53

23 0 0
                                    

CHAPTER 53

"Marie texted me, mauna na daw tayo."

Naagaw ni Laura ang atensyon ko.

"Bakit daw ?" tanong ko sa kaniya. Bumalik ang tingin niya sa phone niya bago ipakita sa akin.

You guys can go first, I'll follow.

"Yun lang ang sabi." Bago siya pumasok sa van kasama ng iba.

Bakit si Laura ang itnext niya? Bakit hindi ako?

Pero kung hindi siya sasabay sa amin, may posibilidad yung hinala ko kanina.

"Garrett, halikana!" sigaw ni Luther mula sa van.

Napalingon ako sa kanila, lahat na sila nasa loob at kahit yung driver na may pamilyar na tattoo ay nakatingin na sa akin.

Pumasok ako at agad naman umalis ang sasakyan. Pagkasakay ko ay agad kong tinawagan ni Marie. Ilang tawag na ako pero hindi siya sumasagot.

"Sino may number ni Mistress Red?" bigla kong tanong.

Lahat sila napatingin sa akin. Lahat nagtataka at gulat.

"Why?" tanong ni Laura.

"Do you have the Mistress's number?" bumaling ako sa kaniya. Umiling naman siya.

"Sino may number sainyo?" naiinip ko nang tanong, binalingan lahat.

"Bakit mo ba kailangan?" Jane.

"I need to call her obviously!" sigaw at rude ko nang sagot. Nanlaki ang mga mata niya sa gulat at takot.

Biglang sumulpot sina Paul at Isaac. Habang napatulala lang ang iba sa inasal ko.

"Garrett!" galit na suway sa akin ni Isaac.

"Come down, Garrett. Don't vent your frustration to anyone." Mahinahon na saway sa akin ni Paul habang si Isaac naman ay pinapatahan ang gulat na si Jane. Doon naman ako natauhan. Agad akong nagpaumanhin.

"I'm sorry, Jane. I didn't mean to." Puno ng pagsisisi kong paumanhin. Mahina lang siyang tumango habang yakap at pinapatahan pa rin ni Isaac.

"Ano bang problema, bro? kanina n aka pa balisa simula nang makita kita tapos kakaiba na ang kinikilos mo nang hindi makakasabay si Marie. Hindi naman yun aalis nang walang pasabi kaya chill ka lang." tinapik ni Luther ang balikat ko, pinapagaan ang loob ko.

Bumaling ulit ako kay Paul na nakatitig kina Isaac at Jane. Napakunot ang noo ko nang may kakaibang emosyon ang mga mata niya habang nakatitig sa dalawa. Pero binalewala ko na muna yun at inagaw ang atensyon niya, napalingon naman agad siya sa akin. "Paul, I'm sorry. You're right, I shouldn't have acted that way."

Napatitig ako sa mga kamay kong hawak ang phone ko, nasa contact details pa ako ni Marie. "I just. I was just anxious because I thought I saw someone like Marie pero hindi siya yun." pag-amin ko.

"Who?" Laura.

Hindi agad ako nakapagsalita.

"Is that why you kept asking for the Mistress's number?" tamang hinala ni Laura. Doon na ako napatango ng mahina.

Narinig ko ang pagsinghap ni Paul kaya napalingon ako sa kaniya, nagtataka sa reaksyon niya.

"Bakit?" tanong ko sa kaniya.

Parang natauhan naman siya sa naging reaksyon niya kaya kinakabahan siyang ngumiti. "N-nothing, I just thought about something. No big deal."

Hindi ko na masyadong pinagtuonan ang reaksyon niya. ilang minuto lang ay nasa simbahan na kami. Agad naman kaming binrief ng wedding planner at maya-maya lang ay nagsisimula na ang kasal. Palingon-lingon ako para hanapin si Marie. Yung dapat na partner niya sa pagpasok ay may ipinartner na iba dahil hindi pa siya dumarating.

HERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon