10 ✓

44 1 0
                                    

CHAPTER 10

"That was fun. Thank you, Garrett." Nakangiting bumaling sa akin si Beatrice pagkababa niya ng kotse.

Ako na ang naghatid sa kaniya kasi inabot kami ng gabi sa amusement park. Ako rin naman kasi ang nag-aya sa kaniya.

"I really had fun."

Nginitian ko rin siya. "I'm happy you did."

Hinatid ko siya sa gate nila. "Sige, mauna na ako. Good night." paalam ko.

Tumalikod na ako para bumalik sa kotse nang pinigilan niya ako.

"Wait, Garrett." nilingon ko siya at saktong dumapo ang mga labi niya sa pisngi ko.

"Good night, too. Bye." mabilis siyang pumasok.

Napabuntong-hininga na lang ako. At least lahat ng babaeng humahalik sa akin ay sa pisngi lang.

Pinunasan ko agad ang pisngi ko pagpasok ng kotse. Nang tignan ko ang kamay ko ay may lipstick stain na dumikit.

"Good thing you wiped that off or I will bleach that cheek of yours."

Nagulat na napahawak ako sa nagsalita. Nilingon kung sino man ang nanloob sa kotse ko.

Ang bagot na mukha ni Marie ang una kong napansin bago ang pwesto niya sa backseat, nakahilata siya na parang kanina pa naghihintay.

"Kailan ka pa nandiyan?" yun agad ang naitanong ko sa kaniya.

"You guess? I almost got deaf." iling-iling niyang sabi. Lumipat siya ng front seat at naupo sa tabi ko.

"What? Narinig mo pinag-usapan namin?" hindi ko makapaniwalang tanong.

Nakahalukipkip siyang sumandal sa car door at ngumisi sa akin. "I shouldn't have heard it, right?"

Marami kaming pinag-usapan pauwi. Wala namang nakakahiya kaya okay lang.

"Don't fret, I just got inside when you two got off. But, I saw everything and I'm not sure if I liked it." salubong ang kilay niya.

"Don't mind it. Marami namang may gumagawa nun sa akin. Sanay na ako."

Naging isang linya na ang kilay niya dahil sa sinabi ko.

"Marami?" ulit niya nang nakataas na ang isang kilay.

It's her second time I heard her speak in Tagalog! She sounds hot with the slight accent pero okay naman. Parang sanay siyang marinig 'yun pero bihira lang gamitin. So marunong na talaga siyang mag-Tagalog dati pa?

"Plenty of women had kissed your f-cking cheeks?!" galit niyang sigaw at napaupo pa ng tuwid.

Bumuntong hininga siya at nagkabit ng seatbelt.

"Drive me to my flat." sabi niya at nanahimik na.

Napatanga ako sa outburst niya. Galit siya dahil marami ng babae ang humalik sa pisngi ko? Yun ba ang kinagagalit niya?

Bakit naman big deal 'yun sa kaniya? Anong nangyayari sa kaniya? She's acting weird.

Napabuntong-hininga ako at in-start ang kotse.

"Saan ang flat mo?" tanong ko.

Malapit lang ang sinabi niyang address sa bahay namin.

"Nasaan ang kotse mo? Pa'no ka nakasunod sa amin?" tanong ko.

Dahil siguro sa pakikipagkwentuhan kay Beatrice kaya hindi ko napansin na may nakasunod pala sa amin.

"I left it on the road." blangko niyang sagot, nakatingin siya sa labas.

Madilim na at kahit isang oras na lagpas sa rush hour ay traffic pa rin.

Napalingon ako sa kaniya. Iniwan niya sa kalsada?

"You should have drive. Pa'no kung i-tow 'yun ng mga pulis or ma-carnap?"

"It won't." 'Yun na lang ang sagot niya at tahimik na kami sa buong biyahe.

"Here." turo niya sa itim na gate nang makarating kami sa address na ibinigay niya.

Tumigil ako sa tabi ng gate at sumabay sa paglabas niya.

"Sige, good night. Mauna na ako." paalam ko nang naihatid ko na siya sa gate ng apartment building nila.

Lumingon siya sa akin nang mabuksan na niya ang maliit na pinto ng malaking gate.

"No, you'll drink water first. You should be hydrated always. Come on."

Nauna na siyang pumasok.

Pinagmasdan ko ang building. It was large, more than 10 floors. And it has a huge parking space inside the gate. Mukhang hindi rin biro ang mga may-ari ng unit dito. Karamihan kasi ng kotse ay mga mamahalin.

Tumigil kami sa seventh floor at pumasok sa pinakadulong unit doon.

Malaki ang unit at ang tanging ilaw lang doon ay ang ilaw ng buwan mula sa French windows. Pero kahit maliwanag ang sinag ng buwan ay madilim pa rin ang loob ng unit niya dahil sa itim na walls at mga dark colored furniture.

She really loves dark colors, especially black.

"Take a seat." sabi niya bago nagtungo sa tingin ko ay kitchen.

Naupo ako sa black leather couch niya. Yeah, leather, katulad ng carseats niya.

Kaunti lang ang mga gamit, minimalist design.

Hindi naman masyadong makalat pero may mga damit na nakasampay sa couch.

"Mag-isa ka kang dito?" tanong ko.

"Yeah." sagot niya mula sa kitchen.

"Here." Inilapag niya ang isang basong tubig sa coffee table at naupo siya sa one-seater couch sa tabi ko. Nakatitig lang siya sa akin habang umiinom ako. Nagkanda-bilaukan na ako dahil sa titig niya.

"Here, I've finished it. Mauna na ako. Kita na lang tayo sa office." paalam ko na talaga.

Tumayo na ako at naglakad papunta sa pinto. Hindi niya naman ako pinigilan at sumunod pa siya sa akin.

Hawak ko na ang doorknob nang naramdaman ko ang paghapit niya sa akin paharap sa kaniya. Nagulat ako sa ginawa niya.

Pagkaharap ko sa kaniya ay ang paglapat ng mga labi namin. Nakahawak siya sa batok ko at idiniin ako sa kaniya. Nanigas na naman ako.

Malakas siya para sa isang babae, komento ng isip ko.

Gumagalaw ang mga labi niya. I don't know how to kiss kaya nakatunganga lang ako doon.

Bumitaw siya at hingal na hingal na inilapat ang mga noo namin. Kahit ako na walang ginawa ay napahingal din. Rinig ko rin ang malakas na pagtambol ng puso ko.

"Remember, I'm the only woman who can kiss you here, alright? I don't share." hinihingal niyang sabi.

Napatitig ako sa kaniya. Mapupungay ang mga mata pero at the same time nagbibigay ng aura na bawal kong suwayin ang mga sinabi niya.

'Yung mga labi niya na namumula pa ay mas nakakadagdag sa appeal niya. Umiinit naman agad ang katawan ko.

Humalik siya ulit bago nakangiting pinagbuksan ako ng pinto.

"See you on Monday, Garrett."

A/N: Don't you think Marie is a creep? Weird...hahah
Vote and comment!

043021

HERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon