8 ✓

32 1 0
                                    

CHAPTER 8

"Hey, we heard what happened. Are you okay?" Yinakap ko siya ng mahigpit.

Natawa siya at tinulak ako ng mahina para matignan ako.

"I'm fine. But, I don't know what exactly happened that night. Hindi ko nga alam ang mga pinagsasabi niyo, eh."

"Wala bang masakit sa'yo?" Tinignan ko ang buong katawan niya.

"I'm okay. Aside from this cut na hindi ko alam kung saan galing, wala ng masakit sa akin." Tinuro siya ang sugat sa labi niya.

Nginitian niya kami na sinasabing okay lang ang lahat, na 'wag na kaming mag-alala sa kaniya.

"Hindi ko maalala ang nangyari. Pero mas okay na sa akin 'yun para hindi na mag-isip pa ang brain ko. Okay lang talaga ako. Nagising akong nasa kama ko. Kung isa lang ang nagsabi sa akin nun aakalain kong panaginip lang. Pero dahil dalawa sila at may patunay, naniniwala ako. At kung sino man ang magligtas sakin at inuwi ako ng maayos ay maraming salamat." seryoso at sinsero niyang sabi na may ngiti sa labi.

"Okay, Laura. Basta sa susunod 'wag kang lalayo sa kanila kung aalis kayo. Mas okay ng mag-ingat. Kung ayaw mo, mag-re-request ako kina Tito ng bodyguards para sa iyo." nag-aalala ko pa ring sabi.

"Hoy, Garrett. Kahit matangkad ka sa akin ay mas matanda naman ako sa'yo. Pero sige na nga, makikinig na ako. Ayaw ko na ring mangyari kung ano man ang nangyari, at mas lalong ayaw ko ng bodyguards. Magmumuka akong girl. I'm a woman now." sabi niya pa.

Natawa na lang kami ng mahina. At least hindi niya na dinamdam. Mabuti ng hindi niya na naaalala. Dahil kung oo, alam kong magmumukmok siya sa bahay nila.

Two days ago, Laura got kidnaped. They were shopping that afternoon nang may tumigil na van sa harap nila at hinila si Laura papasak bago ito humarurot paalis. Nag-panic sina Paul at Jane na kasama ni Laura. Pinaghahanap siya ng mga pulis at ng pamilya namin sa buong magdamag. Pero kinaumagahan ay biglang lumabas si Laura sa kwarto niya na walang kaalam-alam sa mga nangyayari. As in wala talaga, simula sa pag-alis nila ng school ay hindi niya maalala.

"Nandito na rin lang tayong lahat, let's eat lunch together. Matagal-tagal na rin nung last tayong kumain ng sabay-sabay." sabi ni Paul.

"Wow! Gusto ko yan!" Masayang sang-ayon ni Jane.

Napuno ng kwentuhan at tawanan ang lunch namin. Umabot kami ng tatlong oras sa pagka-catch-up.

"Mamasyal naman tayo!" excited na suggestion ni Jane.

Nagtaas ng kamay si Luther. "May naiisip ako!" Katulad lang siya ni Jane na excited.

Napunta kami sa isang amusement park.

"This is what I'm talking about." pagmamalaki ni Luther. Nakangisi pa siyang bumaling sa amin habang nakalahad ang mga braso sa harap ng amusement park pagkababa pa lang namin ng kotse.

Sa entrance pa lang ay rinig na ang masasayang sigawan ng mga tao sa loob.

This is my second time to come in an amusement park. Una, noong nandoon pa kami sa UK, base sa pictures. Hindi kasi masyadong matalas ang memory ko kung matagal na.

"Anong gusto niyong unahin?" tanong ni Isaac.

"Carousel!" sabay na sagot nina Jane at Laura.

Napasimangot naman sina Luther at Isaac.

"Really? Ang boring naman." sabi ni Isaac.

"Sa Vikings maganda." nakangising sabi ni Luther. Nag-apiran sila ni Isaac.

"Gusto namin sa Carousel. At tsaka nagtanong kayo, ah. Ang daya!" maktol ni Jane.

"Para walang ayaw, unahin natin ang Carousel at susunod ang Vikings. Pagkatapos ay rollercoaster." nakangisi si Paul sa huli.

Nakisali rin talaga siya, ah.

Sumang-ayon naman lahat. At si Marie, nakasunod lang sa amin na parang nasa sariling mundo na palingon-lingon sa paligid.

Nilapitan ko siya para kausapin pero may naunang magsalita.

"Garrett? You're also here?" Narinig kong may tumawag sa akin mula sa likod. Nilingon ko yun.

"You're with Marie, nice." turan ni Beatrice nang lumingon rin si Marie.

"Oh hi, Beatrice. Actually, we're with our friends. What are you doing here? Sino kasama mo?" nakangiting bati ko.

"Oh... I was with my little cousin kaso iniwan ako kasama ang mga kaibigan niya. Pauwi na ako." Naiilang na sumulyap siya kay Marie na nakatitig lang sa kaniya.

"You can come with us if you like." alok ko.

Nagliwanag ang mukha niya at napayakap sa akin sa tuwa.

Napatingin agad ako kay Marie. Salubong ang kilay niya habang nanonood sa amin. Agad kong tinulak si Beatrice ng marahan. Nag-panic ako sa tingin ni Marie. Mabuti na lang at hindi napansin ni Beatrice.

"I'd love to." Kumapit si Beatrice sa braso ko. "Nasaan na sila?"

Nauna nang maglakad si Marie papunta sa mga kaibigan namin. Gusto ko siyang habulin pero para saan?

Sinikap kong ngitian si Beatrice at naglakad na kasunod ni Marie. Nakakapit si Beatrice sa akin kaya kasabay ko siya. Gusto ko sanang tanggalin ang kamay niya sa braso ko kaso mukhang rude. 'Pag may pagkakataon na lang.

Pinagmasdan ko na lang si Marie sa harap namin. Her long straight silky black hair shines whenever she moves. She's in a pair of denim jeans, a black printed shirt tucked in and black Vans. Her fair and flawless skin glows.

She really likes black.

043021

HERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon