UTS 39

160 6 0
                                    

"are you really oblivious
about my feelings or you're trying to make fun of me" she snapped coldly and glared at him ferociously.

Lalong kumulo ang dugo niya sa inis nang makitang takpan ng kamay nito ang bibig ngunit obvious naman sa mata nito na pinagtatawanan siya. Namula pa ang mukha nito dahil sa pagpipigil ng tawa. She almost kick him under the table if not that she's afraid they'll get attention. Maya-maya ay tumikhim ito at inalis ang kamay sa bibig.

"Sorry, I can't help it. She's.... She's just a kid and a younger sister to me." Kumikislap ang mata nito na nakatutok ang tingin sa kanya.

Lumabi siya dito, She pursed her lips when she felt her face heat up, naging obvious ang pagseselos niya sa dalagitang si Zia. Nagbaba pa siya ng tingin pa at binawi ang kamay para kumuha ng strawberry, hindi niya iyon isinubo at nilaro sa daliri niya at doon nakatutok ang mata niya. Nang marinig niya ang pagtikhim nito ay hindi pa rin niya ito tinignan. Ayaw niyang pag nag-angat siya ng tingin ay makikita nanaman niya ang pilyong ngiti nito.

"Babe" tawag nito at idinunggol ang paa sa kanya. Nang mag-angat siya ng tingin ay saktong may naglapag ng pagkain nila sa mesa. Nginitian niya ito at pinigilan ang mapasulyap sa binata. Hinarap agad niya ang pagkain at agad sumubo. Narinig niya ang mahinang pagtawa nito kasabay ng paggalaw ng isang upuan.

Napaiktad siya sa gulat ng tumayo ito sa likod niya at bumulong sa taynga. Humigpit ang pagkakahawak niya sa kutsara habang nag-freeze din ang pagnguya niya. Lahat ng balahibo sa batok niya ay tumayo sa pagtama ng mainit na hininga nito sa likod ng taynga niya.

"Nahihiya ka dahil nagseselos ka?" He whispered

She involuntarily shivered, Nigel gently bite her earlobe sending a tingling sensation into her spine. Her hand shook and almost drop the spoon "N-Nigel, don't fool around."

Mahina itong tumawa at binugahan nito ang taynga niya bago bumalik sa puwesto nito at nagsimulang kumain. She peek at him, she was stunned upon seeing him elegantly chewing his food. Hindi agad siya nakaiwas ng tingin ng bigla itong tumingin sa kanya. Umarko ang sulok ng bibig nito at kumindat sa kanya, literal na nalaglag ang puso niya sa ginawa nito.

Lalong lumawak ang ngiti nito, lihim siyang napanguso dahil sa mga pasempling pang-aakit nito. "Kumain ka na kaya diyan"

"Hm, masaya ako na natibag ko na ang pader na itinayo mo to guard yourself.—" ngumisi ito "kase nakikita ko na yung hindi mo na maitagong kilig, pamumula at pag excited ka. Oh! There's another one na hindi mo naman naitago sa una palang. Lust" bulong nito sa huling kataga.

Sumimangot siya at itinuon ang atensiyon sa kinakain. Pagkatapos ay kinuha niya ang shake at uminom. Muli niyang tinignan si Nigel na mas nauna pa palang natapos kumain. Nakatukod ang siko nito sa mesa at nakapatong ang baba sa palad nito na pinagmamasdan siya.

"M-May dumi ba ako sa mukha?" Uncomfortable na tanong niya at kumuha ng tissue para punasan ang gilid ng labi niya.

Umiling ito "I like watching you eating."

"Oh!" Usal niya at inayos ang buhok. "Pupunta ba tayo sa condo ni Philip ngayon?"

"Why? Do you miss me?" Biro nito.

Kagat labing tumango siya at mahinang sumagot "namiss kong matulog na katabi ka…  H-Hindi yung ano yung tinutukoy ko" bawi niya sa huli

"Wala akong sinabi" natatawang bigkas ni Nigel. "Halika doon uli tayo sa labas" yakag nito sa kanya

Magkahawak kamay na lumabas uli sila at naupo sa lover's seat sa may west wing ng strawberry house. Humilig siya sa balikat nito at ginagap naman ni Nigel ang palad niya. Naamoy niya ang bango ng mga hinog na strawberry kaya mas lalong naging maganda ang paligid nilang dalawa. Pinanood niya ang kamay nito na pinaglalaruan ang mga daliri niya.

friendship series-2nd generation Under The Sheets (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon