[17]

Jessy's POV

I woke up in a familiar room. Kwarto ko sa Mansion. Uupo sana ako pero napahiga ulit ako, hindi ko alam ang sakit sakit ng katawan ko lalo na ang pang ibabang bahagi ko. Napa-ngiti ako bigla ng maalala ko ang nangyari kagabi, siya siguro ang naghatid sakin.

I wasn't drunk yesterday, lahat yun alam ko at ako mismo ang may gawa kung bakit nangyari yun. And totoo din yung feelings ko sa kanya. I don't like him, I love him.

Napatingin ako sa kanan ko at may sobreng puti na nandoon, mamaya ko na pupuntahan si Max, nasa pool lang 'yun I'm sure.

I'm glad that he's my first time, unlike sa mga kwento ng barkada ko about their sex life, I think mine was better even though it's my first. He's so gentle, he always give me the pleasure I want, hindi niya iniisip na siya lang, pati din ako pinasaya niya.

Binuksan ko yung sobre at may nakita akong isang picture, picture ni Max na halik halik ako sa noo habang natutulog ako. Hindi ko maiwasang mapa-ngiti, ako ng bahala kay Lolo, basta maging ayos lang kami ni Max. Bukod doon sa picture ay mga papel na naka-tupi. Nakuha nito ang atensiyon ko at binuksan ko ito.

Kahit masakit ang katawan ko ay napa-upo ako ng makita kong sulat ito para sa akin.

Jessy,

I'm sorry that I lied. Not on my feelings but on not telling the truth. I love you, I really love you. You don't know how much I love you, but...

Your Grandfather assigned me on a deadly mission. I invited you on a date because I want myself to be happy, and you're my happiness, Jessy.

I'm not sure if I'm coming back alive. Malalakas na ang kalaban namin at hindi ako makakapag concentrate pag kasama kita lalong lalo na't minahal na kita.

Sandali lang kitang nakasama, pero minahal na kita agad. 

I paused a bit... I didn't notice my tears are falling... I was smiling like an idiot while I'm crying, oh the irony. I'm glad that he also love me.

Kung buhay kong matatapos 'tong mission na'to, babalikan kita at sana wala pang ibang nakakapagpatibok ng puso mo kung sakaling mangyari yun. Hindi kita tatawagan, so please don't call me. Ayokong ma-distract ako at iwan ko ang trabahong inatas sakin ng Lolo mo. Mahal na mahal kita, Jessy. Hindi pa ako nagmamahal ng ganito, sayo lang. Totoo 'tong sinasabi ko. Hindi man sincere, pero it's real. Ingatan mo si Messy ha? Anak natin yan eh, pero kung sakaling hindi ako mabuhay, pag may bago ka ng mahal sana wag mong ipagtabuyan yan, dugo't pawis ko yan eh.

Oh, aalis na ako. Ang cute mo palang matulog.

-Max

Hindi ko mapigilang mapaiyak matapos kong mabasa ang sulat niya para sa'kin. Masaya ako na malungkot, masaya dahil mahal niya ako at nagaalala siya sakin at malungkot naman dahil hindi ako siguradong buhay siyang makakabalik. I'm gonna miss him. Nakita ko sa kaliwa ko si Messy, ang teddy bear na anak namin. Kinuha ko ito ay niyakap ng mahigpit.

"Yang tatay mo, hindi manlang nagpaalam." sabi ko kay Messy saka niyakap ito ng mas mahigpit. I hope he can come back safe...

"Jessy...." napatingin ako sa pintuan, nakita ko si Kuya Zeke. I bit my lower lip and try to smile at him. Lumapit ito sakin at niyakap ako. 

"H-he... he leave me..." nauutal kong sabi. Niyakap ko din si Kuya Zeke.

"No he didn't, he'll be alright. He'll come back for you, I promise." nagsimula nanamang tumulo ang mga luha ko. 

StealthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon