16 ✓

32 0 0
                                    

CHAPTER 16

Nakapag-ayos na ako sa dining table pero hindi pa rin lumalabas si Marie. Naisipan kong magtingin-tingin muna sa apartment niya. Hindi ko kasi napagtuonan ng pansin nang una akong nagpunta.

Walang kahit anong picture. Puro libro at mga small figurines lang ang meron sa shelves niya. The unit looks glommy but the design looks elegant and classy.

Napansin ko ang itim na upright piano malapit sa bintana.

May piano rin sa mansion. Grand piano. Pero hindi ako marunong tumugtog. Si kuya lang ang nagtiyagang matuto. Noon kasi ay palagi lang akong laro.

Marahan akong pumindot ng isang key. Katamtaman lang ang tone at maganda sa tenga.

"I see you found my piano." boses ni Marie sa likod ko.

Agad akong napalingon. Nakaayos na siya. Her knee-length black skirt showing her long fair legs, intern's white shirt tucked in. She was wearing black pumps and her silk black hair was in a neat ponytail.

Malayong-malayo ang aura niya ngayon kaysa kanina. Mas mukha siyang reserved at elegant. Nalala ko tuloy kanina. Pasalamat na lang at dalawa ang banyo.

"Sorry, pinakialaman ko." paliwanag ko habang binabalik ang pagkakaayos ng piano.

Nagpatuloy lang siya sa dining table. Tumayo na rin ako at lumapit sa kaniya pagkaayos ko ng intern's shirt ko. Nagpalit na ako nang nasa banyo na ako.

Tahimik lang kaming kumain. Naiilang pa ako dahil sa pangyayari kanina. Pero mukhang ang isang 'to ay wala lang, chill lang siyang kumakain. Pagkatapos ay mukhang ako pa ang maghuhugas.

"Sino ang gumagawa ng mga gawaing bahay mo dito?" tanong ko sa kaniya. Ako nga ang naghugas.

Kung mag-isa lang siya, base sa hindi siya marunong magluto at kahit maghugas man lang ng pinagkainan niya, pa'no niya na-maintain ang linis ng unit niya?

"I got someone doing it for me." simple niyang sagot. Nakatutok siya sa laptop niya sa dining table.

Hindi na ako nagtanong pa.

Magkasabay ulit kaming pumasok sa building at opisina. Sa entrance na kami bumababa at 'yung mga valet na ang nagpark ng mga kotse namin.

"Napapansin kong madalas na kayong sabay napumasok na dalawa. May something na ba kayo?" tanong ng isang babaeng employee. Narinig at nabasa ko ang panghihinayang at selos sa mukha niya.

Pinakalma ko ang sarili ko para hindi mapansin ang pamumula ng pisngi ko. Nginitian ko siya at inilingan.

Hindi ko rin kasi alam kong anong meron kami. Hindi kami friends pero hindi rin kami strangers. She acts so intimately sometimes pero hindi ko alam kung bakit. At nalilito na rin ako dito sa nararamdaman ko.

Pumasok ang manager ng department at inagaw ang atensyon ng lahat. "Our new product will be launching next month. We thought that the interns will be best in advertising it since it is related to young businessmen and young people yearning for succes. We will be picking two interns, a male and a female, as the models."

Hindi katulad ni Sir Gin, si Mr. Rence ay approachable at friendly. Pala ngiti pa kaya magaan dito sa department na 'to. Mas balance and relax ang trabaho.

"All employees and even the superiors are voting this Friday. We'll know the pair on Monday." dagdag pa niya.

Maraming masayang interns. Sino bang hindi? Kahit may sarili kayong company ay isang privilege na makasali sa isang endorsement ng kahit isang product ng The Walters Company.

HERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon