33

33 0 0
                                    

CHAPTER 33!

Firing range?

Indoor firing range.

Nasa baba pa kami ng basement parking lot. Kaya naman pala may ilang elevator buttons pa mula doon sa parking lot na pinagparkan namin.

Ang mga nakakabinging putok ng baril ang sumalubong sa amin. May nakita rin akong mga target pero papel lang, nasa bull's eye or malapit doon ang tama nila sa target. Karamihan ng taong nandoon ay ganun ang mga butas sa target. Ibig-sabihin, magagaling ang mga tao rito.

"Marie, pa'no mo nahanap ang lugar na 'to?" tanong ko.

Sumulyap siya sa akin. "From my friend."

Sa dulo at kaunting tao lang kami tumigil. Doon ay may headphones, goggles, baril, at magazines. Isinuot ni Marie 'yung goggles at headphones at pinagsuot niya rin ako.

"Pick up and hold the gun. Point it to the target." utos niya.

Agad ko naman siyang sinunod. Katulad kanina ay malamig sa kamay ang baril. Mabigat din ito. Ginaya ko ang paraan ng paghawak niya kanina ng baril at tinutok sa unahan, sa target.

Nakahawak ang kanang kamay sa baril at 'yung kaliwa ay suporta. Relax lang na nakainat ang kanang braso ko.

Lumapit sa akin si Marie. Pumwesto siya sa likod ko. Napatuwid ang katawan ko nang maramdaman ko ang kamay niya sa likod ko. Mismong loob ng damit.

"Foot forward." sabi niya. Pinaunahan ko naman ang isa kong paa.

"Shoot." bulong niya sa tenga ko. Sinunod ko ang utos niya. At dahil sa hawak at pagbulong niya sa akin ay wala akong tinamaan.

"Again." Naglakbay 'yung mga kamay niya sa bewang ko hanggang sa tiyan at dibdib.

"Marie." saway ko sa kaniya.

"Again." matigas niyang sabi at nagpatuloy lang sa ginagawa. Tumatas na nga 'yung damit ko sa pinaggagagawa niya.

Pinabayan ko na lang siya at nagpaputok ulit. Tulad kanina ay ganun pa rin, wala akong tinamaan.

Nagulat na lang ako ng kabigin niya ako at siniil ng halik. Sa gulat ko ay mabuti na lang at hindi ko nabitawan o nakalabit 'yung gatilyo. Mapusok ang halik niya at hindi ko na rin mapigilan hindi siya tugunan. Nabitin kasi ako kanina.

Hindi ko na napansin ang pagkawala ng baril sa kamay ko. Nasa batok ni Marie ang isang kamay ko at 'yung isa ay hinahaplos ng marahan ang katawan niya. Wala na akong pakealam kung may makakita sa amin. Hindi ko na mapigila ang sarili ko.

Hinabol ko ang labi ni Marie nang lumayo siya. Ngayon ko lang napansin na hawak niya na pala 'yung baril.

"Look."

Tinignan ko ang tinututukan ng baril na hawak niya. May isang butas ang target pero malaki para sa isang bala lang. Ibig-sabihin ay mga dalawa o mahigit pa ang balang dumaan doon.

Gulat at bilib ko siyang nilingon. "Ikaw may gawa niyan?"

Kanina lang ay naghahalikan lang kami pero nakapagpaputok na pala siya, at bull's eye pa.

Nakangisi siyang bumaling doon sa target. "I can really manage distraction." Mahina niyang sabi kaya hindi ko narinig.

Bumaling siya sa akin na nakangisi pa rin. "Yes. I want you to learn with distraction. Again." Ibinigay niya ang baril sa akin at nagpatuloy sa paglakbay ng mga kamay niya sa katawan ko.

Kahit papa'no ay nakakasanayan ko na ang mga haplos niya kahit nag-iinit na ako. May tatlo na akong tama sa sampu kong pagpapaputok.

"Both eyes open. Point at the target. Exhale calmly then shoot."

HERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon