22 ✓

37 0 0
                                    

CHAPTER 22

"Garrett, hindi ka ba manonood?" tanong ni Laura sa akin nang makasalubong ko sila.

"Manonood ng?" taka kong tanong.

Napasimangot siya. "Parati kayong magkasama ni Marie tapos hindi mo alam na mamayang gabi na ang performance nila?"

Last day na ng semester ngayon. May mga booths, activities and performances para pambawi sa exams.

"Ngayon na ba 'yun?"

Tumango siya sa akin.

"Sumama ka na lang sa amin mamaya." suggestion niya.

"Okay."

...

Nasaan na ba sila? Kanina pa ako nandito sa school. Nakapaglibot-libot na nga ako, eh. At ngayon ay nandito ako malapit sa open stage, naghihintay sa kanila.

Nag-ring ang phone ko. Tawag galing kay Marie.

"Where are you?" tanong niya agad pagkasagot ko.

"Malapit sa stage."

"Come to the backstage." Pagkatapos nun ay binaba na niya ang tawag. Tulala akong napatitig sa phone ko. Wala man lang goodbye o bye man lang? Baba agad?

Pumunta ako sa backstage pagkatapos makipagsiksikan sa mga manonood. Marami talaga ang gustong makapanood ng performance nila. Practice pa lang nga sa music room ay dagsa na, eto pa kayang final performance na.

Nakita ko siyang nakaupo sa isang monoblock chair sa tabi. Hindi bagay ang aura niya sa monoblock chair. Nagmumukhang katawa-tawa. Her mighty and cold aura na sinamahan ng maliit na monoblock chair.

Pero kung tititigan mo ay ang hot niya. Kung wala 'yung malamig niyang aura ay magmumukha siyang model ng chair na 'yun. Nakapandekwatro at nakahalukipkip. Camera na lang at pwede nang photo shoot dito.

Lumapit ako sa kaniya. Napatingin din siya sa akin nang nasa harap na niya ako. Nginitian ko siya habang naghihintay.

Blangko ang mukha niya habang nakatitig sa akin. Pinagtitinginan na nga kami kasi kanina pa kami nagtititigan dito.

"Are you nervous?" alangan kong tanong para basagin ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.

Mabuti naman at napangisi na siya. Lihim akong napabuntong-hininga bilang relief sa awkwardness kanina.

"Why would I? I'm used to attention." mayabang niyang sabi.

"I can see that." bulong ko sa sarili ko.

"Bakit mo pala ako pinapunta dito?" tanong ko.

Naghanap na ako ng mauupuan. Nangangalay na rin ako kakayuko sa kaniya.

"I just want to hide you." sagot niya.

Nagtataka akong napatitig sa kaniya. Siya naman ay mukhang wala lang ang pag-amin at nakakatitig pa sa akin ng diretso.

"From what?"

"It's whom." pagtatama niya.

Bago pa ako makapagtanong ay tinawag na sila para sa performance. Sakto ring tumunog ang phone ko. Text galing kay Beatrice at kay Laura.

Inuna kong basahin 'yung kay Laura. 'Marie already messaged us that you'll be with her. Have a good time, cousin. Good luck!'

Napangiti ako sa text niya. Bakit may good luck pa? Anong akala niya sa akin, mahina? Hindi kaya. Inamin na nga ni Marie na nag-enjoy siya kasama ako, eh.

HERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon