48

28 0 0
                                    

Merry Christmas 😁

__________________

CHAPTER 48

Kanina pa nakatulog si Marie. Sumisilip na ang araw at agad siyang nakatulog dahil sa pagod pagkatapos ng panghuli namin. Nakaunan siya sa balikat ko habang yakap ang bewang ko. Nasa likod niya rin ang isang kamay ko habang nilalaro ang malambot at mahaba niyang buhok.

Nakatitig lang ako sa natutulog niyang mukha. Maga pa rin ang mga tabi niya at namumula ang pisngi. Mas gumanada siyang tignan dahil sa dagdag na kulay sa mukha niya. She's looking so vibrant and glowing.

Hindi ko magawang makatulog kahit pagud din ako. Ayaw kong matulog kase baka paggising ko ay wala na si Marie sa tabi ko. Ayaw ko nang mapalayo sa kaniya. Kung kailangan na pakasalan ko na siya pagkatapos nito ay gagawin ko. Hindi lang sa ako ang nakauna sa kaniya ay mahal ko siya. Sa akin na siya ng tuluyan.

Kuminang ang dog tag niya dahil sa sumisilip na liwanag mula sa bintana. Muntik ko nang makalimutang may suot pala siyang ganyan.

Sa unang pagkakataon ay napagmasdan ko ng mabuti ang tag na nakapatong sa dibdib ko. Pinulot ko ito at tinitigan. Nandoon ang pangalan, edad ang ilang numiro na hindi ko alam. Napakunot ang noo ko nang nakitang pamilyar ang pangalan ng lahat ng nasa tags.

Lukas

Maxwell

Stella

Walang mga apelyido kundi birthdates lang at yung mga numiro. Yung Lukas ay kasing edad ni Lolo habang yung Maxwell at Stella ay kaedaran nina Mom.

Bumaling naman ako sa tag na may pangalan ni Marie.

Marie Isabelle Rodriguez

Siya lang ang may apelyido sa apat. Bumaba ang tingin ko sa pangalan niya at nanlaki ang mata.

March 7

It was her birthday yesterday and not just a freakin birthday. It's her debut! She just turned 18!

Napatingin ako kay Marie. Kaya naman pala ganun siya umasta, teenage hormones, at yung childish acts niya, her adorable teengae vibe kapag kaming dalawa lang.

Pero hindi talaga halata sa 18 pa lang siya. She looks like our age, the average graduating student.

Alam ba ito nina Laura?

At pano kung 18 pa lang siya ay graduating na siya? At ang pagkakaalam ko ay nagtransfer siya college na talaga. Panong ang 14 years old ay nagsisimula na sa college?

Habang nag-iisip ay hindi ko n namalayan na nakatulog na pala ako.

Pagkagising ko ay agad kong hinanap si Marie sa tabi ko kaso wala na akong katabi. Dumiretso ako sa bathroom para hanapin siya doon kahit sa closet pero wala. Napakunot ang noo ko at agad na nagbihis. Hindi naman siya naglayas kasi nandiyan ang mga damit niya.

Hinanap ko siya sa boung apartment unit kaso wala talaga. Tinawagan ko siya pero out of coverage area daw. Napatigil ako sa naalala ko kagabi, kung bakit ayaw kong matulog.

Iniwan niya na talaga ako?

Nanghihinang naupo ako sa sofa. Nag-isip ako ng mas positibo.

Lumabas lang siya. Pagkalabas mo ng banyo ay nandiyan na siya at naghihintay sa luto mo.

Pagpapagaan ko sa loob ko. Pumasok ako sa banyo para maligo. Naamoy ko rin ang ginamit ni Marie na shampoo, hindi pa nawawala ang amoy sa buong banyo. Binilisan ko ang pagligo at masiglang lumabas patungo sala. Pero walang tao. Napatingin ako sa orasan. 5 pm na. Kailan kaya siya umalis. Alam kong masakit pa ang katawan niya at kikirot pa yun pero saan siya nagpunta.

Nakalimutan ko nang kumain kakahintay sa kaniya. Makalipas ng mahigit kalahating oras ay pumasok siya. Nakaitim lahat ang suot niya at seryoso ang mukha. Pero hindi pa rin nawawala doon ang kakaibang kinang ang mukha at kutis niya.

Nakangiti ko siyang sinalubong para lagpasan lang niya. Gulat akong napalingon sa kaniya na dire-diretsong pumasok sa kwarto. Bago pa ako makapasok ay lumabas na siya na bago ang damit. Linagpasan niya muli ako at tumungo sa pinto nang pigilan ko siya.

"Marie, is something wrong? Are you okay? Where were you? Alam mo namang hindi ka magaling kaya kailangan mong magpahinga." Malumanay kong sabi.

Hindi siya tumingin sa akin bago binawi ang braso niya at lumabas. Bigla akong nagalit sa pambabalewala niya sa akin kaya sinundan ko siya.

Nakasakay siya sa kotse niya at mabilis ang pagpapatakbo. Nasanay na rin ako sa paghahabol sa kotse niya kaya nakahabol ako. Mga ilang minuto ay hindi ko na siya makita. Napatigil ako harap ng isang pamilyar na building. Wala sa loob na pumasok ako sa parking lot at nag-ikot-ikot.

Kilala na ako ng guard dito kasi palagi kaming nagpapaalam bago tuluyang umalis sa building noong internship kaya pinayagan niya ako makapasok.

Paikot-ikot lang ako sa malaking parking o parking basement ng building na ito. Kahit itong basement lang ay kakasya na ang lagpas kalahating libong kotse sa lawak.

Napadpad ako sa pinakadulo at pinaka-secluded na part ng parking basement na ito. Dim ang ilaw at naiilawan lang ang pinto ng isang elevator at ang kotse sa harap nito.

Napatigil ako sa tabi at napatitig sa kotseng iyon. Itim at walang kahit anong gasgas at makintab. Inalala ko rin ang plate number nito nang mapagtantong pamilyar ng kotse. Nang mapagtanto ko kung kaninong kotse at plate number yun ay agad akong bumaba at lumapit.

Nag-iisang kotse  iyon doon. Idinikit ko ang noo ko sa tinted window at sinilip kung may tao sa loob pero wala akong makita maliban sa sarili kong repleksyon.

Naiinis na nagtuwid ako ng tayo at napabaling sa elevator. Lumapit ako at nagtaka nang bigla iyong bumukas. Dahan-dahan akong pumasok. Napalingon din ako sa likod kung may nakakita sa aking pumasok dito.

Pagkaharap ko sa pinto ng lift ay napansin kong hindi ito gumagalaw kaya napabaling ako sa dingding ng elevator para pumindot ng button nang makita walang kahit isang pindutan ang nandoon. It was just plain silver I was seeing inside and my bothered face as I started at my reflection.

Makalipas ng ilang segundo ay biglang lumiwanag ang loob ng lift. Napapikit ako pagkatapos ay narinig ko ang pagbukas ng pinto ng elevator.

Tinignan ko kung nasaan na ako pero nasa basement pa rin ako. Nalilitong bumalik ako kasabay ng mabilis na pagsara lift. Nagflash ulit ang maliwanag na ilaw na yun at mamaya ay bumukas ulit ang pinto. Nasa basement pa rin ako.

Tuluyan na akong lumabas, mukhang sira ang elevator na ito.

Bumalik na lang ako sa kotse ko at binuhay ang sasakyan nang bumukas yun at lumabas ang isang matangkad na babae na nakasuot ng all black suit. At tanging kulay na nakaagaw ng atensyon ko ay ang pula niyang maskara sa mukha.

HERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon