[23]

70 6 9
                                    

[23]

"F-fuck..." napamura nalang ako at napahawak sa noo. Kahit hindi ko pa nararanasan, alam ko kung gano kasakit yun, yung bumalik ka para sa kanya pero wala ka ng babalikan.

Tumayo siya at naghubad ng damit. Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang mga pilat sa kanyang katawan. Matindi ang pagkakabaon ng bawat pilat. Umikot pa siya at nakita ko din na mayroon din siyang pilat sa likod.

 "I got these scars from him. From Vitres." sabi niya. Napakunot ang noo ko lalo at napakamot ng ulo.

"Papanong---"

"Alam kong nagtataka ka dahil Phoenix ta'yo, pero mawawala ang kapangyarihan mong iyon dahil sa Abyssal Blade. Kakainin lahat ng Abyssal Blade ang kapangyarihan mo at mapupunta dito, kaya nga hindi naghihilom at bumabalik sa dati ang mga sugat ko." well kaya pala. Ngayon naiintindihan ko na.

"You'll get demonic powers, pero pwede mong ikamatay." sabi ko. Tumango naman siya, sugal pala ang pagkakuha ko ng Abyssal Blade, pero hindi ko din naman pinagsisisihan dahil dito ay lalo akong lumakas.

"But you can learn some new inner powers." agad akong napatingin sa kanya.

"How?"

"Sa pupuntahan natin ngayon, sa Space of Pilgrimage." sabi niya. Sa pupuntahan namin ngayon... that's great-- wait what?

"Ngayon? Kala ko ba break ko?" tanong ko. Hindi din biro yung training na ginawa ko, ngayon ko palang nararamdaman ang pagsakit ng mga katawan ko.

"You want to see her right?" sabi niya. Hindi ako nagdalawang isip na tumango.

"Then tara na, binibigyan na kita ng mabilis na paraan para makasama mo na siya." sabi niya. Agad akong tumayo at pinagpagan ang damit ko. Yung mangiyak ngiyak na mukha niya kanina ay napunta sa seryoso. I'll endure this fucking pain, I must! Para makita ko na agad siya.

*CHILILILING CHILILING CHILILILING* Soundfx

[ 3 years ]

Ramdam ko ang matinding pagkagulat ng mga kagrupo ko ng makita nila ako. Lahat sila napatigil ng binuksan ko ang pintuan ng opisina ni Boss, alam kong pambabastos yun pero kailangan ko din naman ng maangas na pagpasok.

Nakita kong nagyelo ang kanang kamay ni Drake at naglakad papunta sakin. Hindi yata ako nakilala ng mokong na'to.

Agad kong nailagan ang suntok niya, hinawakan ko siya sa ulo at binagsak sa lapag. Nakita kong nanlaki ang mga mata nila, nakita ko namang bumunot si Sachzna ng kanyang crossbow. Kung hindi ako nagkakamali ito yung Daedelus na kinuha niya nung nasa Adeptus kami. Naglakad ako papalapit sa kanya, napansin ko namang umaatras siya habang papalapit ako ng papalapit sa kanya.

"Don't you dare take another step." sabi niya sakin. Ang tapang naman ni Sachzna, I can't imagine I bang a girl like her before. Oops, loyal nga pala ako.

Hindi na ako humakbang, nakita ko naman na tumayo si Boss at lumapit sa akin.

"M-max?" nauutal na sabi niya. Napangiti ako at tumango, halata ko ang pagkagulat sa mga mukha nila, mas nagulat pa sila kesa doon sa pagdating ko kanina. Binitawan ni Sachzna yung hawak niyang crossbow, tinulak niya si Boss at niyakap ako ng mahigpit. Nakita ko si Boss na napakamot ng ulo, napatawa naman ako. I missed them, kahit may hindi pagkaka intindihan  na nangyari samin ni Boss bago ako nag-training, alam kong okay na kaming dalawa ngayon.

"It's been a long time, Max." sabi ni Boss. Kinamayan niya ako at tinapik sa likod. Medyo naluha ako sa nangyayari ngayon, buti naman at wala ng tampo si Boss sakin. Tumayo si Seth at Evan at pumunta sa akin.

"Pre I missed you...." sabi ni Seth na medyo naluluha ang mata.

"Oo nga pre, namiss ka naming magkapatid. Huhuhuhuhu" nakita kong humagulgol si Evan. Natawa naman lahat ng nasa loob.

"Joke lang pre! Long time no see!" sabi ni Evan saka kinamayan ako.

"Oo nga pre, mukhang lalo kang lumakas ah." sabi ni Seth na tinapik ako sa likod.

"Hindi naman masyado..." sabi ko. Lumapit sakin Lucy at niyakap ako.

"Lalo kang pumogi ah..." sabi niya sakin. Ngumisi lang ako. Sumunod naman si Lacey na umapir lang sakin.

"Hindi makayakap! Andiyan kasi si Baby Drake niya!" sabi ni Sachzna. Sinamaan lang siya ng tingin ni Lacey at napatawa lahat ng tao sa loob pati nadin si Boss. Oo nga pala si Drake.

Pag tingin ko sa likod ko ay nakita ko siya. 

"Sorry dude!" sabi ko. Nilubog ko pa kanina sa lapag, ang dumi tuloy ng suot kagagawan ko.

"It's okay, long time no see." sabi niya tapos kinamayan ako. 

"Can you guys leave us for a moment? I need to tell Max something..." sabi ni Boss. Lahat kami ay napatingin sa kanya. Yumuko sila saka lumabas ng opisina. 

Umupo si Boss sa favorite niyang upuan. 

"Maupo ka, Max." sabi niya. Agad akong umupo. 

"Welcome back! Anong pakiramdam ng muli mong pagkabalik?" tanong ni Boss. Ano nga ba? Masaya ako pero may kulang, yung nararamdaman ko parang puzzle na may kulang na isang piraso. At ang kulang nayun ay si Jessy. Hindi ko pa siya nakikita dahil dito ako dumeretso.

"Goo---" naputol ang sasabihin ko dahil nagsalita siya agad.

"Well stop lying. I know you, parang anak na kita. Alam kong medyo galit ka pa sakin dahil sa pinagawa ko sa'yo." sabi ni Boss na napasuklay ng kanyang buhok.

"I'm sorry... I was wrong... dapat hindi ko na ginawa yun. Dapat hindi na kita pinalayo sa kanya." sabi ni Boss. Napayuko nalang ako. May nagbabadyang tumulong luha sa mga mata ko pero pinipigilan ko 'to. Lagi nalang, tuwing si Jessy ang napaguusapan masyado padin akong emosyonal.

"When you left her, kakaiba ang pinagbago niya. Naging seryoso siyang tao, bihira ko na siyang makausap, bihira na siyang ngumiti at lagi na siyang busy sa lahat." sabi ni Boss. Humugot ito ng malalim na hinga saka tumayo.

"Can you guide her again?" sabi ni Boss. Nanlaki ang dalawa kong mata at napatingin sa kanya.

"Can you protect her again like you protect her before? Can you make her happy like you did before? Can you love her again the way you loved her before?" nakatingin si Boss sa malayo habang sinasabi niya sa akin ang mga 'yon.

"No." sabi ko. Napatingin sakin si Boss at napangiti. Alam ko na sa ngiting 'yon ay nalulungkot siya.

"Salamat.... sino ba naman ang kayang gawin ulit 'yun kung ako mismo ang may gawa kaya mo tinigil yun. Pasensya na, Max." sabi ni Boss na napayuko bigla. Tumayo ako at hinawakan ang balikat niya.

"I won't protect her like I did before, I'll protect her even if it costs me my life. I won't make her happy, I'll make her very happy. And..." I paused a bit. Halatang nagulat si Boss sa mga sinasabi ko.

"I will not love her like I did before, I'll love her even better, I will give her all the love I saved all for her when I was on training." sabi ko kay Boss. Ngumiti ito sa akin at pasimpleng binatukan ako.

"Ganyan din ako ka-corny nung kabataan ko." sabi ni Boss. Natawa naman ako. Tumingin ito sa akin at humalukipkip.

"What are you waiting for? Go ahead!" sabi ni Boss.

"May itatanong sana ako Boss eh.." sabi ko. Tinaas naman niya ang kanyang kilay.

"Pwede naba kitang tawaging Lolo?" 

------

YO! SORRRRRRYYYYYYY ANG TAGAL NUNG UPDATE! PASENSYA NA TALAGA! SIGE, SANA MAGUSTUHAN NYO! LOVE YOU ALL! HAPPY 1.9k STEALTHIANS! ~

StealthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon