikolai noong kabataan ng ginong. "Magkamukha sina Tito at Nikolai, sa kanya ka po ba naglihi?"

"Hindi ko alam, hindi ako nakaramdam ng labis na paglilihi kay Nikolai noon, hindi katulad ni Nigel na palagi akong naiirita at namimiss si Ashton. Pero hindi pa rin siya ang kamukha ng binata ko"

"Ikaw po ang kamukha niya tita" malamyang bigkas niya

"Lahat ay yan ang sinasabi nila." Itinuro nito ang painting na gusto niyang hingin dito "kanina ko pa napapansin na yun ang tinitignan mo. Gusto mo ba ang painting na yan? Ibibigay ko sa'yo yan, papadeliver ko bukas sa—"

Mabilis na pinutol niya ang sinasabi nito, naalala kase niyang hindi pa niya naipapakilala ang binata kay D bilang kasintahan niya. "Puwede po bang sasabihin ko sa'yo pag puwede kong hingin sa'yo Tita. I-Ipapakilala ko muna siya kay D para hindi siya magtaka kung bakit may painting si nigel sa'kin" nahihiyang sambit niya.

"Oo naman" bigkas nito.

Tumutok ang mata niya sa may pinakasulok, nakita niya ang isang painting na nakalapag lamang sa sahig at nakabaliktad kaya hindi niya makita kung anong painting yun. Humakbang siya at lumapit doon, bago pa man siya mapigilan ni Marshmallow ay bahagya niyang hinila ang painting at sinilip. Nanayo ang balahibo niya pagkakita sa painting, isang batang nakagapos sa silya at may isang babae ang nakatayo sa may likuran ng bata at may hawak na lubid. Walang mukha ang nasa painting na mahahalatang hindi pa natatapos.

"This?" Usal niya

"Nigel painted that when he was sixteen, binangungot siya isang gabi at nagsisigaw. Kinabukasan ay pininta niya yan, pero hindi niya matandaan ang mukha ng subject niya" may himig takot at awa sa tono nito.

Inayos niya ang painting at nilinga ito "b-bakit hindi po niya ituloy?"

"Until now, hindi pa rin daw niya maalala ang mukha nila. That dilapidated place—"

friendship series-2nd generation Under The Sheets (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon