UTS 30

301 10 1
                                    

A/N:: sensiya po kung maraming typhos at grammatical errors. Enjoy reading 🥰🥰🥰

Just like the past days, sa tambayan nina Nigel sila nakaupo na dalawa. Nakaupo siya sa pagitan ng binti ng binata at pinapanood ang nilalaro nitong plants versus zombie. Akala mo ay batang enjoy na enjoy si Nigel sa paglalaro habang siya ay kanina pa nababagot. Plus, this morning after their breakfast. She still felt lost, parang may parte sa puso niya na umasang hindi nito sang-ayunan ang sinabi niya. Hindi kase nito binabanggit ang agreement nilang dalawa kahit minsan. Palaging siya ang nagpapaalala sa sarili tungkol doon. Lalo pa at kung kumilos ito ay parang normal lahat ang meron sila at sweet pa sa kanya.

Marami siyang nakitang ugali nito na hindi niya alam kung yung iba ay nakita na nila iyon. Sa likod ng pagiging pagmamayabang nito ay ang humble na ugali nito. Hindi rin nito ipinapangalandakan sa lahat na galing ito sa mayamang pamilya. Umaakto lang ang binata na parang isang ordinaryong mamamayan lamang, ganun din ang dalawang kaibigan nito.

At minsan talaga napapaisip siya kung sinong kilalang prominenteng pamilya galing si Nigel, masyado itong malihim sa pribadong buhay nito. At gusto niyang alamin yun ngunit hindi niya alam kung paano at saan magsisimula. Kung pwede lang na personal na niyang tanungin ito.

"Babe, this weekend. Are you free?" Narinig niyang tanong nito

"Weekend? Uhm. Wait let me think…" inalala niya kung may gagawin nga ba siya sa weekend at nang masigurong wala ay tumango siya "en, Wala akong gagawin, bakit?"

"Well, I want to bring you somewhere. I don't think if you'll like there but I still want to show you."

Umalis siya sa pagitan ng mga binti nito at tinignan ito sa mukha "where? Why do I felt chills when you said somewhere"

Ngumiti si Nigel "it's no longer a secret if I tell you. But this place, my father's friend owns it. Alam mo bang pinatayo ito ng Tito para para lang humingi ng tawad kay Tita. Sinaktan kase niya si tita at umalis, at ang ginawa niya. Pinagawa niya iyon na naaayon lahat sa paborito ni Tita. He's so sweet isn't it. Ako, if magkaroon ako ng makakasama sa buhay, I'll give it all to her. I'm not going to say that I will get the moon and cross the ocean because that's impossible. I'm just going to show and let her feel my love. My mother said, it's good to play and fool around while you're young but when you get older, baguhin mo na lahat ng kalokohang ginagawa mo noong bata ka pa. Because, you might not know, there's someone is hurting because of your bad deeds."

"Listening to it makes me admire your mother. Gusto ko tuloy siyang makilala" Saad niya

Natahimik si Nigel at tinignan ang cellphone. "I'll think about it if I'm going to introduce you to her."

Tinitigan niyang mabuti ang mukha nito, nang sabihin niyang gusto niyang makilala ang ina nito ay nawala ang ngiti sa mata nito na parang hindi ito pabor doon. At kahit pa sinabi nitong pag-iisipan nito ay feeling niya wala talaga itong balak na ipakilala siya.

"Your mother, what's her name?" Kaswal na tanong ni Lexie

"Marshmallow"

"Wow!! How cute." Di napigilang bulalas niya

"Hm!! Buti na nga at hindi nila naisipan na bigyan kami ng pangalan ng candies. Like lollipop or caramel etceteras" natatawang saad ni Nigel

Humalakhak ang dalaga "bakit? Kung ganun ba ang ipinangalan nila sa'yo papalitan mo?"

"Sure!!!!! Saan ka nakakita ng lalaking ganun ang pangalan. That's so embarrassing, I would rather hide at my room than showing my face to someone and calling me with those weird names." nakangiwing turan niya

"Kahit naman anong pangalan ang ibibigay ng parents mo hahabulin ka pa rin nila dahil guwapo ka." she stated

Tumawa si Nigel "ang katawan ko lang ang habol nila." He said arrogantly

friendship series-2nd generation Under The Sheets (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon