14 ✓

33 0 2
                                    

CHAPTER 14

"Mom, ba't ang aga niyo naman akong pinapunta dito. Sabado pa la-" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang may sumingit.

"Why? You didn't miss me?"

Nanlaki ang mata ko nang makilala ko ang boses na 'yun. Napalingon ako at patakbong lumapit sa kaniya. Sinalubong niya ako ng yakap.

"Kuya!" masaya kong bati habang nakayakap sa kaniya.

"Kailan ka umuwi?" tanong ko.

Napalingon ako kina Mom at Lolo. Wala si Dad, may kailangan daw asikasuhin tungkol sa business. Nakangiti lang silang dalawa.

Ginulo niya ang buhok ko. Agad ko namang inalis ang kamay niya at inayos ang buhok ko. Hindi naman kailangan talaga, eh. Hindi naman ako nag-aayos ng buhok, inalis ko lang kasi parati niya akong ginagawang bata.

"Kaninang umaga lang." masayang sabi niya.

Nanliit ang mata ko. "Bakit hindi ka nagpapahinga? Mahaba kaya ang byahe mula England hanggang dito."

"Nakatulog naman ako. At tsaka gusto kong makasama ang little brother ko." Inakbayan niya ako.

Kahit nawala si Kuya Philip ng matagal ay close pa rin kaming dalawa. Nang nasa London pa kasi ako ay kasama ko siya sa mansyon namin doon. Parati siyang wala dahil siya ang umaasikaso ng business namin doon habang ako ay busy naman sa school. At noong high school ako ay doon siya nag-college. Bale 7 years ang tanda niya sa akin.

Maraming pasalubong si Kuya sa akin. Madaming chocolates, my favorite. Madami ring shoes and clothes. Lahat luxury brands. Pero karamihan ay mula lang sa isang brand. Hindi ko gaanong kilala. Hindi ko nga sure kung luxury brand 'ang mga iyon eh.

Pero mukhang familiar ang mga styles at designs ng shirts. Oo. Nakita ko na itong mga ganitong shirt.

"Mula 'yan sa England. Nang umalis ka ay noon lang 'yan sumikat. Maraming naghahabol ng mga ganyan kahit noong nagka-business trip ako sa US, sikat rin 'yan. That's the new luxury trend." Mukhang nabasa niya ang iniisip ko.

Lumapit siya sa akin at bumulong. "Don't tell Mom and Dad, each shirt from that brand cost at least a hundred pound."

Nanlaki ang mata ko at nakatingin sa hawak kong black shirt. Maganda sa katawan ang tela pero masyado naman atang mahal para sa isang shirt.

Plain lang ang style but it looked both classy ang elegant. 'Yung iba ay may mga kaunting prints. 'Yung pants ay gawa sa maong at halatang high quality pa ang tela. It is worth the price naman. Pero...nevermind.

Lumabas kami ni Kuya at namasyal. Naiwan si Mom, sabi niya ay mag-bonding muna kaming magkapatid. Naglibot-libot kami sa mga malls.

"Meron na bang, ano ba 'yung shirts kanina? Anong brand?" tanong ko kay kuya Philip nang napadpad kami sa floor kung saan nandoon ang lahat ng luxurious brands.

Napatingin si kuya sa akin. "'Yung 100 pound priced shirt?" tumango ako. "TWC."

Napakunot ang noo ko. TWC? Parang familiar pero hindi ko maisip kung ano.

Tinignan ko talaga lahat ng shops kahit doon sa pangalawang palapag na meron pang mga luxury brand shops pero wala pa rin.

Sumuko nalang ako. Makakain na lang muna. Gutom na ako.

...

"Garrett, you're here too? What a coincidence." Narinig kong boses ng babae sa likod ko. Napalingon din si kuya.

"Beatrice!" bati ko.

Nakita kong may kasama siya.

"Henry Advincula." formal kong bati.

Napatingin na rin si kuya kay Henry. Hindi naman nagkakalayo ang mga edad nila. Kagaya rin ng mukha, parehong gwapo. Mas nagmumuka lang matanda si Henry dahil sa palagi siyang nakabusangot. Si kuya kasi ay pareho ko ring palangiti pero siya ay may serious face tuwing nasa trabaho.

Napatayo si kuya at nakipagkamay kay Henry. "Nice seeing you here, Henry." casual na bati ni kuya. Bumaling siya sa akin. "This is my brother, Garrett."

Sumulyap siya sa akin at inakbayan ang kapatid at pinakilala rin. "Beatrice, my younger sister." simple niyang pakilala.

Kumaway si Beatrice kay kuya na nahihiya. Masyado talagang mahiyain si Beatrice. Katulad ng una naming nagkakilala.

Napangiti na rin si Henry kahit papano sa pagiging mahiyain niya at ginulo ang buhok ng kapatid. Umalma rin agad si Beatrice at lumayo sa kuya na inaayos ang buhok. He was very fond of her.

Bumaling siya kay kuya. "You're back, Philip."

"Yes, but I'm just here for a vacation." Naupo na si kuya.

Inalok niya sina Beatrice na umupo kasama namin. Hindi naman sila tumangi. Um-order rin sila ng lunch.

"So, how long is your vacation?" simula ni Henry.

"I'll be here for at least a month." masayang sabi ni kuya. Mukhang na-miss niya talaga dito. Masyado na ngang malakas ang British accent niya tulad kay Marie.

Masayang nagkwe-kwentuhan sina kuya at Henry. Mukha silang close. Hindi ko alam kung bakit at paano.

Mukhang si Beatrice na kanina pang nakikinig lang katulad ko ay nako-curious rin.

"Kuya, pa’no kayo nagkakilala?" tanong niya.

Bumaling si Henry sa kaniya. "We meet in a charity event in Manchester. 'Yung time na may gagawin sina Mom, ako ang napag-utusang pumunta." paliwanag niya.

Tumango-tango na lang si Beatrice.

Charity? Kung hindi niya sinabing napag-utusan lang siya ay hindi ako maniniwala. Noong natalo nga siya sa race ay sobrang nagalit siya. Ewan ko kung bakit pero base sa nakita ko ay gusto niyang sa kaniya 'yung fame at gusto niya rin nung prize.

Nagpatuloy na rin sila sa pag-uusap habang kumakain. At nagpatuloy na lang akong kumain.

Kinalabit ako ni Beatrice kaya napalingon ako sa kaniya pero napaatras din agad. Ang lapit niya kasi sa akin at hindi ko nagustuhan.  Mukhang hindi niya naman ‘yun napansin.

"Hindi mo sinabi na may kuya ka rin pala." bulong niya habang tinititigan si kuya.

Nainis ako sa paraan ng pagtingin niya kay kuya kaya hindi ko namalayan ang sinabi ko. "Why would I tell you?"

Natigilan siya, maging ako. Nilingon niya ako na nasaktan sa sinabi ko.

Agad ko namang inayos. "I mean, you didn't ask."

Nginitian ko siya at napatitig siya sa labi ko. Kumuha siya ng tisue. Hindi ko alam ang gagawin niya kaya kunot-noo ko siyang pinanood.

Napaatras ako at muntik ng mapatayo nang inilapit niya ang kamay niyang may hawak ng tisue. Idinampi niya lang iyon pero ewan ko ba at ayaw ko ng gesture niya.

"I'm sorry. May dumi ka kasi sa bibig mo." Umupo siya ng maayos.

Napatingin na rin sa amin ang mga kuya namin.

Umayos din ako ng upo at ako na mismo ang nagpunas ng bibig ko.

"You could have told me." Sinubukan kong pasiglahan ang boses ko.

Kahit papa'no ay kaibigan ko pa rin siya at natural na malapit lang siya sa mga tao. Pero masyado siyang intimate para sa akin.

Oo, nagtapat siya sa akin. Sinabi kong kaibigan lang siya para sa akin. Kinaumagahan naman ay okay na siya, na parang walang nangyari sa amin. Akala ko friends na ulit kami. Pero parang ang close niya naman para sa taong na-friendszone, hindi sa pagmamayabang. Iba lang kasi 'yung reaction niya sa lahat ng babaeng natulad sa kaniya. Siya lang ang naging extra...sweet.

050121

HERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon