Author's Note

32 0 0
                                    

Hi! Heheh natapos ko rin ☺️. Natapos ko ng walang masyadong nagbabasa o comment. Nagpapasalamat din ako sa ilang nagvote, 16 votes itong librong ito nang matapos ko. Grateful naman akong na kahit papano ay pinagkaabalahan nilang sulyapan ang libro ko heheh.

Sa totoo lang hindi ko alam kung may sense ba ang pinagsususulat ko dito. Ang ibang concept nga ay hindi ko pa masyadong alam kung pano nangyayari ay inilagay ko dito. Tulad ng internship at yung college kaechosan. Senior high school student pa lang po ako kaya pasensya ma kung masyadong mabisyosa yung mga events sa mga naunang chaps ng story. May mga loopholes din, madami heheh. At yung mga bed scene po ay hindi ko sure kung tama or kung angkop ang pagkakasulat ko. Nakabase lang po yun sa mga nabasa kong libro dito sa Wattpad at ilang imagination na rin heheh.

At yung nagsimula sa englishero si bidang lalaki ay sinubukan ko sanang itranslate mula sa Filipino ang kaso ay hanggang 40 chaps na nun ang nasusulat ko at matatagalan pa ako kung itrtranslate ko pa kaya ganun heheh. Ang totoo ay pang-ilan ko ng version ito ng story. lagpas na 5 bago ko naisipan na ipublish dito sa Wattpad. Hindi man perpekto para sa akin ay ito ang kinayanan ng improvong skills ko heheh kaya salamat kung nakaabot ka dito sa note ko.

Sa mga makakabasa nito ngayong 2021 ay comment kayo para malaman ko na nakaabot kayo dito sa note ko at sa surprise heheh. May part 2 po ang HER! Ay, hindi ba kayo nasurprise? Sensya na at halata naman siguro na maraming hindi masagut heheh. Pinapahaba lang ni author ang story 😉 hehhe.

By the way, karamihan ng chaps ay sinulat ko sa phone, ay almost lahat pala ng chapter ay sinulat ko gamit ang phone kaya madaming typo at error sa grammar. Mahina pa po ang writing skills ko at improving pa kaya sana napatyagaan niyo 😅. At katulad ngayon, gabi po hanggang madaling araw ako kung magsulat kaya medyo may pagkabangag ang pagkakasulat heheh. Sa umaga ako naguud kasi hindi ko hawak ang wifi dito sa bahay.

Yung lang naman siguro ang gusto kong sabihin. Pero kung meron pa, sa susunod ko lang lang isisingit. Sana ay nagustuhan niyo kahit papano ang pinakaunang tapos kong book sa Wattpad ☺️ Keep safe!

× March 8, 2021 - Dora ×

HERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon