Epilogue

46 0 0
                                    

“Garrett!” mahinang sigaw sa akin ng isang babae, nag-iingat na walang makarinig. May kalayuan siya sa akin at halata sa mukha niya ang pagkairita. “Bilisan mo! Gusto ko nang sumakay!” naiinip niyang sigaw.

Napatawa ako ng mahina pero agad ding napayuko nang napalingun ang ilang tao sa akin.

Kahit kailan talaga ang lakas ng bibig ng babaeng ito. Alam niya namang bawala akong lumabas ngayon pero pinilit, ay hindi, tinethrean niya pala ako kaya napasama ako dito sa amusement park.

Ikaw ba naman iblock mail gamit ang yung relationship status ko! Mahirap kung makalabas yun ngayon. Ang alam ng lahat ay in-a-relationship na ako pero hindi nila kilala kung sino. May duda na sila na itong babaeng 'to ang karelasyon ko ngayon.

"Yeah, coming." pagpapalaki ko ng buso ko. Humagalpak naman siya ng tawa kaya pinagtitinginan na tuloy kami ng tao. At yun ang dapat iniiwasan naming gawin.

Mabilis ko siyang hinila palayo sa matao. Nakasunod lang siya at hingal na hingal nang makalayo kami.

"Bat mo ba ako hinihila na lang? Ha?!" inis na naman niyang sigaw.

Inayos niya ang suot niya nang makabawi ng hininga.

"You were attracting attention. Wag mong kalimutang hindi dapat ako nandito. Tumakas lang ako dahil sa pananakot mo!" singhal ko pabalik.

Hindi siya nagalit, nakangisi pa nga siya sa pagsinghal ko sa kaniya. "Garrett, I now confirmed that you're gullable. Naniwala ka talaga! As if naman na mapipigilan nyan ng fans mo na ipursue ka kahit walang pag-asa."

"It will. Mababawasan ang aasa at masasaktan, Sue. Kaya wag na wag mo nang ipamblockmail yan!" nakahalukipkip kong sabi.

Humalukipkip din siya at mataray na tinaasan ako ng kilay. "What's the purpose of block mailing kung hindi ka naman matatakot, duh? At, konti na lang ang time mo sa akin kaya sinusulit ko lang itong naitakas kita ulit." Lumungkot ang tono ng boses niya kaya napabuntong-hininga naman ako.

She's right. I've been busy since I entered the modeling industry. Hindi ko naman ginusto na magmodelo noong una. Nadiscover lang nga ako ng isang modelling agent sa isang party na dinaluhan ko at triny ko yun kasi gusto kong sumubok ng bago pagkarating ko dito sa states. Hindi ko in-expect na makakahiligan ko siya at ngayon ay pinagkakakitaan ko pa.

Hindi sa pagmamayabang pero sunod-sunod ang mga invitations at proposal ang bumati sa akin pagkatapos mailabas ng unang modelling ko ng isang brand ng damit. At ngayon ay almost 3 years ko na 'tong ginagawa at minamahal.

"Okay, I'm sorry. Let's ride whatever you want for the day." Nagliwanag naman ang mga mata niya at hinila ako sa gusto niyang sakyan.

Sa carousel.

"Come on, let's go. I want to ride the rollercoaster too." Tinulak ako ni Sue sa isang kabayo bago siya sumakay ng kaniya.

Napatitig lang ako sa kaharap kong kabayo na nakatitig sa akin. Inayos ko ang mask at shades ko bago naupo. Mahigpit ang kapit ko sa pole nang umandar na kami. Rinig na rinig ko ang masasayang tili ng mga tao, lalo na ng mga bata. Matagal na rin simula ng makapunta ako sa amusement park.

Marami pa kaming sinakayan ni Sue. Ilang beses na rin kaming muntik mabuking dahil sa kasisigaw niya. Ang lakas talaga ng bibig ng babaeng ito, kabaligtaran ng itsura niyang hindi makabasag pinggan.

Si Sue ang una kong naging kaibigan dito sa states. Akala ko nga Amerikana dahil sa berde niyang mga mata at ang mala-foriegner na features ng mukha. Nagkausap kami sa isang coffee shop at napamura siya nang may biglang kumalabog sa tabi naming bintana. Napatawa ako sa alaala kung anong sigaw niya nun.

HERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon