15 ✓

25 0 0
                                    

CHAPTER 15 !

"Close pala kayo ni Henry Advincula." sabi ko kay kuya nang pumasok kami sa kotse.

Napatingin siya sa akin at napakunot ang noo habang inaayos ang seatbelt niya.

"Ang close niyo kaya kanina." sabi ko.

Nakangisi at mahina siyang umiling. "No, I was just being casual yet formal kasi isa sila sa prospected investors ng company natin. I don't want to be rude kahit ayaw ko naman talaga sa kaniya."

Bakas sa boses niya ang pagkadisgusto sa tao.

"He hitted on my girl and he almost rape her when she was unconscious. Mabuti nga at hindi niya naituloy." galit niyang sabi. Nakakuyom ang mga kamao niya habang titig siya sa labas.

Nabigla ako sa sinabi niya. "Si ate Deina? Paano ‘yun?"

"Hindi niya ako naaalala kaya ganun ang pakikitungo niya sa akin. Hindi niya rin kilala si Deina. He was only less than a month in UK nang napilitan siyang um-attend sa charity event."

"Kamusta si Ate Deina?" nag-aalala kong tanong.

Naging close na rin kasi kami sa tagal kong nandoon. Taga-doon talaga si ate Deina pero ang nanay niya ay Filipino.

"She's okay. Wala siyang maalala pagkatapos nun. Hindi ko na lang sinabi para hindi na siya mag-alala pa. Wala namang nangyari. Thank goodness."

Napabuntong-hininga siya bago kami bumalik sa bahay. Nakatulog agad si kuya dahil sa sobrang pagod pagkadating namin. Pinabayaan na namin.

Narinig ko ang nag-aalalang boses ni Mom na may kausap sa telepono. Nakatanaw siya sa garden at mukhang balisa.

"Bakit? Anong nangyari at nangyari 'yan? Malinis naman tayo at tutok ang mga tao natin. Anong sinasabi nilang error?" nauubusan ng pasensyang sabi ni Mom.

Hindi ko mainitindihan ang usapan nila pero base sa pagsasalita niya ay si Dad ang kausap niya.

Natapos ang tawag at napalingon si Mom para pumasok. Nagulat siya nang nakita ako.

"Kanina ka pa ba diyan?" gulat niyang tanong.

Tumango ako at lumapit sa kaniya. "Mom, what's wrong? Anong ibig-sabihin nun?" nag-alala ko siyang hinaplos sa braso at bahagyang yinayakap. Masama sa kalusugan nilang ma-stress ng masyado.

"May nangyari lang doon sa inaasikasong business ng Dad mo."

Naglakad kami papasok. "Kamusta ang pamamasyal niyo ng kuya mo?" pag-iiba niya ng topic. Sigurong ayaw niya talagang pag-usapan.

Nginitian ko siya at nagkwento.

...

Kumatok ako sa pinto. Inayos ko ang mga pagkaing nasa isang paper bag.

Kumatok ulit ako nang nakalipas ang ilang minuto na hindi pa rin bumubukas ang pinto.

Tulog pa kaya siya?

Napatingin ako sa wristwatch ko. Masyado ata akong maaga. It was only almost 6 in the morning.

Siguro mamaya na lang.

Tumalikod na ako para bumalik muna sa kotse o sa lobby ng apartment pero bumukas ang pinto niya. Napalingon agad ako sa kaniya at nagulat sa nakita.

She looks like she just woke up from bed and directly come out. Hindi naman gaanong makalat ang buhok niya pero 'yung mukha niya ay antok pa at papikit-pikit. 'Yung damit niya ay gusot rin. Isang white t-shirt at gray sweatpants. Nakayapak lang siya.

HERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon