21 ✓

33 0 0
                                    

CHAPTER 21

Dahan-dahan ko siyang kinarga. She'll sleep well in the clinic.

Dala ang dalawa naming bag sa magkabilaan kong braso ay karga ko rin si Marie sa bisig ko. Dumaan ako sa likod ng mga buildings para hindi magka-attract ng attention.

Nakarating rin kami sa clinic ng walang nakakapansin at nakakakita.

Nagulat ang nurse nang makita kami. Sinenyasan ko siyang 'wag maingay. Tinulungan niya ako sa paghiga kay Marie sa isang bed. Babalikan ko na lang sana siya at binilin na sa nurse para bumalik sa klase. Kaso hindi niya binibitawan ang kamay ko.

"Might as well be here, sir. From her looks, she's very exhausted and it may help if you're with her." malumanay at nakangiting suggestion ng nurse.

Napatingin ako sa natutulog na Marie. Bawat pilit kong alisin ang kamay ko ay kumukunot ang noo niya.

Tumango na lang ako. Bumalik na siya sa ginagawa niya kanina pagkatapos ayusin ang kurtina.

Naupo ako sa isang monoblock chair at marahang hinaplos ang kamay niya.

Nararamdaman ko ang ilang kalyu sa palad niya pero malalambot pa rin. Parang inaalagaan pero humahawak ng mabibigat na gawain. Walang kahit anong kaartehan rin ang kuko niya at malinis ang hindi gaanong kahaba o kaikling kuko niya.

Napaglaruan ko tuloy ang mahahaba at maninipis niyang daliri.

Kung hindi siya umiimik pagkasama ko ay masyado siyang touchy o eto, tulog.

Naalala ko tuloy ang sinabi ni Claire. Ano pa kaya ang ginagawa niya maliban sa pag-aaral? Hindi naman siya mukhang mahirap. Her clothes are all braded, her car and she looks sophisticated to be a poor woman.

Hindi ko namalayan na nakatulog na rin ako. Napatingin agad ako kay Marie pagkagising, mukhang mahimbing pa rin siyang natutulog.

Madilim na sa labas at wala ang nurse sa loob. More than 6 hours na ang tulog niya.

"A phone kept ringing earlier. Maybe it's important." sabi ng nurse pagkabalik niya.

Hinanap ko agad ang phone ko. Wala namang tumawag, mga ilang text lang mula kina Luther. 'Yung kay Marie ang isinunod ko.

Wala sa bag niya ang phone niya. Kaya sinubukan kong kapain sa bulsa niya. At nandoon nga.

"I couldn't quite imagine you taking advantage of girls who are unconscious."

Napatingin agad ako sa kaniya. Gising na siya at mukhang okay na. Mas naging fresh ang face niya kahit bagong gising.

"Sabi ng nurse may tumatawag daw sa phone mo." sabi ko na lang. Sanay na ako sa mga pang-aakusa niya na hindi naman totoo. Lihim nalang akong napalabi.

"Yes... Still here... Alright." Rinig kong kausap niya sa phone bago tumayo. Inayos ko agad ang palda niya.

Hindi man lang inayos bago kunin 'yung bag niya.

Nagpaalam ako sa nurse at sinundan siya. "Sino 'yun? Emergency ba?"

"Nope. They just got worried when I didn't answer the first call or just declined the call." explain niya.

Napatango-tango na lang ako.

Madilim na pero may mga estudyante pa. Kahit students sa night classes ay napapatingin sa akin. Siguro nakita na nila 'yung pic. Kahit si Marie ay pinagmamasdan nila. Si Marie naman ay lakad lang ng lakad na parang walang kakaiba sa paligid niya. She's indifferent sometimes, no, most of the time.

HERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon