Nakadapa si Lexie sa kama at nagbabasa ng novel online sa novelfull habang nasa tabi naman niya si Nigel na nakasandal sa headboard at naglalaro sa cellphone nito. Pareho silang busy sa sarili nilang cellphone at hindi nag-uusap. Pero kahit walang pag-uusap ang namamayani sa kanila ay napakarelax ang pakiramdam nila. They were like a lovers that having a good and romantic moments, Lalo pa at paminsan minsan ay nilalaro ni Nigel ang buhok ni Lexie o kaya ay pinapadaanan ng daliri nito ang tungki ng ilong niya at pinipisil ang pisngi niya. Naghatid iyon ng kakaibang init sa puso ni Lexie.
Kung may makakakita lang sa hitsura nilang dalawa sa oras na yun ay walang maniniwala na hindi totoo ang meron sila. Aminin ni Lexie na nasasanay siya sa presensiya ng binata at palaging nasa tabi niya ito. At kahit pa ganito sila palagi ay kampante siya.
"Darn!! I can't believe I lost" bulong nito kaya napangiti siya.
"Plants versus zombie nanaman ba yang nilalaro mo?" Tanong niya dito
"No, zuma delux. Sinusubukan kong laruin ang favorite game ni Lucky" sagot ni Nigel na nagsimula uling maglaro.
"Hindi ko kayo maintindihan ng kaibigan mo, Yung iba adik sa online games pero kayo" hayag niya
"Hmm" sambit nito na nakatutok ang mata sa nilalaro.
Mahinang tumawa siya at tinuloy na rin ang pagbabasa.
"Ikaw anong binabasa mo?" Tanong nito
"Legendary master's wife"
Nigel "Oh! Mahilig ka pala sa novels"
"Hindi naman masyado. Nagsimula lang akong magbasa ng ganitong novel nung mabasa ko ang thrive in catastrophe. Chinese novel to, tapos yaoi genre"
Tumigil ito sa paglalaro at kunot noong tinignan siya "huh? Yaoi? What is that? Hindi ba name ni God yan"
She giggle "no, Y A O I" she spelled "boys love or danmie or shounen ai" paliwanag niya
"Nagbabasa ka ng ganyan na novels?" Di makapaniwala na bigkas ni Nigel
"En! Since last year pa. Aksidenting nakita ko to sa paghahanap ko ng online novel. Simula nun, I'm fascinated in reading this kind of novel."
Umarko ang kilay nito "eh kinikilig ka naman ba?"
Nagkibit balikat siya "siguro, kase napapangiti ako sa lambingan ng dalawang bida."
"Marunong ka palang makilig. Akala ko kase hindi dahil takot ka sa seryosong relasyon"
"Magkaiba naman ang novel sa realidad kase sa novel may forever at ang mga bidang lalaki ay sweet at mapagmahal sila. Sa reality, manloloko, playboy, nang-iiwan sa ere at ginagawang laruan ang mga babae" balewalang wika niya
"Mga lalaki lang ba? Magkapareho lang naman ang babae at lalaki. Kung may playboy, meron ding playgirl. Kung may lalaking nangangaliwa ganun din sa mga babae. Kung may prostitute na babae, meron din sa lalaki. Fair naman lahat, kase kung nagkakamali ako ganun ka rin. Mapa-lalaki o mapa-babae, may manloloko pa rin. Kaya minsan mali pa rin sa atin na isisisi lahat sa iisang tao, kase kung may naiwan na babae ganun rin sa lalaki."
Ipinatong ni Lexie ang baba sa binti nito at itinaas ang kamay para pabirong pisilin ang matigas na dibdib nito, Wala itong suot na pang-itaas kaya nakabalandara sa mata niya ang well built na katawan nito. "pero mas gago pa rin ang mga lalaki kase bubuntisin lang ang isang babae at iiwan pagkatapos. Sa sarap lang sila magaling pero sa responsibilidad takot sila"
"Hindi naman lahat ng lalaki ganun. Kase may iba na ang gusto ay magkaanak pero pinapalaglag lang nung babae dahil ayaw magkaanak at masira ang katawan. Mas nadidiin lang talaga ang mga lalaki kase kahit kasalanan ng mga babae, sila pa rin ang pinapanigan ng batas."
BINABASA MO ANG
friendship series-2nd generation Under The Sheets (ON HOLD)
Ficción GeneralWarning:: contains explicit materials, sexual, vulgarity that is not suitable for minors. Read at your own risk.. A/N: sorry po sa mga typos wrong grammar at flaws ng story ko, tumatanggap ako ng criticize o correction or ipaalala na may nakalimutan...