4 ✓

54 2 0
                                    

CHAPTER 4

"Labas tayo?" yaya ni Jane. "Habang hindi pa tayo busing lahat."

Nakatambay lang kami dito sa bench sa tabi ng field at ng malaking puno. Uwian na kaya maraming estudyanteng nakatambay rin.

"I like that. Saan tayo?" sang-ayon ni Laura.

Nagtaas ng kamay si Luther habang nakangisi. "I know a place."

Lahat kami napatingin sa kaniya. Napasimangot kaming dalawa ni Isaac.

"If it's your bar thingy, we're out." sabi ko agad.

Lumawak ang ngisi niya sa akin. "You'll enjoy this for sure."

...

"Is this what you f-cking call enjoy?" biglang sabi ni Marie habang pinagmamasdan ang nasa harap namin.

Lahat kami nagulat. Namutla agad si Luther sa reaksyon ni Marie.

Natahimik kami. Kahit hindi galit ang pagkasabi niya nakakatakot pa rin.

We’re in a park. 'Yun ang sinabi ni Luther na masaya. Okay lang naman sa amin yung park pero ewan ko kung bakit ganun ang reaksyon ni Marie.

Kahit hindi kami close ay naging feeling close na lang ako. Nilapitan ko siya at nginitian.

"Why? You can hear children's laughter so it's are enjoying here." I tried to explain.

Napabuntong-hininga naman si Luther pero tahimik pa rin sila.

"Here." Pinaupo ko siya. Nang hahawakan ko sya, agad siyang lumayo pero naupo rin. "Why don't you sit and observe first?"

Tinabihan ko siya sa bench. Pinabayaan na kami ng mga kaibigan namin at naglaro sa playground malapit lang dito.

Nakamasid lang siya sa mga tao sa harap namin habang ako ay nakatitig lang sa kaniya.

She seems new to this kind of environment. The look on her face says it all. A creased forehead and how she scans the place. I’m sure that she’s new to this. It’s like she has never seen this kind of place.

Nakatulala sa siya isang pamilya. Nakatitig lang tulad ng pagtitig niya sa akin. Pero may kakaiba sa titig niya.

Pinagmasdan ko siyang mabuti. Was that sadness and longing? Agad rin ding bumalik sa blangko ang titig niya.

And from that moment, alam kong may malalim na dahilan kung bakit siya ganiyan.

...

"Itaas mo naman ako. Parati ka na lang nasa taas ah?!" nakasimangot na sigaw ni Isaac kay Jane.

Natawa kami ng subukan niyang umangat. Pero hindi rin nagtagal sa taas dahil mas mabigat siya kaysa Jane.

They’re playing in the seesaw, with Paul and Laura on the seesaw beside it. While Luther’s playing alone on the swing.

"Tignan natin kung makakatawa ka pa." ngumisi si Isaac kay Jane.

Biglang umangat si Isaac at umupo bigla gamit yung mabigat niyang katawan. Napasigaw si Jane sa gulat. Natawa pa siya nang tumalbog si Jane mula sa kinauupuan niya.

Inulit-ulit niya pa yun. Natawa na lang kami sa reaksiyon nila. Wala talagang umawat at tinawanan lang namin.

"Ibaba ko ako!" paulit-ulit na sigaw ni Jane. Namumula na siya sa kasisisgaw pero at the same time maputla dahil sa takot.

"Nope. Ginusto mo yan!" Tumatawang sagot ni Isaac.

Napailing na lang kami sa kanila. Lalo na kay Isaac. Ngayon na lang siya ulit naging maingat at makulit, mukhang susunod na sa yapak ni Luther. But, I'm happy na hindi na niya pinipigilan ang sarili.

HERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon