[24]

76 6 3
                                    

Jessy's POV

So they say that time
Takes away the pain
But I’m still the same
And they say that I
Will find another you
That can’t be true ♪

"What's with the music, Agnes?" napaupo ako mula sa pagkakahiga ko. Umagang umaga palang, ito na agad yung kantang naririnig ko.

"Why? Wala namang masama ah? Naalala mo siguro si M---" hindi ko na pinatuloy ang sasabihin niya dahil tinakpan ko ang bibig niya. By the way she's Agnes, number 05. Simula ng umalis siya ay si Agnes na ang nakasama ko. Nung una ayaw ko pa sa kanya, ayaw ko talaga as in pinakita ko sa kanya yung ibang ugali ko. Pero nung tumagal, okay nadin, mabait siya at wala akong masabi sa kanya kung hindi magaling siya mag-comfort.

Tinanggal niya ang kamay kong nakatakip sa bibig niya. Nakita ko namang humabol siya ng hininga, hindi ko maiwasang matawa kasi hello kitty yung panty niyang suot.

"Anong nakakatawa?!" tanong niya. Natatawa kong tinuro yung panty niya, napailing nalang siya sa akin at binato ako ng unan.

Napatigil kami ng nag-ring ang telepono sa may gawing kanan ko. Huminga muna siya ng malalim bago tumayo at tinanggap ang tawag.

"Hello?....... Anong maganda sa umaga kung inistorbo mo ang tulog ko?.......... Tulog pa siya, hindi siya pwede....... I don't care kahit Brazilian model payan!" sabi niya tapos binaba niya na yung telepono. Napailing nalang ako, kung gano kabait sakin si Agnes ay ganun din siya kataray sa ibang tao. Siya din pala ang Manager ko, and yes tama ka'yo model ako.

"Ayoko, wala ako sa mood." sabi ko. Sunod sunod kasi ang mga projects at mga Magazine Corporations na kumukuha sakin, kahit papano tao din naman ako at napapagod.

Mula sa ibaba ay nakarinig ako ng basag na plato. Napatingin din sa akin si Agnes. Dali dali siyang nag-suot ng short niya. Sinenyasan niya akong wag sumunod sa kanya kaya tumango nalang ako. Mukhang napapadalas na ang mga Assassins na pinapadala ng Synergy. 

Pumunta ako sa isang gilid at umupo. Tinitigan ko ang singsing na suot suot ko. Singsing na suot ko pagkagising ko matapos ang araw nayun. Sabi ni Jessy maswerte daw ako dahil hindi ordinaryong singsing ito, Ring of Protection daw, tinanong ko din kay Lolo at hindi din siya makapaniwala. 

"WAAAAAAAAAAAAAAAAA" rinig na rinig ko ang pagtili ni Agnes. Napatindig lahat ng balahibo ko at nanlaki ang mata. Hindi kaya malakas ang pinadala nila ngayon at napatay si Agnes? Hindi makakaya ng konsensya ko pag nangyari yun.

Tumayo na ako at lumabas, ako lang naman ang kailangan nila, hindi nila kailangan manakit ng iba. Patakbo akong bumaba sa hagdan at pumunta sa kusina kung saan narinig ko ang tili ni Agnes.

Nanigas ako ng parang bato, hindi na ako makahakbang matapos ng makita ko.

--

Max's POV

"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA" napatakip ako ng tenga sa tili ni Agnes. Patakbo siyang tumalon saka yumakap sakin. Ang tagal din, ang tagal din naming hindi nagkita. Nginitian ko si Yaya Plats, hindi padin siya makagalaw simula ng makita ako. Hobby niya parin pala ang paghuhugas ng plato. Nahulog pa nga ang isang pinggan ng makita niya ako.

Nakadinig ako ng yabag ng mga paa, biglang kumabog ng malakas ang puso ko. Nabingi ako sa sobrang lakas ng kabog at tanging yabag lang ng paang yun ang naririnig ko. Hanggang sa tumambad siya sa amin. 

"Go dude!" sabi ni Tipsy. Sa wakas! Nakita ko din ang dahilan kung bakit ako nagpalakas ng husto.

Tinignan niya ako gamit ang blankong tingin niya. Nararamdaman kong papaiyak siya pero nagpipigil siya. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Kumawala ako sa pagkakayakap sakin ni Agnes. Naglakad ako papalapit sa kanya. Yung ngiti ko yata hanggang batok na, pero ginantihan niya lang ako ng blankong tingin. Pero okay lang, dahil nakita ko na siya, hindi ko na siya papakawalan pang muli. Tumingin siya sa likod ko at tinignan si Agnes. Ang daming pangyayari na kailangan kong malaman pero bago yun, yayakapin ko muna si Jess----

"Agnes? Kilala mo 'to?" para akong binagsakan ng Eiffel Tower na limang beses ang laki. 

"Ahh--ehhhh... si Max 'yan ah! Yung love na love mo---" hindi na nakatapos ng pagsasalita si Agnes dahil agad natawa si Jessy.

"Oooh, Max! I remember the name, but I don't remember the feelings anymore. Anyway, magbibihis na ako, kaw din Agnes may photoshoot pa ako ngayon." sabi niya saka ako tinalikuran. Napabitaw ako ng bag ko, nakalimutan ko, ako din pala ang may gawa kung bakit siya naging ganyan.

"Jessy--- Ugh! Dyan ka lang Max, mamaya na ta'yo mag-usap." sabi ni Agnes saka pahabol na sinundan si Jessy. 

Napatawa nalang ako sa nangyari, she still have that snobby manner.

"Simula palang 'to." mapailing iling na sabi ko. Mukhang mahaba habang suyuan ang mangyayari.

"Oo nga simula palang 'yan, kumain ka na at lalamig yan." napatingin ako kay Yaya Plats na naghuhugas. May nakahanda nadin sa lamesa, wow ang astig.

Naghugas ako ng kamay at umupo nadin. Napatingin ako kay Yaya Plats na panay padin ang paghugas ng plato, ang tagal ko ng kilala si Yaya pero hindi ko padin alam ang pangalan niya.

"Ate, ano po palang pangalan nyo?" tanong ko. Tumigil siya sa paghuhugas at tumingin sa akin.

"Saguh Otalp, hijo." sabi ni Yaya. So, Saguh pala ang pangalan niya. Nalaman ko din sawakas hindi na Yaya Plats ang itatawag ko sa kanya.

"Ah ganun po ba, sige po salamat. Napakasarap po ng luto niyo Ate Saguh." sabi ko sa kanya. Nginitian lang niya ako.

Tahimik kong tinignan ang pagkain ko. Simula palang 'to, I'm sure maraming gagawin sakin yan si Jessy. Pero okay lang, lahat yun kakayanin ko para sa kanya. 

--------

Yo! Short lang 'to pasensya na, gwapo lang. Haha dejoke! Ingat kayong lahat! Exams na, medyo made-delay 'to, maagang paghingi ng tawad hahaha ge ingat. ☺

StealthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon