UTS 34

159 8 0
                                    

Kinahapunan ay umattend sila sa klase nila. Hindi niya magawang mag-concentrate sa discussion at lumilipad ang utak niya sa nangyari kanina. Lihim pa siyang nangingiti dahil sa ginamit na tono ng binata. Malambing at masuyo, feeling niya ay kinikiliti ang puso niya at kinikilig siya. Feeling niya ay idinuduyan siya sa alapaap at nagsisiawitan ang mga anghel sa paligid niya. Lahat ng kalamnan niya ay buhay na buhay dahil sa kaligayahan. Active na active din ang bawat pagpintig ng puso niya sa kakaisip sa guwapong mukha ni Nigel.

Plus, Yung mga inaasam niyang malaman tungkol sa buhay nito ay hindi na niya kailangan palang tanungin dahil ito na mismo ang magkukuwento doon.

Nang madismis sila, dumeretso siya sa parking lot at hinintay doon si Nigel. Hindi siya makahintay na makita ang binata. Ilang minuto lamang siyang nakaupo sa hood ng kotse nito nang dumating ito. Agad gumuhit ang matamis na ngiti sa labi niya at patalong bumaba sa pagkakaupo. Pumaikot naman ang braso nito sa baywang niya. Ang malayang kamay nito ay hinaplos ang ilalim ng mata niya.

"You okay?"

Tumango siya "hm! Thank you Nigel"

He chuckled "nah. Huwag mo nang isipin pa yan. Just prepare yourself later" pilyong bulong nito

She giggled "gagamitin ba talaga natin yun?"

Umiling si Nigel "of course not. I'm not a barbaric person who treats his woman like a trash. I respect you, always remember that."

Lakas loob na sinalubong niya ang mata nito. And there she saw how sincere he is. "You're gorgeous"

Humalakhak ito "ngayon mo lang alam.… Let's go sweetheart"

Natawa siya sa pagiging conceited nito. Hindi naman siya nakaramdam ng turn off doon.

Pinagbuksan siya nito ng pinto at sumakay naman siya. Pagkatapos nitong isara ang pinto ay lumiko ito at sumakay na rin sa driver's seat. Nang mapaandar nito ang kotse ay nag-play din ito ng music.

"I like the song" Saad niya

Sinabayan ni Nigel ang kanta at kumindat pa sa kanya. Her heart started racing to the max, hindi niya inakalang maganda pala ang boses nito. Marami pa talaga siyang matutuklasan sa binatang to.

Pumikit siya at nag-eenjoy sa pakikinig sa pagsabay nito sa kanta habang nagmamaneho. Hindi na niya napansin na iba ang kalsadang tinutumbok nito. Saka lang siya nagmulat ng mata nang huminto ang kotse. Nalilitong tinignan niya ang malaking bahay…. No palasyo na ang ganitong kalaking bahay. Western style ito at may fountain pa sa may kanang bahagi. May azotea pa malapit sa may fountain. Hindi niya napigilan ang bumulalas ng paghanga. Abala siya sa paglibot ng tingin sa paligid nang marinig ang sinabi ni Nigel dahilan para mamutla siya at napatuwid ng upo..

"You said you want to meet my mother last time." Bigkas nito

Nanlaki ang mata niya at napalingon dito. Lumakas ang pagkabog ng dibdib niya sa nerbiyos. "What???"

"You heard me." Nakangising turan nito

"No no no no. Bakit hindi mo sinabi sa'kin. Nigel, your scaring me" tarantang bulalas niya

Tumawa ito at pinisil ang pisngi niya bago bumaba ng sasakyan. She can't help but fidget, tinignan pa niya ang suot na damit. Ano na lamang ang iisipin nila sa t-shirt at jeans na suot niya. Will they judge her? Lalo siyang nataranta ng buksan ni Nigel ang pinto, kumapit agad siya sa pinto. "C-Can I go home?"

Tumaas ang kilay nito bago siya walang babalang binuhat. Napatili siya at nagkakawag. "Nigel, please. I'm begging you" halos nakikiusap na ang tono niya

"My parents won't bite" he assured her

Umiling siya at napakagat labi. Natatawa pa talaga ito gayong siya ay nangangatog na ang tuhod niya.

friendship series-2nd generation Under The Sheets (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon