42

26 0 0
                                    

CHAPTER 42

"How's your relationship going?" tanong ni kuya nang umuwi sila para sa wedding nila.

Napagdesisyonan nilang dito ikasal. Church wedding at si Lolo ang bahala sa lahat ng gastos. Malapit na nga ang kasal nila. It's only 2 weeks left before they get married. Sa loob ng tatlong buwan ay pinag-leave ni Lolo si kuya para asikasuhin ang kasal nila. Si Lolo at ako ang nag-handle ng naiwan ni kuya. Pero mostly si Lolo lang kasi kailangan pang lumipad papuntang UK kasi doon ang hina-handle ni kuya. At ako ay 'yung mga tira-tirang business deals niya dito sa Pilipinas. Katulong ko naman si Marie.

Si Marie ang tumutulong sa akin kung kailangan kong humarap sa mga dealings. Siya ang nagturo at nag-mentor kung anong dapat kong gawin at sabihin. And successfully, I closed those deals.

Magkasama kami ngayon ni kuya sa loob ng school, sa cafeteria. Siya ang dumalaw sa akin kasi nagka-time siya. Pareho kaming napuno ang schedule simula noong January.

"It's fine, great even." nakangiti kong sagot.

Hindi ko mapigilang hindi napangiti ng malapad. Sa dalawang buwan na 'yun ay masasabi kong mas naging malalim ang samahan namin. Mas nakilala ko rin siya. At sa loob ng dalawang buwan na magkasama kami sa apartment niya, sabay maligo at matulog, ay hindi pa 'yun nangyayari. Oo, lumalagpas kami sa halik pero pinipigilan kong umabot kami doon. Kahit hindi sabihin ni Marie ay alam kong hindi pa siya handa at tanggap ko 'yun. Kaya kong maghintay kahit kailan pa 'yan.

"But as what I can see, it's more than great. Tell me, you already did it with her? I can't believe it. Ikaw na!" panunukso niya.

"Hindi pa! At kung makasabi ka kuya, parang hindi niyo pa nagawa 'yun. Kilala kita kuya. Sigurado akong hindi ka lang nakaisa, nakarami ka pa!"

Natawa siya sa akin at bumulong. "'Wag kang maingay kay Lolo. Sigurado rin akong maghahanap na 'yun."

Natawa kaming pareho. Ma-mi-miss ko rin si kuya kapag nag-asawa na siya. Sana hindi siya magkaanak ng marami kahit gusto ko ng maraming pamangkin. Baka hindi niya na ako pansinin o mabaling lahat ng oras niya sa mga anak niya at balewalain na lang ako.

"Come on, bro. Hindi ako mamatay. Magpapakasal lang ako. And if you're think I'll forget about you? I won't, ever. Okay? So cheer up. Bawal ang malungkot na bestman sa kasal namin. Magagalit sa'yo si Lolo. At masasapak kita, tignan mo lang."

Mahina akong napatawa sa sinabi niya.

"Hi, Garrett. Nice seeing you here, kuya Philip." Biglang naupo si Beatrice sa table namin dito sa labas ng cafeteria. Gulat kaming napatingin sa kaniya.

"Oh, hi, Beatrice." bati ni kuya. Nginitian ko na lang siya.

Sa nakaraan ding tatlong buwan ay unti-unting nawala ang amor ko sa kaniya. Habang tumatagal ay hindi ko na nae-enjoy kasama siya. Sa text, blinock ko na dahil kada-oras ay magt-text siya o tawag, masyado nang clingy. Kahit si Mom o si Marie ay hindi naging ganun sa akin. Sana nga si Marie maging ganun pero hindi nangyayari. Siya lang ang kaibigan kong clingy na sabi nga nina Luther ay umaastang 'girlfriend' ko.

"I heard about your wedding. Congrats. I hope I can attend your wedding. I would love to see it with my brother." nakangiti niyang sabi kay kuya.

Napatitig ako sa kaniya. Hindi na siya nahiya tungkol doon. Exclusive ang invitations sa wedding nila dahil gusto ni Lolo at mukhang isa sila sa hindi nabigyan.

Ngumiti ng malungkot si kuya. "I'm sorry but I don't have a say about the invitations and and the invited."

"How about the reception?" Hindi pa talaga siya titigil?

HERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon