Napakatahimik ni Lexie habang nakaupo siya sa sofa sa may living room. Itinaboy na sila ni Marshmallow at magluluto daw ito kasama ang kusinera nila. Ngunit nahulaan niyang alam nito ang nararamdaman niya. Naging awkward na kase ang sandali pagkatapos ng mga nalaman niya. Natahimik siya at pilit na ngumingiti sa harap nila. Kung hindi nakakahiya ay pinilit niya si Nigel na ihatid siya nito pauwi. Abot hanggang langit ang hiya niya kahit pa mainit ang pagtanggap nila sa kanya.
Umupo sa tabi niya si Nigel at hinawakan ang palad niya. "You okay, your hands are cold."
Matalim na tinignan niya ito "and who's fault?" Paninisi niya dito
Apologetic na ngumiti ito "sorry. Biglang pumasok sa isip ko na dalhin ka dito."
"Biglaan? Nang-aasar ka ba?" Gigil na asik niya
"Mabait naman ang parents ko"
"Hindi yan ang dahilan Nigel. Your parents are awesome, lalo na ang Mama mo. Hindi mo lang ako binigyan ng oras para maihanda ko ang sarili ko. Look at my clothes. And why didn't you tell me how powerful your family is. Ni hindi mo sinabing ang mother ko ang secretary ng papa mo."
"Hindi ko rin naman alam na anak ka ni Miss D. Remember ngayon lang natin nalaman ang tungkol sa mga magulang natin. Hindi tayo nagbabahagi ng tungkol sa private life natin" bulong nito
Napapikit siya "you're right. But at least sinabi mo sa'kin. Pero bakit hindi mo nabanggit na ikaw ang nasa likod kung bakit na expell si Ella at yung parusa namin ni Ingrid ay magkaiba. Na kilala mo ang may-ari ng University."
"Dahil hindi naman mahalaga yun. At nararapat lang talaga kay Ella yun dahil naniwala siya sa mga post ni Ingrid tungkol sa litrato natin na unang kumalat noon dahilan para saktan ka niya. Kinausap ko siya noon para tigilan ka pero gumawa pa rin siya ng move sa'yo, so para bigyan siya ng kunting babala. Kinausap ko si Tito Zion para isuspend siya. Pinahack ko pa nga kay Zero noon ang account para malaman ko kung sino ang may-ari ng dummy account na yun at si Ingrid yun." Bumuntong hininga ito
Napapikit siya at di malaman kung ano ang sasabihin. Bakit nga ba hindi niya nahulaan na may tumutulong sa kanya simula ng mainvolve siya dito. "Alam mo ba kung anong nararamdaman ko ngayon Nigel? Nanliliit ako at nai-insecure." Bulong niya
"Bakit naman. Dahil mayaman ako? Dahil marami akong connection? Sweetheart, hindi mapagmataas ang pamilya ko. Sa amin, walang mayaman walang mahirap. Pantay lahat, huwag kang makaramdam ng ganyan dahil hindi ko ipaparamdamdam kung ano man ang agwat ng buhay na meron tayo. Ako pa rin naman ang Nigel na kilala mo." seryosong sabi nito
"I…I think hindi ko pa rin makakalimutan yan. Langit at lupa tayo" giit niya
"Nakaapak naman kayong pareho sa sahig na kinatatayuan ko. Paano kayo naging langit at lupa. Tsk! Ipalagay mo na yang isip mo dahil hindi kami katulad ng iniisip mo" malamig na bigkas ni Nikolai. "Just forget about that rich thing, I will start calling you sister-in-law now to ease your insecurities at huwag manliit sa sarili mo."
Napaubo si Nigel at siya naman ay nasamid sa sariling laway.
"N-Nonsense" she said stammering
"Oh! I thought… father said that when you were a kid and met Miss D.—"
"Shut up Nikolai" mariing saway ni Nigel sa kapatid. "This is not the time for your jokes!!"
"You said someday you'll going to marry her daughter if you meet her when you grow up" pagpapatuloy pa rin nito at hindi pinansin ang babala sa boses ng kapatid.
Kinagat niya ang ibabang labi sa pambibisto ni Nikolai kay Nigel. Kahit bata pa ito nang sabihin iyon ay kinilig pa rin siya. Kung sana ay nagkakilala sila noon, nakita niya ang kalokohan nito habang lumalaki ito.
BINABASA MO ANG
friendship series-2nd generation Under The Sheets (ON HOLD)
Ficção GeralWarning:: contains explicit materials, sexual, vulgarity that is not suitable for minors. Read at your own risk.. A/N: sorry po sa mga typos wrong grammar at flaws ng story ko, tumatanggap ako ng criticize o correction or ipaalala na may nakalimutan...