28 ✓

26 0 0
                                    

CHAPTER 28

Sa loob ng limang araw ay nag-enjoy kami sa mga water activities, pasyal lang, kwentuhan, biruan, harutan sa buong lugar.

Marami na rin kaming na-meet na ibang torista. Katulad ng couple na sina Fred at Rena, mula sila sa New Zealand. Cool lang silang tignan ng una at hindi mo aakalaing couple dahil sa turingan nila. Parang magkapatid lang kasi ang turingan nila.

Hindi daw sila 'yung intimate na couple. Casual lang na sabay na naglalakad at nag-uusap. Pero may sinabi si Fred na hindi naman sila ganun kapag sila lang na dalawa. They said that they don't like showing affection in public, lalo na at mahiyain si Rena. At nang maging close kami ay nakita namin ang cute nilang pakikitungo sa isat-isa.

Nagtanong pa nga kung kami ni Marie. Sina Isaac at Luther ay nag-abang talaga. Si Marie ay parang wala lang sa tabi ko at nilalaro ang likod ko na hindi nila pansin. Sinabi ko na lang na hindi. Hindi naman kami eh. Tsaka, hindi ko naman alam ang nararamdaman ko para sa kaniya o siya sa akin para ma-consider na pwede kaming couple. I admit that I'm attracted to her. And... she confessed indirectly or it was something else? Oh yeah, she was talking about not taking advantage of her when sleeping. It has nothing to do with her feelings for me.

Si Beatrice pala ay lumapit ulit sa akin ng ikatlong araw namin dito. Parang wala lang nangyari noong isang araw kung makipag-usap at pakikitungo sa amin. Pinabayaan ko na lang, tutal ay magkaibigan naman kami. Humupa na rin ang inis ko sa kaniya. Si Luther ay bumalik sa pagiging playboy niya pero hindi niya na gaanong nilalapitan. Mukhang hindi naman nahalata ni Beatrice. Madalas na kami lang ni Luther ang kumakausap sa kaniya. Mukhang hindi talaga nila nagustuhan ang inasta ni Beatrice noong isang araw. Wala naman akong karapatang sabihan sila na tratuhin ng mabuti si Beatrice dahil maging ako ay kinakausap lang siya dahil naging magkaibigan na rin kami.

"Ang ganda talaga ng resort niyo, Luther. It's so relaxing here. I'll bring my family here next time." masiglang sabi ni Beatrice bago sumipsip sa baso ng wine niya.

Ngumiti si Luther sa kaniya. "It's our pleasure that the Advinculas would pay a visit here in our resort. We'll look forward to that." casual na sabi niya. Ito ang palaging salita ni Luther kapag may ganito at sanay na sanay na sa ganitong sitwasyon. Sabagay ay may responsibilidad rin siya rito kahit walang kinalaman ang korso niya sa negosyo nila.

Nandito kami sa isang bar sa resort nila. Sinusulit ang huling araw namin dito bago kami bumyahe bukas ng maaga.

Isang bote lang ang sinasaluhan namin kasi bawal ang malasing, makakaabala sa byahe.

"Let's play truth or dare." suggestion ni Jane. Agad naman kaming sumang-ayon. Mabuti na lang at nasa VIP area kami dito sa second floor kung saan ay kitang-kita at langhap na langhap ang dagat. Kahit medyo malamig ay pinapaiinit kami ng alcohol.

"At dahil bawal ang maraming alak ay ekis na ang isang shot as a punishment. Ano sa tingin niyo ang magandang punishment?" sabi ni Jane.

Agad namang nagtaas ng kamay si Luther. "Will strip a piece of clothing." nakangisi niyang sabi.

Agad na sumang-ayon si Isaac na halatang naghahamunan ang magkapatid. Sumunod si Beatrice na katabi lang ni Luther at kaharap ko. Sumang-ayon na lang ang dalawang babae para raw may thrill. Si Paul ay pinilit nila at ako ay umo-o na lang. Si Marie? Silent as usual.

Nag-simula ng paikutin ni Jane ang bote. Nakaabang kami kung sino ang tatapatan nun. Napangisi si Jane sa taong tinapatan ng bote.

Humalukipkip siya at direstong tinitigan ang tinapatan ng dulo ng bote.

"Truth or dare." May diin ang truth sa pagkakasabi ni Jane. Napalunok naman ang tinatanung niya.

"Truth." Napangiti si Jane.

HERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon