Author's Note (Detailed)

37 0 0
                                    

1. Gusto ko ibalita na natapos ko ang pinakauna kong istorya sa Wattpad. Wala mang sumusubaybay ay okay lang. Ang gusto ko lang naman ay makatapos ng story at sana balang araw ay sumikat din heheh. Syempre lahat naman ata ng writer ay gustong sumikat o mabasa ang mga gawa nila, maappreciate kung baga. As of ngayon ay lagpas pa lang 300 ang reads ko at may 16 votes pero tinapos ko heheh para sa may balak magbasa at para na rin sa akin. Kahit ito man lang ay matapos ko.

2. Marami ang loopholes at unrealistic para sa akin ang ibang scene lalo na doon sa tungkol sa mga college-college at internship na yan. Ang totoo po ay wala pa akong myadong alam tungkol sa bagay na yan. Masyado lang ambisyosa si Author kaya nakiuso heheh. Kaya paumanhin kung walang sensya masyado yung ilang chapter dahil doon.

3. Not edited. Marami rin itong misspelled words, grammatical error, at jumbled words. Sa phone lang po kasi ako nagsusulat at kadalasan pa ay gabi o kaya madaling araw na. Kaya may pagkabangag ang ilang mga chap. At kung napagtyagaan niyo, salamat! Hindi naman kasi ako umaasa na may magbabasa nito. Sa dami ba namang istory dito sa Wattpad, isang molecule lang yung akin hahah.

4. Tungkol naman sa istorya, marami na po itong version na nauna bago ko naisipang ipublish sa Wattpad. May nauna ng tapos pero hindi ko masyado magustuhan kaya umulit ako ng mga ilang beses. May english version pa nga ito pero kinunan ko lang yun ng ilang inspiration at sinumulan ko yung dalawang tapos na, yung naunang completed at itong version na ito.

5. May mga inilagay diin akong exclamation point bilang warning sa simula ng chapter, hindi lang halata. Kahit may note na ako sa description ay nagwarning ulit ako sa mga ganung mga part sa libro.

6. Medyo may pagkamagulo po ito. Nakalimutan ko na kasi ang ibang nangyari. Hindi naman po kasi ako nagsusulat lang, reader din po kasi ako most of the time kaya naghahalo-halo na lang yung mga istorya sa utak ko. Pero wag kayong mag-alala, hindi ako gumagaya ng istorya ng iba. Alam ko kung pano pagpuyatan ang mga istoryang gawa nila kaya alam ko ang limitasyon ko. Iba ang pagiging reader ko sa pagiging writer ko. Oo, kukukuha rin ng ideya pero hindi lahat.

7. At dahil una kong Author's Note ito ay lulubusin ko na heheh. May ilan rin akong works. Marami na ang one-shot at kung may oras ka ay pwedeng pwede mong basahin. Improving pa po ang writing skills ko kaya pasensya kung hindi masyado okay ang construction at pagkasunod-sunod. Susubukan ko po yung pag-aralan at pagbutihin.

At mag-abang din kayo ng iba pang mga kwento kasi punong-puno ang utak ko at gustong kumawala. Sana suportahan niyo ang iba kong gawa anf future gawa. Thank you sa nakaabot dito. Maraming salamat sa pagbabasa at pagsuporta. Keep safe! ( ◜‿◝ )♡

× Dora - March 8, 2021 ×

HERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon