UTS 10

417 13 2
                                    

Short Rant:: Buti nalang at bumalik ang gana kong magsulat after kong magday dream so ito nakapagsulat ako ng isang chapter. Bigla kase ako nawalan ng gana ng ilang araw at hindi ko alam kung bakit. Feeling ko ang gulo gulo ng pagsulat ko at hindi accurate yung words na ginamit ko.

Hayss!!! Sana po ay tama yung pagkakasulat ko. May Hindi kase sanay sa 3rd person POV kaya baka maguluhan sila. But I'm still hoping na, suportahan niyo po uli ang UTS.

Thank you 😘😘

••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Ilang ulit na huminga ng malalim si Lexie habang nakatayo may kalayuan sa tambayan ng grupo nina Nigel. Hindi lingid sa kanya ito dahil sikat ang bandang to na hang out ng tatlo. At kaya siya nandito ay upang kausapin nga si Nigel tungkol sa naging usapan nila ni Janine nung linggo. Dalawang gabing pinag-isipan niya ang bagay na to at nagdadalawang isip kung itutuloy ba niya ito. Kinakastigo pa nga niya ang sarili kung bakit hindi nawala sa utak niya ang suhestiyon ng kaibigan. Siguro nabobored lang talaga siya o mababaliw dahil ginagawa niya ang sinasabi ni Janine ngunit gusto niyang subukan. Nagbabasakaling magkaroon naman ng excitement ang huling taon niya sa kolehyo. Hindi yung palaging black and white lang ang takbo ng buhay niya.

Kahapon ay tinanong uli siya ni Janine kung nakapagdisisyon ba siya o hindi. Natutukso na nga siyang puntahan ang binata kahapon pero mabilis na iwinaksi agad niya. Ayaw niyang isipin ng binata na may gusto siya dito, pero......

"Ah, bahala na nga" usal niya at tinignan uli ang tatlo na nakayuko sa sarili nilang cellphone.

Bumuntong hininga uli siya at nagsimula siyang humakbang palapit sa tatlo. Narinig at nakita niya ang pagmura ni Lucky at pagsipa sa paa ni Philip na agad ding nagmura at inagaw ang cellphone ng huli.

Ang pinagtaka niya ay hindi man lang kumilos si Nigel para awatin ang dalawa kahit nagsisipaan sila sa paa, nakaconcentrate lang ito sa kung anong pinagkakaabalahan nito sa cellphone. Huminto siya at napatitig sa seryosong mukha ng binata. Kumibot ang labi niya ng makita ang pakurap nito at pagngiti.

Napakislot siya ng huminto sina Philip at Lucky at tumingin sa dako niya. Muntik siyang umurong ng kalibitin ng una si Nigel na nabitawan ang cellphone.

"What the!!! Fucking hell!!! Hindi ka ba talaga titigil sa pang-iistorbo mo sa paglalaro ko!!" Madilim ang mukhang asik nito

Tumikhim siya at tuluyang lumapit sa pwesto nila. Napatingin ito sa kanya saka lang nito matanto na siya ang dahilan ng pagkalabit ni Philip dito. Nang magtama ang mata nila ay ngumiti agad siya dito.

"Hi there lady." Pabirong bati ni Lucky sa kanya

"hello, uhm..." sumulyap siya kay Nigel na binati rin siya

Nigel "hello Miss Lexie"

"Can I have a minute with Nigel. If you don't mind" kausap niya sa dalawang kaibigan nito

"Oh! Sure" mabilis pa sa alas kuwatrong pagpayag ni Lucky at hinila patayo si Philip na mukhang walang balak na umalis "babalik na lang kami mamaya dude"

Tumango si Nigel at tumingin muli kay Lexie, naghihintay ng kung ano ang sasabihin niya.

Naupo siya malapit dito. She cleared her throat "may gusto sana akong sabihin sayo"

He grinned "sure, go ahead"

"May fling ka ba ngayon?" at dahil likas na makapal ang mukha niya ay deretsong tinanong niya ito

Nigel laugh "ah!! May ipapakilala ka ba sa akin na gustong maging fling ko?"

"Not just a fling but she wants to have a non-commitment relationship with you" Saad niya

"Whew! That's new" he stated "Sino naman ang malakas ang loob na iutos sayo na sabihin sa akin yan."

"Me!" Flat na tugon niya

Namilog ang bibig ni Nigel na hindi makapaniwala, kapagkuwan ay humalakhak ito "nice joke. Bakit mo naman ako gustong magkaroon tayo ng ganyang relasyon? Your not interested in me if I'm not mistaken"

Tama nga ang sapantaha niya, alam nitong hindi siya interesado dito. "Well, I'm bored and gusto ko ng excitement. Yung may masasabi kang partner ngunit di mo rin masasabi na boyfriend mo. Atsaka gusto ko na lalong galitin ang mga naging flings mo"

Unti-unting nawala ang pilyong ngiti nito "your looking for trouble Miss"

"I'm not, look hindi ako pumapasok sa isang seryosong relasyon kaya hindi ko hinahayaan na may manligaw sa akin. Tatapatin na kita, ayaw ko kase sa mga lalaki na maraming demands at possessive, galit din ako sa mga lalaking sa una pa lang ay mabait pero pag tumagal lumalabas na ang totoong ugali nila. Ayaw kong malink sa seyosong relasyon gusto ko yung ganito, malaya sa lahat ng bagay.-"

Nigel interrupted "ayaw mo ng maraming demands but I do have many needs. What if I demand you too sleep with me?"

"Sleep with you? That's not a problem. I can satisfy your needs." Tugon niya

"Then, okay!" Pagpayag ni Nigel. Kumilos ito at lumapit sa kanya, ang akala niya ay hahalikan siya nito dahil inilapit nito mukha ay hindi pala. Lumayo din agad ito at pintik ng mahina ang tungki ng ilong niya. "Next time, I'll give you the first taste of my lips"

Nagkibit balikat lamang siya at tumayo "then see you later at the library" Sabi niya

Tiningala siya nito at pilyong ngumiti "library? Hmm okay.. para maiba naman"

Tumango siya, napatingin siya sa labi nito na bahagyang nakaawang sa pagkakangiti nito. She bent down, held his nape and claimed his lips in a deep kiss before letting him go and wave goodbye.

NAKANGITI LANG NA NAKASUNOD ANG MATA ni Nigel sa dalaga na papalayo sa tambayan nila. Hindi niya sukat akalain na bigla itong lalapit sa kanya para alukin na magkaroon sila ng noncommitment relationship. Ang hula niya noon ay hindi nito magagawa to ngunit nagkamali siya. Parang tama si Lucky, nakakatakot nga ang katulad nitong mga babae.

Pero sino ba siya para tanggihan ito? He wants to hit on her the first time he saw her, ngunit ng makita niya na hindi ito interesado sa kanya ay iwinaksi na agad niya. Kaya kahit pa itulak siya ng mga kaibigan na ikama ito ay hindi niya gagawin. Pero ngayon? There's no way that he won't agree to her offer especially when she's the one who approached him. May mga rules siya para sa sarili, isa doon ay, hindi siya ang lalapit sa kanila kundi hihintayin niyang sila ang lalapit sa kanya. At pag nangyari yun, sasabihin niya ang scores na meron sila. Dederetsuhin niya sila na hanggang flings lang at wala sa plano niya ang magkaroon ng totoong relasyon sa kanila. At ang pinaka importanti sa lahat, hanggang one time s*x lang siya.

Nang nawala sa paningin niya ang dalaga ay sumulpot naman ang dalawa. Naupo agad sila sa harapan niya.

Philip said "so, anong pinag-usapan ninyo?"

"No trivial matters. Just random things" sagot niya

"Ow! Then why did she kissed you?" Di naniniwala na tanong ni Lucky

He groaned, paano ba siya nagkaroon ng kaibigan na akala mo ay imbistigador kung magtanong. Minsan nakukulili na ang taynga niya sa kakulitan nila "she ask me to be her fling"

Nanlaki ang mata ni Philip "mukhang hindi fling yan na katulad ng iba ah."

"Noncommitment relationship"

Lucky exclaimed "woah!! At pumayag ka?"

Tumango siya "yep! At least alam namin meron sa pagitan naming dalawa."

"Nigel Herrera, paano kung ang isa sa inyo ay mafall sa isa't-isa? Hindi ba magiging problema yang pinasukan mo" sumeryoso ang mukha ni Lucky.

"Bahala na, nag-usap naman kaming dalawa. Besides, pwede kong tapusin to kung kailan ko gusto or maybe siya." He said faintly.

Bakit naman niya poproblemahin ang bagay na hindi pa nangyayari? He'll just enjoy and don't think the worst of it.

He licked his lips then sighed, Lay down and rested his arms on his forehead and close his eyes. He's looking forward on how she handle this thing.

..................

friendship series-2nd generation Under The Sheets (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon