UTS 25

267 7 0
                                    

Sa hapong yun ay hinila niya ang dalawa sa Educ-department para sadyain ang babae na nagpakalat ng pictures. Nakasandal siya sa pader at naka-skwat naman ang dalawang kaibigan niya sa labas ng room ng babaeng nagpost ng video at pictures nila ni Lexie, ang siya ring naglagay ng larawan sa bulletin board ng tourism department. Hindi alam ni Lexie ang plano nilang to dahil hindi rin naman niya binanggit dito na alam na niya kung sino ang baliw na nagpakalat ng larawan at video sa buong University.

"This woman is so terrible, if she's not a girl I will challenge him one on one at the soccer field. Babasagin ko ang mukha niya para hindi na maisip na gawin to." Saad niya,

"but she's a woman," Ani Lucky

Philip hissed "I hate her kind of woman. Such a pain in the ass."

"Exactly" usal niya.

"Hindi kaya soulmate kayo ni Lexie? Ito yung mas matinding scandal mo dahil sa babae eh.." biro ni Philip

"Ha-ha-ha…… what soulmate? Nagbasa ka nanaman ba ng romance novel kagabi at kung anu-ano ang na-i-imagine mo." He refuted

Tumawa ito at kumaway sa mga babaeng kanina pa napapasulyap sa kanila na hindi nila pinagtuunang pansin kaninang dumating sila doon. "Hindi ako nagbabasa ng novel. Natutunan ko yun sa drama na pinapanood ng sister ko"

Lucky annoyingly said "what shit are you spouting? nagdahilan ka na nga, yung hindi kapanipaniwala pa. Kailan ka pa nagkaroon ng kapatid na babae eh, lalaki ang kapatid mo"

"Hindi mo ba alam na bakla yun? Saan ka ba nakakita ng lalaking nagsusulat ng novel sa Wattpad at nanonood ng love story drama."

Lucky "Ayaw mo nun, para may liligawan ako na kapatid mo"

"Tarantado!!!" Mahinang sinuntok nito ang braso ng huli.

Sinipa niya ang paa ni Lucky na nawalan ng balanse at napaupo sa sahig. "Lalabas na sila, stop arguing"

Tumayo si Philip at tinulungan ang huli na nakasimangot sa kanya. "Kaibigan ba talaga kita" he lamented

Hindi niya ito pinansin at inabangan ang babaeng sadya nila. Ito at ang isang kaibigan nito ang huling lumabas ng room. "You!!"

Lumarawan sa mukha ng dalaga ang saya at nagtwinkle pa ang mata nito nang makita siya.

"Nigel, oh gad!! You're here my loves!!!" Matinis ang tonong wika nito at ibinuka ang mga braso sabay hakbang para yakapin siya. Mabilis na umiwas siya kaya sa isang napadaang lalaki na may suot na eyeglasses napayakap ang dalaga.

Nagbungisngisan ang nasa paligid nila na nakasaksi sa ginawa niya, ganun din sina Lucky at Philip na mahinang tumawa.

Nanlaki ang mata ni Ingrid at parang palaka na tumalon palayo sa lalaking mukhang nagulat din at namumulang mabilis na naglakad palayo.

Mangiyakngiyak na tumingin si Ingrid kay Nigel "Ayaw mo ba akong mayakap"

Tumikhim siya at kaswal na nagsalita "come with us"

Matamis itong ngumiti "yikes!! Ayaw mo akong yakapin kase gusto mo—"

Hinila niya ito sa braso "don't spout nonsense"

Sumunod ang kaibigan nito sa kanila na umagapay kay Lucky.

"Excited ako sa gagawin natin Nigel. Gusto ko pag hinalikan mo ang leeg ko yung may magmamarka para naman masaya, ipagmamalaki ko sa iba na naging isa ako sa fling mo" parang kinikiliti na turan nito.

Hindi siya nagkomento at basta hila-hila ito na humantong sila sa open field malapit sa may Educ-department. Binitawan niya ito at humalukipkip.

"Bakit dito?" Dismayadong tanong nito at sumulyap pa sa tatlo at senisinyasan na umalis pero walang tuminag sa kanila. Tumalim ang mata nito "pwede ba bigyan niyo kami ng privacy" pagsusungit nito.

friendship series-2nd generation Under The Sheets (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon