30 ✓

28 0 0
                                    

CHAPTER 30

Masakit pa rin ang ulo ko kahit ang dami ko ng nainum na tubig. Ano bang nangyari kagabi? Konti lang naman ang ininum kong alak para magka-hangover ako ng ganito.

Ang naalala ko lang ay nakakita ako ng dalawang Marie. Maybe this is the effect of thinking of Marie very often that everywhere I look at I see her.

Simula nung tinanong ako ni Paul kung ano ang feelings ko kay Marie ay hindi ko na maiwasang hindi siya isipin. Ano nga ba ang nararamdaman ko sa kaniya? Bakit may mga bagay na nangyayari sa akin kapag may ginagawa siyang bago para sa akin? Hindi ko na maintindihan ang sarili ko.

Natulog, kumain at nagkulitan lang kami sa buong byahe pauwi. Bumalik na rin 'yung dalawang driver na hindi ko alam kung nakasama namin sa resort o bumalik lang nang pauwi na kami.

...

Nagsimula na ang second semester. Okay naman, kaya ko pa ang mga lessons kahit mahirap. Ang hindi lang okay ay kunti na lang ang same classes namin ni Marie, specifically 2 classes. That means less time with her.

Ang karamihan ay kasama ko si Beatrice. Kaklase ko rin si Paul sa isang minor subject.

Sa loob ng dalawang linggo sa school ay nakakayanan ko naman. Unti-unti na akong nakakapag-adjust na hindi na si Marie ang parati kong kasama. Pero mahirap pa rin lalo na't nasanay ako sa katahimikan niya at ako ang parating nagsasalita sa amin. Na-miss ko rin ang pangungulit ko tuwing vacant namin. 'Yung paborito niyang sandwich na kinakain lang niya sa library. Ang mas nakakamiss at malaking adjustment sa akin ay ang hindi na pagpunta sa apartment niya tuwing umaga para sa breakfast niya. Mas maaga na kasi ang pasok namin kaya hindi na ako nakakapagluto para sa kaniya, hindi ko rin alam kung puro ordered foods na naman ang breakfast niya. Kahit vacants namin ay hindi kami nag-uusap kahit pareho lang ang major namin. Parang sinadya na hindi kami magkita.

Si Beatrice ay makwento. Hindi siya nauubusan ng sasabihin, kahit may klase. Mabuti nga at nakaka-concentrate pa ako, hindi ko na lang pinakikinggan. Masyado na rin siyang clingy kahit sa text. Kapag hindi ako naka-reply agad ay tatawag siya. Napapaisip ako kung puro paghawak na lang ng phone niya ang ginagawa niya 'pag free siya. Oras-oras kasi ang pag-text niya. Hindi naman sa nakukulitan ako, nakaka-distract lang kasi may mga ginagawaa ko. Hindi naman siya ganito noon, eh.

"Bro, nakakairita na ang kabubuntot niyan sa'yo. Ano ba ang pinakain mo at nagkaganiyan 'yan?" nakasimangot na tanong ni Isaac nang umalis si Beatrice.

"Mas nakakairita pa siya kaysa sa pagbuntot mo noon kay Marie. Ikaw, puro salita lang. Siya, dinaig pa ang girlfriend kung umasta at magtaray sa ibang babae. Siya ba ang ipapalit mo kay Marie?" Si Luther.

"Ganiyan talaga siya. Masyadong clingy at mataray sa mga hindi niya gusto simula highschool pa diba?" pagtatanggol ko naman kay Beatrice. Kahit papano ay kaibigan ko pa rin siya.

"Pero hindi naman siya ganyang kadikit sa'yo eh. Sa lahat ng lalaking nagustuhan niyan ay ikaw lang ang dinikitan ng sobra. Mukhang hindi niya na nga inisip na babae pa rin siya sa inaakto niya. Klinaro mo ba na magkaibigan lang kayo?"

Tumango ako. "Oo. Ang sabi ko nga doon ay date noong nag-dinner kami. Para sa akin friendly date lang 'yun. Hindi ko naman alam na ibang date pala ang pagkakaintindi niya. Umamin siya pagkatapos then sinabi kong pagkakaibigan lang ang maibibigay ko sa kaniya."

Agad naman akong binatukan ni Luther. "Eh, sira ka pala. Dapat hindi mo sinabi 'yun. Karamihan pa naman sa mga bbae ay assuming. Kunting galaw lang ay may malisya na agad, lalo na't sinabi mong date 'yun. Umasa silang pareho kayo ng nararamdaman."

"Pasensya naman. Masyado na kasing open ang mga nakakasalamuha ko doon sa England. Nakalimutan kong nasa Pilipinas na ako."

"Ano bang reaksyon niya 'nun?" tanong ni Isaac.

HERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon