UTS 21

317 10 1
                                    

"Yung mga gamit mo, huwag mo nang alalahanin at si Janine na ang bahala don, for now magpahinga ka muna!" Ani Nigel ng makarating sila sa condo at dinala agad siya sa kuwarto. Tinulungan pa siyang mahiga at ayusin ang kumot niya.

"Nigel, hindi ako inaantok" mahinang wika niya

"Just rest, dito lang ako sa tabi mo" may suyo sa tonong saad nito at sinamahan siya. Sumandal nga lang ito sa headboard. Kumilos siya at umunan sa abdomen nito. Sinuklay ni Nigel ang buhok ni Lexie.

"Nigel—"

"I'm sorry"

Magkasabay silang nagsalita kaya pareho silang nagkatawanan.

"I'm sorry, dahil sa'kin nangyari to sayo." Sensirong bigkas ng binata

"Don't! Ako ang lumapit sa'yo kaya wala kang kasalanan. Kalimutan natin to at tapos naman na" aniya

He sighed "do you think, kailangan nating tapusin to?"

Matigas na umiling siya "No, I told you. Ayos lang ako"

"Babe—"

"Isa pa Nigel, lalayasan na kita." banta ng dalaga

Sumusukong bumuntong hininga si Nigel. Yumuko ito at nagtagpo ang labi nilang dalawa, maingat at matamis iyon, iba iyon sa halik na pinagsaluhan nila sa mga huli na may nangyari sa kanila. Iniyakap niya ang braso sa batok nito at gumanti dito. Ilang sandaling naglaro ang dila nila sa loob ng bibig nila bago sila naghiwalay.

"Now, go to sleep. I know you're still sore" bulong ni Nigel sa dalaga na pumikit.

"Hmm! Okay, wake me up later" ungol niya

Iniipit niya ang buhok nito sa likod ng taynga "hmm!!"

Hindi tinantanan ni Nigel ang pagmasid sa mukha ng mahimbing na tulog ng dalaga. Bahagya pang nakaawang ang bibig. Napakaganda ng dalaga na hindi nakakasawang tignan.

Sa mga araw na magkasama sila ay napansin na niya ang isang ugali ng dalaga that he admired. Hindi ito palingkera at palaaway, kahit pa maraming nambabash dito ay hindi nito pinapansin.

Higit sa lahat, napansin na niya ang nakatagong galit at lungkot sa mata nito, she's wearing a mask but she can't hide it well. Nagagawa nito sa iba ngunit sa kanya ay hindi dahil pag nagtatama ang mata nila ay para itong damsel in distress na tinatago sa pagiging bato nito. At siguro kung iikisan nila ang sex part sa relasyon nila ay pwede silang maging friends. Ngunit malayong mangyari yun dahil ngayon pa lang ay natuklasan na niyang compatible sila sa kama.

At kahit nababasa niya ito ay wala siyang pakialam dun dahil ang kasunduan nila ay labas na ang private life nila. They're just going to have fun.

Nang masigurong mahimbing na mahimbing ang tulog nito ay maingat na inayos niya ang higa nito at bumangon. Kinuha niya ang cellphone at lumabas ng kuwarto, pumunta siya sa may veranda at kinalikot ang cellphone. Alam niyang sa ganitong oras ay lunch time na ng kapatid niya at ni Zero.

Tinawagan niya ang numero ng kapatid ngunit hindi ito sumasagot. Sinunod niya ang numero ni Zero na ilang ring ay inangat nito.

'kuya Nigel, hello' bati nito

"Hey, can you do me a favor?"

Saglit na tumahimik ito bago sumagot '3k'

"Saan niyo ba ginagastos ang mga allowance ninyo" puno ng curiosity ang tono niya.

'Hindi ko pweding sabihin dahil malalagot kaming tatlo. So ano na, ayos na ba sayo ang 3k kapalit ng favor mo?'

Napahilamos siya sa mukha "oo na kahit 5k pa yan" pagpayag niya

friendship series-2nd generation Under The Sheets (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon