11 ✓

25 0 0
                                    

CHAPTER 11

Maghapon kong inisip ang mga nangyari ng Sabado, kung anong ibig-sabihin ng mga kinikilos ni Marie.

Noong una ay masyado siyang cold sa akin. Tapos ngayon ay masyado ng...

Uminit ang mukha ko sa naalala.

Mukha akong bading nito. But, it's my first time to feel this way. 'Yung namumula sa panunukso ng mga tao dahil sa isang babae. 'Yung mga titig niya na nagpapabilis ng pagtibok ng puso ko. Ngayon ko lang naramdaman ang mga ito.

"Garrett, are you okay? You look bothered. Something happened?" Bungad sa akin ni Beatrice pagkaupo ko.

Nilingon ko ang table ni Marie at nakitang busy na siya sa mga ginagawa niya.

"Wala naman, kulang lang sa tulog." nginitian ko si Beatrice.

Nagsimula na rin ako sa mga dapat kong gawin.

Sa buong araw ay busy kami sa mga gawain. Sa lunch at break time nga ay hindi rin ako makausap ng mabuti dahil sa antok ko. At sa maghapon ay hindi ko nakausap si Marie.

"Here. Magkape ka muna. Baka makatulog ka sa pagmamaneho mo."

Inilapag ni Beatrice ang isang cup ng hot coffee sa desk ko. Tinignan ko siya. Nahihiya siyang tumingin sa akin.

Kinuha ko yun at humigop. "Thanks."

Kahit hindi ako mahilig sa kape ay tinanggap ko na. Nakakahiya naman dahil nag-abala pa siya.

Nakatulong nga ang kape. Nabawasan ang antok ko at natutukan ko ang mga ginagawa ko.

"Mr. Walter and Ms. Rodriguez, come here in the office." boses ng manager.

Kunot ang noo kong tumayo at naglakad papasok sa office, nakasunod si Marie.

"I called you two here because we wanted interns to handle a presentation. It's to show the CEO how worth it her decision is. You two are two of the outstanding interns here in the department. We hope that you two can handle it. An employee will help you. It's a week due." nakangiting sabi ng manager.

Napatingin ako kay Marie, tahimik siya at mukhang malalim ang iniisip.

Lumabas kami at may tumulong agad na isang empleyado.

Excited ako sa presentation. Makikita ko ang CEO ng isa sa pinakasikat na kompaniya sa buong mundo.

"Marie, hindi mo ba gustong mag-present para sa CEO?" Napansin ko kasing unusual ang pananahimik niya at natutulala pa.

Napatingin siya sa akin. Biglang nawala ang ngiti ko. Nanlamig lahat ng parte ng katawan ko sa tingin niya. Mas malala ito kaysa noon.

"Hey, are you alright?" sinubukan kong magtanong.

Pero nilagpasan niya ako at sumunod na sa tutulong sa aming employee.

Napabuntong-hininga ako. Ano kayang nangyari? May nagawa ba akong mali?

"We have to be fast. There are lots of things that you need to be familiar with and study with this project..."

Nag-expalin yung employee kung ano ang mga dapat naming gawin at iba pa. Sa oras na magkakasama kami ay hindi pa rin ako kinakausap ni Marie o tapunan ng tingin man lang.

Napalabi ako pagkatapos. 'Yung employee ay natahimik rin. Nakikita kasi nila kami pag-lunch na parating magkasama at nag-uusap. Pero ngayon ay malayo doon. Nahawa ata siya sa atmosphere namin kaya nauna na siyang umalis.

HERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon