32 ✓

33 0 0
                                    

CHAPTER 32

Malambot na kama, malambot na unan, at malambot at mabangong katabi. Buo agad ng araw ko kapag ganito ang gumigising sa akin.

Marahan kong iminulat ang mga mata ko. Ang liwanag ng araw mula sa bintana ang bumungad sa akin. Agad naman akong napalingon sa yakap ko.

Tulog na tulog pa siya. Nakakapit siya sa damit ko na parang aalis ako ano mang minuto. Pero ang mukha niya ay mas naging fresh at glowing. Ang ganda niya talagang pagmasdan kapag tulog. Hindi ka maiilang sa intensidad ng mga mata niya.

Porcelain-like skin, rosy cheeks, bushy black eyebrows, smiling eyes, straight-edge nose, full pink lips. She also has a cute mole on the tip of her nose. For me, it's her cutest mark. Her long black silky hair is all over the pillows. It makes her more fair-looking yet an adorable young woman, more like an adorable teenager.

Dalawang araw na ako dito. Kahapon ay hindi niya ako pinayagang umuwi. Mabuti na lang at hindi pumunta si Claire kasi tutuksuhin na naman niya kami. Ngayon na Sunday ay kailangan kong umuwi sa mansion. Hindi ko nga alam kung anong meron ngayon at tinext pa ako ni Mom na agahan ko raw ngayon.

Napatingin tukoy ako sa digital clock niya. Nanlaki ang mata ko ng tanghali na pala. Liningon ko agad si Marie. Mahimbing pa ang tulog niya, ayaw ko naman siyang istorbohin dahil alam kong kulang pa ang tulog niya kahapon kasi sumisiksik pa siya sa akin at nakakaidlip.

Pabayaan na muna. Kung ano man 'yung pinagmamadali sa akin ni Mom ay makakapaghintay naman ata 'yun.

Marahan ko na lang na hinaplos ang likod niya kahit manhid na ang braso ko. Natutuwa pa rin ako sa reaksyon niya kapag hinahaplos ko siya. Mas sumisiksik siya sa akin at kahit papaano ay may maliit na ngiti sa mga labi niya kahit natutulog.

Hindi ko namalayan na nakatulog ulit ako. Naabutan kong wala na si Marie sa tabi ko. Napatingin ako sa orasan. 30 minutes akong tulog.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng walk-in closet niya. Lumabas mula doon ang bihis na bihis na si Marie. Bago ang aura niya ngayon pati suot. White, the complete opposite of her black clothing.

Isang pamilyar na white shirt ang suot niya. Naka denim overall dress rin siya at black converse. Basa rin ang buhok niya na siguradong kagagaling niya lang sa banyo. Agad ko naman siyang nilapitan para patuyuin ang buhok niya kahit walang blower.

"Kuskusin mo naman ng mabuti ang buhok mo para hindi masyado mabasa ang damit mo." paalala ko.

Kinuha niya sa akin ang twalya at tinulak ako sa banyo.

"Take a bath first. We're late."

Agad naman akong sumunod. Nakalimutan ko ang tungkol kay Mom.

Paglabas ko ay may damit na ako sa kama. Saan kaya ito kinukuha ni Marie. Pwede pa sa pang-itaas kasi kasya lahat ng damit niya sa akin kahit saktong-sakto lang. Mabuti na lang at medyo oversize sa kaniya ang mga damit niya. Pero 'yung pants at underwear? Doon na ako napapaisip.

Isang white shirt din ang suot ko at denim pants, katulad ng kay Marie. Paglabas ko ng kwarto ay may pagkain na sa mesa. Ordered foods. Wala naman akong magagawa kasi hindi ako nakapagluto at late na rin kami...

Teka. Bakit kasama siya?

Sakay sa kaniya-kaniya naming kotse ay umuwi kami sa mansion. Nagulat na lang ako sa nabungaran ko.

Maraming kotse, mga mamahaling kotse. At marami pa ring dumadating. May mahinang classical music din mula sa loob ng mansion.

"Anong meron?" tanong ko sa sarili ko.

HERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon