17 ✓

28 0 0
                                    

CHAPTER 17

"Okay. Here are your endorsers!" sigaw ng isang employee.

Nasa company cafeteria kami. Nagkasiya ang lahat, hindi ko alam kung pa'no. Basta nagkasya...lahat ng interns.

Actually, kaunti lang1 regular employees na nandito, 'yung mga gusto lang manuod. Pero lahat ng interns ay nandito.

"For the female model..." pabitin pa. Inilibot niya ang paningin niya na parang naghaganap. At dahil may itsura rin 'yung nagsasalita ay napapatili ang mga natititigan niya kasabay ng antipasyon.

"Beatrice Advincula!"

Gulat si Beatrice sa tabi ko. Nagsipag-tilian ang mga katabi niya maging ang iba rin. Pero lahat ng interns na lalaki ay gusto ang nakikita. 'Yung ibang babae ay mukhang nanghihinayan dahil hindi sila napili.

"Congrats." bati ko sa kaniya.

Napalingon siya sa akin. Sobrang saya ng mukha niya kaya napangiti ako. Nagulat na lang ako nang yakapin niya ako. Agad kong tinapik ang likod niya para humiwalay na. Biglang nailang ako, na parang may ginagawa akong kasalanan.

Lumapit siya sa employee at tumabi. Kasunod nun ay ipapakilala ang male model.

Katulad ng ginawa nung employee sa pag-announce sa female model, may palibot-tingin effect rin siya.

"Louis Garrett Walter!"

Lahat ng babae ay napasigaw, lahat ng interns at ibang employees.

Sporty naman ang mga lalaki at kinungratulate ako ng iba.

Lumapit na rin ako kina Beatrice at nagpakilala kaming dalawa. Natapos na rin agad kasi sinusubukang mapaaga ang launch para hindi sabay sa iba.

Madalas akong napapatingin sa phone ko araw-araw. May time pa nga na medyo late ako sa office dahil sa nakalimutan ko... Nakalimutan kong nasa malayo pala si Marie.

Ilang araw rin akong nanibago mula sa araw-araw na paghatid ng breakfast kay Marie. 'Yung nalate ako ay noong unang beses, katok ako ng katok sa flat niya hanggang sa maalala kong wala pala roon si Marie.

Madalas ko ng kasama si Beatrice dahil may mga time na kailangan kaming dalawa para sa mga shots sa endorsement. Bumalik na rin kami sa dating pagkakaibigan namin.

"Here, I bought this for you." Nakangiting binigay ni Beatrice ang isang cup sa akin.

Nakangiti ko rin 'yung tinanggap. "Thanks."

Bumalik nq siya sa desk niya at sumipsip sa hawak niyang cup of coffee.

Yes, coffee. Kapag bumababa siya sa cafeteria para bumili ng coffee, kasi hindi sa kaniya uso ang magtimpla, ay naiisipan daw niya kong bilhan. Tinatanggap ko na lang kasi mukhang ang saya-saya niya noong unang pagbigay niya, maging sa mga sumunod. Ayaw ko namang malungkot siya at mapahiya. Kaibigan na lang nga ang maibibigay ko sa kaniya, at ito na lang na kape ang makakaya kong tanggapin mula sa kaniya.

Karamihan ng coffee na bininbili niya ay hindi ko naman nauubos kasi hindi ko gusto ang lasa. Mapait kahit maraming gatas o asukal.

"Here. Magpunas ka. Pawisan ka na." nag-aalala niyang sabi.

May hawak siyang towel. Kukunin ko na sana kaso siya na mismo ang nagpunas. Nagpilit na lang ako ng ngiti.

Nag-sho-shoot kami ngayon para sa billboard photos. Nakakapagod nga kasi madalas magpalit ng damit at hindi naman ako sanay sa mga poses kaya nahirapan din ako. Mabuti na lang at tinutulungan din ako ni Beatrice. Mukhag sanay na sanay siya sa mga poses.

HERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon